Pahina 23: Traydor

330 5 0
                                    

JV's POV

*Four days later...

Nagkatinginan kaming lima nila Rage, Cia, Kier, at Celes nang makita naming magkahawak-kamay na dumating si Trix at Troy sa restaurant na pinuntahan namin ngayong lunchbreak. At hindi lang yon! Nakatingin lang sila sa isa't-isa na para bang wala nang bukas.

"Hi, guys!" Tuwang-tuwang bati ni Trix sa amin kaya napatakip ako ng bibig para magpigil ng tawa. Pft, agad akong siniko ni Celes my labs dahil hindi ko na talaga mapigilang tumawa. "May nakakatawa, JV?" Tanong ni Kier kaya sinamaan ko ng tingin. Tsk, teka bakit parang kulang kami ngayon?

"Si Dana?" Tanong ko nang makumpirma ko kung sinong nawawala sa amin. "Aba malay ko, bakit sa akin mo tinatanong?! Hanapan ba ako ng nawawalang tomboy?" Binato ni Troy ng tissue si Kier dahil masyadong napalakas ang boses niya. "Ikaw ba tinatanong ko bebe Kier?" Pang-aasar ko kaya tuluyan nang natawa si Rage. "Napaghahalataan." Pailing-iling na sabi ni Rage bago kami tuluyang kumain.

Palabas na kami nang restaurant at nagsimula na kaming maglakad pabalik ng university dahil malapit lang naman ang kinainan namin. Nang ihahatid ko na si Celes sa Med building ay may masulyapan akong naglalakad na lalake at babae sa gilid ng hallway. "Celes, si Dana ba yon?" Takhang tanong ko at pasimple ko siyang inakbayan. Ayown! Naka-score ako amp! "Hala, sino yon, Jake!?" Taranta niyang tanong nang makita rin niya ang tinuturo ko.

"May manliligaw ba si Dana?" Takhang tanong ko. Pansin ko kasing natututo nang mag-ayos si Dana. Nagsusuot na nga ng hair clips e HAHAHAHAHAHAHAHAHA. "Wala namang nakukwento yan sa amin." Nakapout niyang sabi. Napatingin ako sa labi niya at pinisil ko ang pisngi niya habang nakangiti.

Napabitaw ako sa pagkurot ng pisngi niya nang may biglang dumaang lalake sa pagitan namin. "PDA, PDA, PDA!" Pailing-iling nitong sabi at tinignan ko kung saan siya didiretso. Pft, a HAHAHHAHAHAHAHA. Pasimple talaga tong Kier na to.

Nang makita kong malapit na siya sa kinaroroonan ni Dana ay agad ko nang hinila si Celes para maihatid na siya sa klase niya.

Kier's POV

"TOMBOY, MALI-LATE NA TAYO!" Sigaw ko nang makarating sa kinaroroonan niya. Etong tomboy na to, tinalo pa si Dora kung makapag-gala. Akala ko naman kung saan nagpunta at hindi nakisabay sa lunch. Naghanap lang pala ng Boots. Lintek, saglit nga. Kilala ko tong tipaklong na to ah.

*Flashback*

PS: Refer to Pahina 13: Gone Wrong

"Wag mo akong ginagago, Miss." Napalingon ako sa likuran dahil sa ingay na narinig ko. Tsk, etong tomboy na to kahit kailan, lapitin ng away. Napansin kong kakaibang aura na ang nakapalibot sa lalakeng kausap niya. Agad akong pumagitna sa kanilang dalawa.

"Respeto naman, brad." Seryoso kong sabi at may inabot na isang kapirasong papel. "Ako nakaupo dito, may problema ba?" Muli kong tanong at nakita kong binasa niya ang nasa papel. Pasimple kong tinaas ang kamao ko at sunod ko siyang nakitang naglakad palabas ng room. Humarap ako sa tomboy at umiwas naman siya ng tingin kaya ako na ang umupo sa tabi niya.

*End of Flashback*

"Ikaw yung gagong mayabang na nakipag-usap kay Dana ah?" Sabi ko sakanya. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo sa ulo ko. Hindi bat ginago siya ng isang to e bakit pa lumapit si Dana dito?

Napatingin ako kay Dana at nagsalubong ang kilay ko nang mapansin kong nakalip-tint siya. Tsk, sinabi ko nang wag siyang gagamit ng ganyan e! "Nag-sorry lang siya." Tipid nitong sabi at nagpaalam dun sa gago. Yung gagong tipaklong naman pangiti-ngiti pang kumaway kaya sinamaan ko siya ng tingin at sinenyasan ko siya ng suntok.

Tsk, duwag. "Pipili ka na nga lang ng lalake, yung tipaklong pa!" Inis kong sabi habang sinusundan yung naglalakad na tomboy. Bigla naman siyang tumigil sa paglalakad at humarap sa akin habang magkasalubong ang kilay. "Anong pinagsasasabi mo? Sinamahan lang niya ako. Mas maayos nga kasama yung tipaklong kaysa sa unggoy e." Komento niya at iniwan ako doon.

Hinabol ko ulit siya dahil hindi ko tanggap na kinukumpara niya ako sa tipaklong na yon e di hamak naman na mas hot at gwapo at ma-appeal at malakas ang karisma ko kaysa doon. "Mas maayos kaya ang unggoy! Atleast, parang tao rin!" Depensa ko at narinig ko ang mahinang tawa niya. "So inamin mong unggoy ka?"

Napasabunot ako ng buhok dahil sa pagkairita. "Layuan mo yung gagong yon!" Malakas kong sigaw kaya napatigil siya sa paglalakad. "At bakit?" Tanong niya kaya nilapitan ko siya. "Malay mo rapist yon! Kahit naman tomboy ka, babae ka parin! Pano kung kidnappin ka? Tingin mo ba magbibigay kami ng ransom? Bahala kang mamatay don." Pananakot ko kaya agad niya naman akong binatukan.

Lintek na tomboy to! Napaka-brutal. Nakakailang batok na ako dito simula nang magkakilala kami tsk! "Alam mo ikaw ang OA mo! Ewan ko sayo!" Inis niyang sabi at mabilis na naglakad palayo sa akin. "Concern lang ako! Tsk, kahit naman pangit ka alam ko namang may magti-tiyaga pa sayo!" Pahabol kong sigaw at agad tumalikod. Magka-cutting classes ako. Nakakatamad mag-aral. Ayoko makita yung pasaway na tomboy na yon.

Dana's POV

After class...

May tumapik sa akin kaya nagising ako. "Ang cute mong matulog." Nakangiting sabi ni Bryan. Siya yung lalakeng nakasumbatan ko noon. Yung tinatawag na tipaklong nung unggoy--speaking of unggoy, nasaan kaya yon?

Pagkapasok ko kasi kanina ay wala na siya sa likuran ko. Kaya natulog nalang ako. Tsk, may pa-concern concern pa siyang nalalaman e puro insulto lang naman inaabot ko sakanya. Tsk! "Hatid na kita? Saan ba bahay niyo?" Umiling ako agad dahil sa sinabi ni Bryan. Tsk, sa totoo lang nakakairita tong isang to e, kung bakit ba kasi siya ang partner ko sa Accounting. E sa mahina ako sa accounting e, tas siya matalino kaya kapit muna.

Tsk, nakakainis kasi yung unggoy na yon. Nung time na maga-assign na ng partners, dun biglang hindi pumasok. "Inaantay kasi ako ng Kuya ko, so wag na." Sabi ko at agad tinahak ang daan palabas ng building.

New Text Message: From Ciara
  Dana, nauna na kami. Umuwi na kami ni Celes. Wala pa kasi si Trix sa dorm niya, baka kasama si Troy.

Ibinulsa ko ulit ang cellphone ko matapos basahin ang text ni Cia. Nakita kong bumaba na rin ng building yung tipaklong kaya agad akong tumakbo sa lagi kong dinadaanan kapag tumatakas ako minsan sa klase. Nakakairita yun, kung di lang dahil sa grado ko, aysh! "Hindi man halata pero mahal na kita." Nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ako ng pamilyar na boses.

Sumilip ako sa isang abandonadong classroom malapit sa CR ng building namin. K-kier? Napatingin ako sa babaeng kaharap niya at hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Beatrix? Akala ko ba-- akala ko ba si Troy? Napahawak ako sa dibdib ko dahil pakiramdam ko may sasabog.

A-anong nangyayari sa akin? Muli kong tinignan ang dalawang tao sa abandonadong classroom para masiguro ko kung hindi ako namamalikmata. Seryosong-seryoso si Kier habang nakatingin kay Trix. "Mahal kita na umabot na sa puntong natakot akong umamin dahil baka masira ang kung anong meron tayo ngayon. Mahal kita..." Tumalikod ako at nagsimulang maglakad palayo.

Pakiramdam ko na-traydor ako. Nanlabo ang paningin ko. Nakaramdam ako ng likido sa pisngi ko. Leche bakit ako umiiyak?

--tbc--

A/N: Omg, so hihihi lagyan natin ng twist hahahahaha. Wag kayong mainis sa akin my gooseneck. Love ko parin kayo hahahaha. 💖

Wanted: Fake GirlfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon