Pahina 23: Cyrus

325 1 0
                                    

Rage's POV

"Bakit hindi kayo magkamukha?" Tanong ni Dana at isinubo ang isang kutsarang ulam at kanin. "Bakit?! Lahat ba ng magkakapatid dapat magkamukha?!" Sunod kong tinignan si Kier. Tsk, wala talagang katahimikan kapag andito yang dalawang yan. "Nagtatanong lang ako! Bakit ba galit ka!?" Sigaw pabalik ni Dana. Sinamaan sila ng tingin ni Celes kaya para silang mga tutang nanahimik.

Tumingin sa akin si Cia kaya ngumiti ako ng malapad at sinubuan siya ng isang piraso ng grapes. Nanatiling tahimik si Ara sa tabi ko. Hindi naman sa hindi ko pinagkakatiwalaan sina Cia. Ang akin lang, mas maganda sigurong wala silang alam para makaiwas sila sa gulong dala ng nakaraan ko.

"San ka pala galing kanina, Rage?" Tanong sakin ni Cia matapos niyang nguyain ang isinubo kong ubas. Napatingin ako kay JV na palihim na tinaas ang cellphone niya kaya kunwari ay binuksan ko rin ang cellphone ko.

New Text Message: From JV
   Sabihin mo galing ka sa bahay niyo. Pinatawag ka ni Tito.

Tumikhim ako at diretsong tumingin kay Cia. "Pinatawag ako ng tatay ko. Family matters." Tipid kong sabi. Tumango naman silang lahat at bumalik na sa pagiging normal ang aura sa loob ng bahay.

Napasulyap ako kay Ara. Ang totoo niyan, hindi ako sa kung saang bahay nagpunta. Pinuntahan ko ang isang kaibigan ko mula sa nakaraan. Ang kuya ni Ara, si Cyrus.

*Flashback*

Nang umalis ako sa bahay ay agad akong nagtungo sa sementeryo. Malakas-lakas ang hangin pero wala masyadong tao dahil masyado pang maaga. Natabunan na ng bulok na mga dahon ang lapida ng puntod ni Cyrus. Pinagpagan ko ito para matanggal ang mga dahong nakatakip sa pangalan niya.

Cyrus Ferrer
October 17, 1997 - December 23, 2013

Hindi lang kaibigan ang turing ko sakanya, tumayo rin siyang Kuya sa aming dalawa ni Steve.

"Sensya na, tol. Ginawa ko lahat para mahanap si Ara pero siya yung nakahanap sa akin." Panimula ko habang nakapamulsa. "Tutuparin ko ang pangako kong poprotektahan ko siya kahit anong mangyari pero mukhang hindi ko matutupad yung pangako ko sayo na magiging bayaw kita." Napakamot ako ng ulo at bahagyang tumawa.

"Kung matagal ko na sanang nahanap si Ara, siguro pwede pa. Kaso late e." Sabi ko at naramdaman ko ang malamyos na ihip ng hangin. "May babae na kasi akong gustong pakasalan." Sabi ko at muling sinulyapan ang lapida niya. "Hanggang sa muli kong pagbisita, pre." Pamamaalam ko at tinahak ang daan paalis ng sementeryo.

*End of Flashback*

JV's POV

Kumaway pa ako ng isang beses sa papaalis na si Celes kaya nakatanggap ako ng pambabatok galing kay Kier. "Lintek naman! Nakailang kaway kana?" Irita niyang sabi kaya tumawa ako nang malakas. "Palibhasa kasi, wala kang shota. Andyan naman si Dana." Banggit ko. Wag nga siyang choosy, maganda kaya si Dana. "Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na hindi ako pumapatol sa kapwa ko lalake!" Sigaw niya at pumasok sa loob ng bahay.

Hahahahahaha bakit ba napakahighblood ng isang to pagdating kay Dana? Tsk, akala niya hindi ko alam yung banat niya ah. Hahahahaha kinwento kaya sakin ni Celes my labs. ❤️ Siguro kung dati ko pa nakilala si Celes, baka matagal na akong loyal. Hays, hindi ko alam kung bakit ako nahulog sakanya e. Siguro ganito talaga pag inlove ka, walang dahilan kung bakit.

Wanted: Fake GirlfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon