Pahina 18: Rain

347 3 0
                                    

Celestine's POV

Two weeks later...

Masayang-masaya akong tumugtog ng drums ko. Sa wakas, nabuksan na ulit itong resto ni Ryan. Napansin ko na may nakatitig sa akin kaya nilingon ko ito. Nakangiti si Travis sa akin, ang vocalist namin. Tumango ako at nag-focus sa instrumento ko. It's been two months since huli akong tumugtog sa gig.

Sigawan ang mga tao nang matapos ang kanta. Kumaway ako habang iniikot ang drumstick sa mga daliri ko. "Thank you, Celes." Bungad ni Ryan nang makababa ako ng stage. Ramdam kong masaya siya dahil abot-abot rin ang luha sa mata niya. Tinapik ko siya sa balikat. "No, si JV ang pasalamatan mo." Nakangiti kong sabi at tumango naman siya.

Umupo ako sa isang bar stool at humingi ng orange juice sa bartender. Tuwang-tuwa ako sa paggawa niya ng orange juice, andami niya kasing kaartehan. "Celestine." Napatigil ako sa panonood kay kuyang bartender nung tumabi si Travis sa akin. Ngumiti ako nang pilit sakanya.

Ilang beses na kasi siyang nagtangkang manligaw sa akin pero ilang beses ko nang ni-reject dahil sobrang hindi ko maintindihan ang ugali niya. Ngumiti siya at akmang ilalapit pa ang upuan niya pero-- "Op op, hanggang dyan lang, know your boundaries."

Napatingin ako sa likod ng lalakeng nasa harapan ko. Nakaputing shirt siya at nakamaong pants. Masyadong maingay dito sa resto kaya hindi ko masyadong nabosesan. "Pre, may kausap akong babae. Respeto naman." Rinig kong sabi ni Travis. Akmang tatayo na sana ako paalis dahil mukhang gulo ang mangyayari pero nagsalita ulit yung lalake. "Respeto rin pre, girlfriend ko yung tao, pinopormahan mo?"

Nanlalaki ang mga mata ko nang humarap sa akin yung lalake. Nag-iwas ako ng tingin at humingi nang pasensya kay Travis at hinila palabas ng resto si Jake. "Ano na namang pinagsasasabi mo?" Taas-kilay kong sabi kaya pinitik niya yung noo ko. "Gabi na nga, nagtataray ka pa." Tatawa-tawa niyang sabi at hinawakan ang kamay ko. "Hoy, babaero. Nakakailang-chansing ka na sa kamay ko ah." Tatawa-tawa kong sabi.

Tumingin siya sakin at ilang sentimetro nalang ang layo ng mga mukha namin sa isa't-isa. "Oo nga pala, Jake." Lumayo ako nang kaunti at kinalas ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Hmm?" Sagot niya kaya bumuntong-hininga ako. "Umamin na kaya tayo kay Lola Pats? Na fake lang kami?" Nakayukong sabi ko.

Ang ipinagtatakha ko lang rin naman, matagal nang walang nagbabantay sa amin pero bakit hanggang ngayon magkakasama parin kaming lahat? E kung tutuusin dapat wala na kasi nasalba na ang resto, wala na kaming rason para ipagpatuloy pa to. "Not now." Banggit niya. Napatingin ako sa mukha niya. Hindi siya kasimputi ni Rage, kayumanggi ang kulay niya. Matangos ang ilong, makapal ang kilay at may mapulang labi.

Minsan nga iniisip ko kung bakit nagse-settle siyang kasama ako e fake lang rin naman ako diba? Kung tutuusin, madami siyang chix. Chix na kayang ibigay lahat sakanya. Magaganda, sexy, hot at kung ano pa. "Thank you for saving Ryan's resto." Pasasalamat ko. Sobrang gaan ng loob ko sa lalakeng ito kahit dalawang buwan palang simula nang magkakilala kami. "Kung di lang naman dahil sainyo, ano bang pake ko kay Ryan." Lumagapak ako sa tawa dahil sa sagot niya. Pati siya ay tumawa nang mahina.

Nagkatitigan kaming dalawa. Hays, masyado na akong nasasanay sa ganito. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi pwede. Sinabi ko sa sarili ko na hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay kay Jake. Nothing more, nothing less.

Hindi ko rin kasi maalis yung pag-aalala. Kasi playboy siya, paano kung... tulad ko, peke rin lahat ng motibong pinapakita niya? Marami na siyang babaeng napaiyak, at ayokong dumagdag sa mga yon. Naalala ko tuloy nung dalawang weeks simula nang magsimula kaming magsama-sama.

*Flashback*

"Nagmahal kana ba?" Diretsang tanong ko sakanya. Napatigil siya sa pagkain ng ice cream na binili naming dalawa. "U-uh, oo naman." Nakayuko niyang sabi. "E bakit ka babaero?Hindi kaba nagsisisi sa mga babaeng kinakama mo? Pano kung mabuntis sila?" Diretso kong tanong ulit na naging dahilan para masamid siya. Natawa ako dahil namumula-mula ang mukha niya. "Aysh, bakit ba napakastraight-forward mong babae ka?" Iling-iling niyang tanong.

"Tulad ng kwento ng lahat ng babaero sa mundo. A woman broke my heart. Papatos na nga lang siya, sa kapatid ko pa." I stopped. Sa kapatid niya? What happened? I looked at him. Ramdam ko ang galit niya. Hinawakan ko ang parte na kung saan, mararamdaman ko ang tibok ng puso niya. "Ang lalim pala ng sugat nito." Malungkot kong sabi sakanya.

"How about you, Celes? Nagmahal ka naba?" Napatigil rin ako sa tanong niya. Bukod sa pamilya ko, wala na akong ibang minahal pa. "I've never been inlove because I'm scared." Sagot ko sakanya at bumuntong-hininga. Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko kaya agad ko itong tinanggal.

"Bakit takot ka?" Tanong niya ulit kaya tumingin ako sa mga mata niya. Deep brown eyes. Hindi ko na ipinagtakha kung bakit napakaraming babaeng nahulog dahil sa mga tingin niya. "My dad was the first man to break my heart." Panimula ko habang inaalala lahat ng masasaya at masasakit na alaala sakin ni Papa.

"I was there, nung umiiyak si Mama dahil hindi niya alam kung anong problema ni Papa. I was there sa tuwing nag-aaway sila dahil sa babae. Well, my father denied na wala siyang babae. He swore to me. And I trusted him. I believed him." Panimula ko. Nakaramdam ako ng mainit na likido sa pisngi ko.

Aysh, nakakahiya. Nagdadrama ako sa taong dalawang linggo ko palang kakilala. "I trusted him but I was there nung... nung may dinala siyang babae nang gabing yon. Narinig ko lahat ng sigaw, screams out of lust sa kwartong tinutulugan nila ni Mama. I cried but then-- he slapped me and told me not to say a word to my mom." Hindi ko napigilang mapahagulgol. It's been 8 years pero bakit ang sakit parin? Simula noon, nawalan ako ng tiwala sa mga lalake. Inisip kong pare-pareho sila. But then, my bandmates are all guys. But still, I promised myself that I would never fall inlove.

I was about to continue pero agad akong nakaramdam ng mahigpit na yakap. "Shhh, it's okay. Don't say anything. Just cry. I'll be here." And that moment, I think I could break the only promise I had for myself.

*End of Flashback*

Bumalik ako sa katinuan nang biglang umulan nang malakas. Sinukbit ko ang drumsticks ko sa likurang bulsa ko at hinila si Jake patayo. Akmang tatakbo na ako pero hinila niya ako pabalik. "Would you believe the words of a womanizer?" Ramdam ko ang kaseryosohan sa mga salita niya, hindi ako nakapagsalita.

Do I trust him? Do I trust his words? "Celestine Mariano." Tawag niya sa pangalan ko at hinawakan niya ang mukha ko. Basang-basa na kami sa ulan. "Don't run. Don't run from me just because of the rain. Because the rain signifies me." Abot-abot kaba ang nararamdaman ko. Sobrang lalim ng pinapahiwatig niya na halos makalimutan kong babaero siya.

"Just like the rain, I am falling, too. Not that I am falling for the cold ground but because I am falling for you."

Napatunganga ako sa sinabi niya. Ginagago ba ako neto? "Kaya please, wag kang tumakbo. Believe my words, I am sincere. Don't go away. Stay." Muli niyang banggit at sunod kong naramdaman ang malambot na bagay sa labi ko. Ipinikit ko ang mga mata ko. Tae, bakit feel ko parang nasa kdrama ako? 🙄

--tbc--

Author's Note: So #JaLes or #KierNa or #RaCi or #BeaTroy? ❤️ Sinolo nila Celes tong chapter na to dahil sila lang ang wala masyadong scenes sa story. So what can you say? Hahahaha, thank you sa sumusupport ng story na to lalong lalo na po sa facebook. Sana patuloy niyong suportahan! Thank you so much! Saranghae! 🙌🏻✨

Wanted: Fake GirlfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon