Ciara's POV
Kumatok ako sa pintuan ng apartment ng apat dahil magsasabay kami ni Rage pumasok ngayon. Nang bumukas ang pintuan ay nakabusangot na mukha ng kapatid niyang si Arabella "Anong kailangan mo?" Mataray niyang sabi kaya napasinghap ako. Wow! May manners ba ang isang to?
"I'm waiting for Rage." Banggit ko at dire-diretsong pumasok sa apartment. Hinawakan niya ang braso ko kaya tinignan kita. "Ayaw kita para kay Rage." Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko. I thought she was Rage's lil sister? Pero bakit wala manlang sign ng respeto itong babaeng to?
If she hates me, then fine. I hate her more. I don't care kung kapatid siya ni Rage. "I don't care, Arabella." Sabi ko at iniwan siyang nakatayo sa may pintuan. "It's Ara." She corrected me. I rolled my eyes. I don't want to call her that. "But I prefer Arabella." Rason ko at hindi ko na siya pinansin.
"Leave my brother alone." Galit niyang sabi. Nabigla pa ako sa tono ng pananalita niya. Hinila niya ako mula sa pagkakaupo at nakakaramdam na rin ako ng paghigpit ng hawak niya. "Cia?" Pagkalingon ko sa may hagdan ay tumambad sakin ang nakangiting mukha ni Rage.
Nabigla rin ako nang biglang umupo si Ara sa sahig. "Ouch." Kumunot ang noo ko. Wala pa sa isang segundo ay nandito na rin si Rage. "Ara, are you okay?" Tanong niya kaya napalingon ako sakanya. Tumingin naman ng masama si Ara sa akin kaya napailing nalang ako. "Nananakit yang kaibigan mo, Kuya." She said kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Hey, don't be childish. Don't put up a show." Iritado kong sabi. Napahawak pa ako sa namumula kong braso at tinago ito sa likuran ko. "Cia, what happened?" Tanong ni Rage sa akin. Kung kanina ay nakangiti siya, ngayon ay nakakatakot na siyang tignan. "I didn't do anything, Rage." Kalmado kong sabi. Hindi ako papatol sa laro niyang kapatid niya. I'm better than she is. "Umakyat kana sa kwarto. Aalis na kami." He said coldly at tinignan niya ako. Nanibago pa ako sa tingin niya.
What was that? Nakasunod lang ako sakanya habang naglalakad pero bago pa ako makalabas ay napasulyap ako kay Ara. She's smiling wickedly. What the heck? What's wrong with her? Huminto sa paglalakad si Rage at tinitigan ako. "So, do you believe her?" Seryoso kong sabi, hindi ko mapigilang hindi masaktan. Tingin niya ba kaya kong manakit ng ibang tao?
"You didn't do what she said?" Balik tanong niya sakin at umiling naman ako bilang sagot. Sa isang iglap ay hawak-hawak na niya ang namumulang braso ko. Nang tignan ko siya ay puno na ng concern ang mga mata niya. "She did this?" Seryoso niyang tanong pero hinila ko pabalik ang braso ko. "It's okay. Maybe she had some problem so hayaan nalang natin." Sabi ko. Napansin ko ang pagkalito sa mukha niya.
Hinawakan ko ang braso niya at hinila na siya pabalik sa sasakyan.
Rage's POV
Nanatiling tahimik si Cia simula nang makasakay kami sa loob ng sasakyan. Tahimik lang akong nagdadrive habang pasulyap-sulyap sa braso niyang halos kulay violet na dahil sa kaunting pasa. Bakit gagawin ni Ara yun? Seryoso kong itinuon ang atensyon ko sa pagdadrive.
Damn, nasaktan kaya si Cia sa inakto ko kanina? Hindi ko rin alam kung bakit pero tingin ko kailangan kong protektahan si Ara. Pangako ko yun kay Cy kaya hindi ko pwedeng balewalain. "Cia, are you mad?" Tanong ko sakanya at pasulyap siyang tinignan. Napansin ko naman ang pagngiti niya. Damn, bakit ba napaka-understanding niya?
Deserve ko ba siya? Humahanap ako ng tiyempo para umamin sakanya na, na isa ako sa mga lalakeng kinaiinisan niya. Would she shut me out? Sorry, Cia kung hindi ko masabi sayo yung mga kagaguhan ko. Balang araw, sasabihin ko lahat sayo. Wag muna ngayon, hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag kinasuklaman mo ako.
BINABASA MO ANG
Wanted: Fake Girlfriends
Storie d'Amore[COMPLETED] The four unbiological grandsons of an elite old woman reaches the point where they are now getting uncontrolled. The elite grandma then asks them to let her meet the girls who had captured the hearts of the four young men. Scared of bein...
