Pahina 20: Hindi Ka Kalandi-Landi

341 4 0
                                    

Troy's POV

Maga-alas dose na ng hatinggabi nang makarating ako sa condo ni Gia. Agad kong sinwipe ang card na binigay siya sa akin para tig-isa namin. Nag-sando nalang ako dahil tinatamad akong maghalungkat ng shirt. Sobrang kalat talaga nun. Napatingin ako sa bawat table na madadaanan ko, may mga litrato kami sa picture frames. Siya ang babaeng gusto kong pakasalan.

Pero bakit gumulo lahat ng planong yun?

Napatampal ako sa noo ko dahil sa pinagsasasabi ko. Dapat si Gia lang, be loyal Troy. Pumasok ako sa kwarto niya. Sobrang ginaw dahil napakababa ng temperature ng aircon. Tsk. Umupo ako sa kama niya at tinanggal ang pagkakakumot sa mukha niya.

Nagulat ako nang may luha na pumatak. "Gia?" Tawag ko sakanya at hinawakan ko ang mukha niya. Wala pang dalawang segundo ay niyakap na niya ako habang humahagulgol. Yinakap ko rin siya nang mahigpit. "May problema ba?" Tanong ko at hinalikan siya sa noo. Hindi parin siya tumitigil sa pag-iyak kaya naisip kong baka may problema.

Nanatili kaming ganon hanggang sa kumalma siya. Pinunasan ko ang luha niya at tinitigan siya deep straight into her eyes. "Wag mo akong iwan." Hindi ko alam kung bakit pero parang may sumaksak sa puso ko. Bakit siya nagkakaganito? "Hindi ko kakayanin, Troy." Pahabol pa niyang sabi.

*WARNING: MEDYO SPG

"I would never leave you." I assured her, mahal na mahal ko siya. Hindi ko ipagpapalit ang dalawang taon naming pagsasama sa kahit na anong bagay dito sa mundo. Hinawakan ko ang mukha niya and I kissed her gently. Kumapit siya sa leeg ko at hinapit ko ang baywang niya para lumalim pa ang halik.

Hindi na bago sa aming dalawa yung "bagay" na yun. We started doing it since our eighth monthsary. Tinanggal ko ang suot kong shirt and I was about to unhook her brassiere pero parang mahikang nagpakita ang mukha ni Trix sa paningin ko. Napatigil ako sa ginagawa ko. "Babe?" Naguguluhang tanong niya. Tumayo ako agad.

"Sorry, nakalimutan ko. Tumawag si Mom kanina. Kailangan ako sa bahay." Pagsisinungaling ko at agad sinuot ang damit ko. Kinumutan ko siya at hinalikan siya nang mabilis sa labi. "Get well, hmm?" Nakangiti kong sabi sakanya and he smiled back. Maya-maya pa ay nakayakap na siya ulit sakanya kaya niyakap ko rin siya pabalik.

"I love you so much, Troy. I would do everything to protect you." Napatawa ako nang mahina. "No, I love you most and I would be the one to do everything to protect you." Sabi ko at hinalikan siya muli sa noo bago tuluyang umalis sa condo.

Napasabunot ako sa buhok ko nang bigla kong maalala yung biglang nagflash ang mukha ni Trix sa paningin ko. Hindi pwede. Ganitong-ganito rin yung naramdaman ko noon kay Gia. Shit. I can't fall inlove with someone else.

Kier's POV

Sabay-sabay kaming apat na pumasok pero agad silang nawala sa paningin ko. Lintek, bakit ba lagi akong napag-iiwanan!? Nakita kong hawak na ni Rage ang kamay ni Ciara-- depputa seryoso ba yan!? Sunod kong hinanap si JV at nakita kong hawak niya ang bag ni Celes. Lintek wag mong sabihing pati si-- kulang nalang maglupasay ako nang makita kong naglalakad na magkasama si Trix at Troy.

Puta, real talk ba yan? "HOY!" Napamura ako nang malakas dahil sa panggugulat ng tomboy sa likuran ko. T-teka, bakit parang-- lumagapak ako ng tawa nang makumpirma kong lipstick nga yung nasa labi niya. Agad kong tinanggal yung lipstick na nakalagay sa bibig niya ang pinunas sa pisngi niya.

"Sino bang naglagay niyang lipstick na yan sayo, ampangit!" Tatawa-tawa kong sabi sakanya. Pero syempre biro lang, nagulat lang ako sakanya kanina. Maganda siya pero mas maganda siya kapag nag-aayos. "Hiniram ko kay Beatrix! Nakakainis naman kasi." Pagmamaktol niya at naglabas ng salamin at wet tissue saka nagpunas ng mukha.

"Tignan mo! Nasira mo na tuloy, nakakainis kang unggoy ka! Sabihin mo lang kung naiinggit ka!" Galit na galit niyang sabi at napansin kong gigil na gigil siya dahil namumula na yung pisngi niya dahil sa diin ng pagpupunas niya. "Ako nga!" Sigaw ko at inagaw yung wet tissue at ako na mismo ang nagpunas sakanya.

Lintek, ano ba kasing naisip nito bakit gumamit ng ganito? Tsk, tatanga-tanga talaga tong tomboy na to. "Kahit magsuot ka pa ng libu-libong kolorete, hindi mo mababago yung katotohanan na lalake ka. HAHAHAH--ARAY!" Sigaw ko pero tumawa ako agad ulit nang mapansin kong pulang-pula na siya sa galit. Pft HAHAHAHAHAHAHA.

Sakit talaga mambatok neto. Batak kasi, pwede rin to sa suntukan e. "Bakit ka ba kasi gumagamit niyan?" Tanong ko ulit habang nagpipigil ng tawa. Umiiwas-iwas pa ako ng tingin dahil natatawa talaga ako. Hindi sa mukha niya, kundi dahil sa reaksyon niya kapag naiinis ko siya. "Kasi. Si Trix, may Troy. Si Rage, may Cia. Si Celes, may JV. E ako? Walang nanlalandi sa akin!" Inis niyang sabi kaya natawa ako nang pagkalakas-lakas.

"Sino ba naman kasing lalakeng manlalandi ng kapwa nila lalake--ARAY NAKAKADALAWA KANA!" Sigaw ko nang batukan na naman niya ako. Pft, so naco-conscious siya sa sarili niya? Hahahahaha. "Alam mo kung bakit walang lumalandi sayo?" Seryosong tanong ko sakanya. Agad naman siyang napatingin sa akin.

Dana's POV

"Kasi hindi ka kalandi-landi." Parang pinagbagsakan ako ng impyerno at lupa sa sinabi ni Kier. E? Ganun ba yon? Hindi ako kalandi-landi kasi hindi ako maganda? "Hindi ka kasi pang-landi." Seryoso niyang sabi at naglakad palayo.

Inis na inis kong sinipa ang bato sa harapan ko dahilan para tumama sakanya. "ARAY, LINTEK NAMAN DANA!" Rinig kong sigaw niya. Ay ewan ko sayo! Nakakainis ka, pwes hindi ka rin kalandi-landi kasi unggoy ka! Palibhasa kasi walang jowa. Unggoy!

**

"OMG, SINABI NIYA SAYO YUN?!" Kilig na kilig na hiyaw ni Celes habang niyuyugyog ako. Anong nakakakilig don? "Iniinsulto mo ba ako?" Nandidilim ang paningin ko dito kay Celes ha, ilayo niyo to sakin. Inis kong kinagat ang sandwich na hawak ko pero agad itong inagaw ni Beatrix at siya ang kumain. Andito kami ngayon sa dorm ni Trix at kinuwento ko ang kabulastugan ng unggoy na yun.

Pag ako nagka-jowa, who you siya sakin. Punyeta siya, agh! Nagtitindigan mga balahibo ko sa sobrang inis. Ang yabang, akala ko mo naman kung gwapo! E siya rin naman, walang jowa!

"Seryoso ka ba hindi mo gets yung banat na yun?" Weird na sabi ni Trix sa akin at napansin ko namang namumula sa pagpipigil ng tawa si Ciara sa tabi. "E kung ikaw kaya banatan ko!?" Inis kong sigaw kay Trix. Sunod kong tinignan si Cia, "Wag mong pigilan yang tawa mong yan, baka pati paghinga mo mapigil mo." Inis na inis kong sabi and guess what? Nagtawanan silang tatlo.

"Yan! Yan kasi napapala nang hindi nagf-facebook!" Napatingin ako kay Trix. Eh? "Dana dear, alam mo ba kung bakit sinabi niyang hindi ka kalandi-landi?" Tanong ni Celes sa akin at sabay silang tatlong lumapit sa akin. Natahimik ako, hmm. "Kasi hindi ka pang-landihan." Sagot ni Cia at pasimple siyang ngumiti.

Sinamaan ko sila ng tingin at halos sabay-sabay silang nagtaas ng kamay. "Hindi ka pang-landian, kasi dapat pang-seryosohan ka." Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. Sunod kong naramdaman ang maraming pag-flash ng camera kaya naghabulan kaming tatlo sa loob ng dorm ni Trix.

--tbc--

Wanted: Fake GirlfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon