Pahina 36: Protective

320 3 0
                                    

Dana's POV

2 weeks later...

Umikot pa ako sa salamin dahil sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakapag-suot ng bestida. "Oh, may date kayo ni brother-in-law?" Sabi ni Kuya Dylan at pinasok ang ulo niya sa pintuan ng kwarto ko. Nagulat ako nang sumilip rin sina Kuya Dan, Kuya Harry at Kuya Kiko. "Kailan pa kayo nagkaroon ng manners sa pagpasok sa kwarto ko, aber?" Nakataas-kilay kong sabi kaya napakamot sila ng mga ulo. Maya-maya pa ay nag-uunahan na sila sa pagpasok ng kwarto ko.

"Babaeng-babae kana, bro--ay sis pala." Tinapunan ko ng matalim na tingin si Kuya Dan at Kuya Harry dahil nag-apir pa sila habang nagtatawanan. "Ano ka ba naman tol. Babae naman talaga yang si Dana. Di lang halata." Sunod namang tumawa si Kuya Kiko kaya binato ko sila ng suklay na nakapatong sa vanity mirror ko.

Inis akong lumabas ng kwarto at hinanap si Papa. Rinig na rinig ko pa ang hiyawan at tawanan nila Kuya sa loob ng kwarto ko. "Saan lakad mo, anak?" Nakangiting bungad ni Papa habang nagluluto ng almusal. "Labas po kami ni Kier, pa." Nahihiya kong sabi kaya tumawa siya nang malakas at binitawan ang sandok na hawak niya.

"Dalaga kana talaga. You resemble your mother a lot." Komento niya habang hinahawakan ang pisngi ko. Ngumiti ako nang malawak nang ihatid niya ako sa terrace kaya kumaway na ako.

Pagkarating na pagkarating ko sa gate ay sumilip ako sa labas at nakita ko si Kier na nakasandal sa kotse niya. Naka-sunglasses siya at nakasimpleng gray shirt at nakamaong. Napangiti ako. Bakit ba ang gwapo ng unggoy na to?

Tumunog ang gate dahil sa pagbukas ko kaya tumingin siya agad sakin mula paa hanggang ulo. "Pasok sa bahay." Seryoso niyang sabi habang nakaturo sa bahay. "Bakit?" Tanong ko sakanya pero umiwas siya ng tingin. "Masyadong maiksi!" Irita niyang sigaw kaya nagdabog ako pabalik ng bahay.

"O akala ko ba aalis kana?" Ngumuso ako dahil sa sinabi ni Papa at sinabing magpapalit ako. Tumawa naman siya ng mahina dahil napaka-conservative daw ng jowa ko. "HAHAHAHAHAHAHAHA!" Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa pinaglalamayan tong mga gunggong kong kapatid at pinsan.

"May nakakatawa!?" Inis kong sigaw sakanila kaya nagpigil sila ng tawa. Naghanap ako ng panibagong damit at nakita ko ang binigay ni Trix na shorts at blouse kaya nagpunta ako sa banyo at yun na ang sinuot ko. "Wow, Koya ang pogi mo naman hihihi." Halos ibato ko lahat ng gamit ko kay Kuya Harry dahil kanina pa siya ang nangunguna sa pang-aasar sakin.

Nagtawanan sila nang lumabas ako ulit. Huminga ako ng maluwag at nilawakan ang ngiti ko. Nang lumingon ulit si Kier ay ngumiti siya sa akin kaya akmang lalapit na ako nang mawala ang ngiti niya sa labi at tinuro ulit ang bahay. "Bawal rin ang shorts." Muli niyang sabi, "Okay." Gigil na gigil na ako ngayon dahil napaka-OA ng lalakeng to!

Konti nalang, Dana. Wag ka munang panira ngayon. Lumabas akong naka-v neck na t-shirt at nakashorts at muling nagpakita sakanya. Nagsalubong ang kilay niya at tinignan ako ng masama. "Bumalik ka. Masyadong mababa ang neckline." Sabi niya kaya pinagsalubong ko rin ang kilay ko. "Ano ba unggoy ha!? Kanina--" Natigil ako sa pagsasalita nang pumasok na siya sa loob ng kotse at tinuro sakin ang bahay. Aysh! Napaka-bastos ng isang to! Kinakausap tapos---aysh!

Inis na inis akong bumalik sa bahay at padabog na binuksan ang cabinet ko. Kumuha ako ng isang boyfriend jeans at kumuha ng isang puting t-shirt para wala na siyang masabi. "Nadapa kaba? Bakit di namin nakita?" Inis kong binulyawan si Kuya Dylan dahil beastmode na beastmode na ako sa pang-aasar nila. "Wag mo ngang ginaganyan si Dana! Oppa'ng-oppa nga ang dating e." Halos maglupasay ako at magdasal na sana patahimikin ng Diyosa ng Kaingayan ang mga Kuya ko.

Wanted: Fake GirlfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon