Pahina 16: Amasona

348 4 0
                                    

Kier's POV

Bumaba ako ng sasakyan ko habang pasipol-sipol pa. Wooooo, sa wakas! Makakapagpahinga na rin ako. Pagod na akong mag-aral wengya. Kanina pa ako inaantok, buti nalang meron si Dana na tagabatok sakin pag nakakatulog ako sa klase. Pagkapark ko ng sasakyan sa garahe ay napansin kong may lalakeng paika-ika na kakapasok lang sa gate. Takte, sino kaya yon?!

Madilim na rin kaya nagtago ako sa isang poste. Lintek kang magnanakaw ka, kabahan ka na, ako nagturo kay Rage na bumugbog. 😎 Antok na antok nako wengya naman! Wrong timing tong magnanakaw na to. Agad kong tinulak at sinuntok nang pagkalakas-lakas yung lalake. Ramdam ko ang sakit ng kamao ko, shet. Ang tigas naman ng bungo neto.

"LINTEK!" Napalunok ako dahil pamilyar ang boses nung lalakeng sinuntok ko. Nilabas ko ang cellphone ko at nilagay sa full brightness. "J-JV?" Utal kong sabi nang matutok ko sakanya yung cellphone. Kumaripas ako nang takbo nang makita kong galit na galit yung mukha niya. "RAAAAAAAGE-- Putangina, anong nangyari sainyong dalawa?!" Napatigil ako sa pagtakbo nang makarating ako sa salas. Bugbog sarado yung mukha nila ni Troy.

Sunod kong narinig ang kalabog ng pintuan at pumasok ang galit na galit na si JV. "Anong nangyari sa inyong tatlo!?" Gulat kong tanong nang makita kong pati pala si JV ay may pasa rin sa mukha. Tumawa ako ng pagkalakas-lakas. "Wala na nga kayong kagwapuhan at charms, nagpabugbog pa kayo?" Lumagapak ako sa tawa at humiga pa sa sofa.

"Bakit? Inggit ka? Halika dito, para hindi kana mainggit sa aming tatlo." Tumayo si Rage at akmang hihilain ako pero kumaripas ako ng takbo. Lintek. "Magluluto na nga lang ako, mga gago kayo. Mga absentees! Mga basagulero! Mga hayop! Mga walang pangarap sa buhay! Mga sakit sa ulo!"" Pangangaral ko at kinalampag ang rice cooker at mga kaldero sa kusina. Kanina pa ako inaantok, tsk! Lintek tong mga lalakeng to, napaka-amp!

Rage's POV

"Magluluto na nga lang ako. Mga gago kayo. Mga absentees! Mga basagulero! Mga hayop! Mga walang pangarap sa buhay! Mga sakit sa ulo!"

Nagkatinginan kaming tatlo nang pangaralan kami ni Kier at rinig na rinig pa namin ang pagkalampag ng mga kaldero sa kusina. "Shit, para siyang nanay na nagagalit sa mga anak niya." Pigil na pigil na tawang sabi ni JV.

Lumagapak sa tawa si Troy kaya pati ako ay di ko na napigilan. Tangina, parang hindi kami galing sa rambulan. Lintek na Kier yun, kahit kailan talaga, palpak sa buhay niya. Pinikit ko saglit ang mga mata ko dahil bugbog-sarado ako. Ramdam ko rin ang sakit ng likod at sikmura ko dahil sa hampas ng mga tubo kanina.

"Ayoko yung tipong bad boys. Yung kasali sa gang war at yung umiinom at basagulero. They're annoying."

Napamulat ako ng mata nang maalala ko yung sinabi ni Ciara kanina. Napapikit ako ulit. Shit, ayokong pumasok bukas. Kailangan matanggal muna lahat ng pasa ko dahil ayokong ma-disappoint si Ciara sa akin.

Gusto ko nang tumiwalag sa pagiging bad boy. Magbabagong-buhay na ako, pero lintek tong mga kaibigan ko. Pinapahamak ako. Tsk. Suminghot bigla si JV kaya pati ako suminghot rin. "May naamoy ba kayo?" Nagkatinginan kami nila Troy at agad kaming kumaripas ng takbo papunta sa may kusina.

"Tanga, sunog na yung niluluto mo!" Sigaw ko kay Kier. Lintek na to, sinabi niyang magluluto siya tapos maabutan naming natutulog sa mesa. Agad pinatay ni Troy yung gasul at tinakpan pa yung ilong niya dahil kulang nalang umapoy na yung laman ng kaldero.

Agad namang minulat ni Kier yung mata niya. "Oh ano luto na?" Tanong niya sa amin kaya binatukan siya ni JV. "Lutong-luto na! Sa sobrang luto, muntikan nang maluto pati bahay natin, gago!" Sigaw ni JV at agad may dinial sa cellphone niya. "Makapagpa-deliver na nga lang." Inis kong sabi at pansin ko namang tatawa-tawa si Kier. Abnormal, nahahawa masyado kay Dana. Pft.

Kier's POV

Kinaumagahan...

"Oh ano, tara na? Mali-late na tayo." Kalmadong sabi ni Troy at sumandal sa sasakyan ko habang nagdudutdot na naman sa cellphone niya. Nakaband-aid ang pisngi niya pati yung isang kilay niya dahil may hiwa dahil sa suntok. "RAGE!" Sigaw ni JV habang inaayos ang pagkakalagay ng bandaid sa kaliwang pisngi niya.

Lintek, mukha silang mga rapist. Buti nalang ako, inayos ko ang buhok ko sa salamin. Woooo, adonis talaga. "Hoy! Mababasag yang salamin. Mabuti pa, puntahan mo si Rage, baka nalunod na yun sa CR." Utos ni JV sa akin. Nagdadabog akong dumiretso sa kwarto ni Rage at nakita kong wala siya sa CR dahil nakakumot parin siya.

Hinila ko ang kumot niya, lintek! Pawis na pawis ang gago. "Hoy, pasok na!" Sigaw ko pero tinignan niya lang ako gamit ang antok na antok niyang mga mata. "Di ako papasok." Hinang-hina niyang sabi kaya napatitig ako sakanya. Lintek, baka may internal bleeding tong isang to.

Tutal sanay naman na akong ganyan yan pagkatapos makipagrambulan ay tumalikod na ako. "Hoy, Kier." Tawag niya ulit sa akin kaya tumigil ako sa paglalakad. "Pag hinanap ako ni Cia, bahala ka nang mag-rason, basta wag mong sabihing nakipagrambulan kaming tatlo." Sabi niya at sunod kong narinig ang hilik niya.

Tignan mo tong isang to, mag-uutos tapos bigla-bigla kang tutulugan. Napailing nalang ako at lumabas. "O nasaan?" Sabi ni Troy at binalik ang atensyon sa cellphone niya. "Di papasok. Tara na." Sabi ko at pinaandar na ang kotse.

**

Lunch time na kaya nagkita-kita nalang kami sa cafeteria. "Hoy, alam mo bang ako ang pinagbuhat ng panot na teacher na yon kahapon dahil ambilis mong umuwi!?" Bulyaw ni Dana sa akin kaya natawa ako. Sumubo ako ng isang kutsara ng leche flan at tumingin sakanya. "Kwento mo sa unggoy." Pang-aasar ko sakanya and for the nth time, nabatukan na naman ako.

"KAYA KO NGA KINUKWENTO SAYO DIBA?!" Nakapamaywang na siya habang sinasabi yan, tsk! Ang gwapo ko namang unggoy. Lintek na babae to, napakaingay. Hindi lang pala siya maingay, brutal pa. Saan kaya pinaglihi to? Ah alam ko na. Pinaglihi sa sama ng loob, pft.

Napatigil ako sa pang-aasar kay Dana nang mapansin kong tahimik silang lahat. Nakatingin ng seryoso si Celes kay JV at si JV naman umiiwas ng tingin. Si Trix naman at Troy kanina pa hindi nagkikibuan. "Anong nangyari dyan?" Halata ko ang pagkairita sa boses ni Celes. Wooooo! "Naglaro kami kahapon ng--" Nagtama ang tingin namin ni Celes kaya napalunok ako. "Hindi kita kinakausap, Kier." Seryoso niyang sabi.

Wooo takte! Kung makapagbiro to, wagas pero nakakamatay din pala kapag galit! Teka nga, bakit para silang mag-asawa?! Pft hahahaha--- "Asan si Rage? Hindi na naman pumasok?" Nabaling ang atensyon ko nang magtanong si Cia. Itinuon ko ang tingin ko sa leche flan para makaiwas sa hotseat.

"Kier, I'm talking to you." Automatiko kong inangat ang tingin ko at tinuro ang sarili ko habang nakatingin kay Ciara. "Ako ba? Ha-ha, ako pala yon?" Kabado kong tanong. "Duh! Malamang! Kier nga sabi niya diba? May iba pa bang Kier dito!?" Panggagatong naman nung katabi kong tomboy. "Meron! Malay mo ikaw!" Pang-aasar ko sakanya pero agad akong tumahimik nang magdabog si Ciara.

"Nasaan siya?" Tanong niya, wooooo! Bakit ba nakakatakot tong magkakaibigang to? Puro sila mga amasona. Agad naman akong kinurot ni Dana at pinandilatan ng mata. "Aba malay ko! Hindi naman niya ako tatay ah!" Pagsisinungaling ko. "Hindi ka talaga niya magiging tatay dahil mas matanda pa ang itsura mo. Dapat lolo!" Tatawa-tawang sabi ni Dana.

Napansin kong hanggang ngayon ay hindi parin nagkikibuan sina Trix at Troy. Lintek, pati si Celes ang talim ng tingin kay JV. Napalingon ako sa katabi kong tomboy. "Lintek nakakagulat ka naman!" Inis kong sigaw dahil nakatitig siya sakin na para bang isa akong kriminal. "I'm leaving." Umangat ang tingin ko kay Cia na nagsusukbit ng bag. "Ngayon na!?" Kumalabog bigla ang puso ko dahil sa kaba.

Saan naman pupunta tong isang to? "Hindi, bukas pa. Kaya aalis na ako ngayon." Shet, saan neto nakuha pambabara niya? Narinig ko ang malakas na tawa ni Dana. "Barado, amp!" Pang-aasar niya sakin kaya agad ko siyang pinitik sa noo dahilan para maghabulan kami palabas ng cafeteria.

--tbc--

Wanted: Fake GirlfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon