Pahina 10: His Pain

407 4 0
                                    

JV's POV

Pagod na pagod akong pumasok sa loob ng apartment naming apat. Lintek, nakakapagod makipaghabulan sa aso sa kanto, wengya. Bakit ba kasi hindi kami nagdala ng sasakyan. Sinulyapan ko ang dalawang ugok na nakaupo at hinihingal sa may gate. Pft. Seryosong-seryoso parin si Troy at lintek na yan! Kanina pa text nang text. Masyadong under kay Gia.

Kung ako sakanya, iiwan ko na yang si Gia e. Bukod sa magaspang ang ugali, mukhang namemera pa. Tsk. Hindi ko alam kung bakit mahal na mahal niya e. Oh well, mabuti nalang ako at naglalaro-laro lang sa pag-ibig. Mas mabuti nang ikaw ang iniiyakan kaysa ikaw ang umiiyak. 😎

"L-lintek na mga aso yun, tangina nila." Hingal na hingal si Kier habang naglalakad palapit sa akin. Pati ba naman aso tinatang-ina neto. Pfft. Sabay kaming pumasok sa loob at laking gulat ko nang makita ko si Rage na bugbog-sarado ang mukha. "Kaya naman pala nawawala ka kanina pa e." Napatingin ako sa likuran ko, bilis namang maglakad netong si Troy. Kasalukuyang nakahiga si Rage sa sofa at nang makita niya kami ay kumindat pa.

"Pre, alam mo na ngang wala ka nang kapogian, pinabugbog mo pa sarili mo?" Iiling-iling kong sabi. Hindi na big deal sa amin kapag umuuwi yan nang bugbog-sarado. Kung saan-saang gang at fraternity sumasali ang gago. Agad siyang tumayo at akmang hahampasin ako pero nagtago ako sa likod ni Troy. "Matutulog na ako." Seryosong sabi ni Troy at nagsimula nang umakyat papunta sa kwarto niya. Napasulyap ako sa wrist watch ko, maga-alas sais palang ng gabi ah?

Mukhang tanga si Rage na nakatingin sa amin. Pft, masyado kasing missing in action. Masyadong inuuna ang away at rambulan tsk tsk, mas masaya kaya mambabae. "Hinahanap ka ni Ciara kanina eh. Ilang beses ka niyang tinanong. Mga pito ata." Pagsisinungaling ko. Pft hahahaha. Para naman siyang pinagsakluban ng langit at impyerno. "Shit, yung salamin." Bulong niya sa sarili at may kinuha sa may mesa na isang maliit na paper bag.

Anong salamin? Ah, yung nabasag siguro niya hahahahaha! Lintek, hindi ko maintindihan kung bakit napakahalaga ng salamin kay Ciara. E aaminin ko namang kahit hindi siya mag-ayos, natural na maganda na siya.

Naglakad si Rage at natawa ako dahil iika-ika siya. Akmang pupunta na siya sa pintuan pero mabilis masyadong tumakbo si Kier kaya naisarado niya ang pintuan. "Gago kaba? Yan ba itsurang ihaharap mo dun sa mataray na Cia'ng yon? Ulul, mahiya ka." Magkasalubong ang kilay na sabi ni Kier. Tama nga naman, baka hindi siya makilala e, mapagkamalan pang kakalabas lang ng bilangguan. Hahahahaha.

"Sabihin mo lang kung gusto mong makita si Dana, isasama na kita." Tatawa-tawang sabi ni Rage at muling bumalik sa sofa. "Ulul, ikakamatay ko muna bago ko hihilingin yan sayo!" Bulyaw ni Kier. "Hindi ba kayo napapagod mag-away nung si Dana?" Tatawa-tawang kong tanong. Napailing nalang si Kier habang tatawa-tawa rin. "Aba malay ko sa tomboy na yun."

Naglakad papuntang kusina si Kier at pagbalik niya ay may dala na siyang lata ng beer. Kaya nag-inuman kami nang halos isa't-kalahating oras.

*doorbell rings*

Sabay-sabay kaming nagkatinginan. "Si Lola ba yun?" Unang-una kong tanong. Magga-gabi na, anong gagawin ni Lola dito? "Baka makiki-sleepover." Seryosong saad ni Kier. "Gago!" Bulyaw ko sakanya at nagsimula na kaming magtawanan. Agad namang niligpit ni Rage ang mga kalat namin.

Nagpresinta na akong magbukas dahil syempre alam ko namang ako ang pinakagwapo at pinakamalakas ang karisma sa aming apat kaya dapat lang ako ang unang makikita ng bisita.

"Bakit andito ka?"

Troy's POV

Naramdaman kong may umupo sa dulo ng kama ko kaya unti-unti akong napamulat. "SHIT!" Halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko si Trix na nakaupo sa dulo ng kama ko. Napatingin siya sakin at shit lang, parang wala lang sakanyang wala akong suot pang-itaas. Lintek, anong ginagawa nito dito?

"May plano ka bang gustuhin ako?" Nakangiti niyang banggit kaya nanlaki ang mga mata ko. Napaka-playgirl talaga ng babaeng to! "A-anong ginagawa mo dito!?" Inis kong sigaw sakanya at dali-daling kumuha ng t-shirt sa cabinet ko. "Bakit ka ba pumapasok sa kwarto ng lalake, ha?" Inis kong tanong sakanya pero mukhang di niya ako pinapakinggan.

Ang tigas naman ng ulo! "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." Napasinghap ako. Takte, demanding. "Syempre wala!" Diretsang sagot ko, ano ba namang tanong yun! Narinig ko ang pag-tsk niya kaya muli ko siyang tinignan. Nakataas na ang kilay niya sakin ngayon. Wow, so anong mali sa sinabi ko? -_-

"Imbes na sumagot ka nang mabilis, mag-isip ka nga! Pag-isipan mo, dali na!" Utos niya kaya nilapitan ko siya at kunyaring pumikit ako para mag-isip. "Hindi parin. Labas na." Seryoso kong sabi at hinila siya palabas ng kwarto. Malapit ko na siyang mailabas nang bigla niya akong siniko at tumakbo siya ulit papasok. Aysh!

Napasabunot ako ng buhok. "Nag-away kami ni Gia, nagdududa na naman siya sakin dahil sayo. Masaya kana?" Galit kong utal sakanya. Pero diretso lang siyang nakatingin sa akin. "Hindi ako magsosorry dahil una sa lahat, wala akong kasalanan." Nakangiti niyang sabi kaya bumalik ako sa pagkakahiga sa kama ko.

Hindi ako umimik at tinignan ang cellphone ko. Wala parin siyang reply. Tss, eto ang hirap pag mahal na mahal mo ang isang tao e. Nabobobo ka.

"Alam mo ba ang ibig sabihin ng pagmamahal?"

Beatrix's POV

"Alam mo ba ang ibig sabihin ng pagmamahal?"

Natuon ang atensyon ko kay Troy. Parang wala siya sa sarili nang magtanong siya sakin. Napaisip ako. Ano nga ba ang pagmamahal? Medyo nahiya pa ako dahil hindi ko talaga alam. I've never been inlove. It's a fact.

"Love is... holding on even though it hurts. Understanding even if she doesn't trust you." Nagkatinginan kaming dalawa. Damn, I'm seeing pain in his eyes. Aysh, bakit ba ang seryoso ng atmosphere dito! "Pero kahit gaano ko siya kamahal, nakakaramdam na ako ng pagkasawa. Ilang beses ko bang kailangan patunayan sakanya na siya lang talaga? Sa kakahinala niya sa akin na may ginagawa akong hindi maganda, parang gusto ko nalang totohanin." Seryoso niyang sabi. Napayuko ako, hindi napakawalan ng mata ko ang tubig na mabilis niyang pinunasan mula sa pisngi niya.

I felt envious. That Gia bitch is damn lucky.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko but I hugged him tight. He's miserable right now. The funny thing is, a playgirl is comforting a faithful guy. I patted his back. "Never naman kasi naging maganda yung puro bintang at hinala eh, aside from making them feel that you have no trust on them which is very painful, you're also pushing them to do the things that you don't want them to do." Banggit ko.

Naramdaman ko ang paghapit niya sa baywang ko. Sa puntong ito, hindi na ako nagdalawang-isip na ituloy ang plano kong agawin si Troy kay Gia.

--tbc--

At dahil mahal na mahal ko kayo, may isa pa akong chapter na isusunod dito. Yieeee, odiba dalawang chapters hahahaha. Pero syempre bibitinin ko kayo ulit! Leave some comments guys! Thanks sa support!
-ayeinwonderland 🌺

Wanted: Fake GirlfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon