Beatrix's POV
Agad akong naglagay ng shades at yumuko para inumin ang kapeng inorder ko. Pasulyap kong sinundan nang tingin yung dalawa. Pumasok sila BCT Denier Cri, isang boutique dito sa mall. Napataas ang kilay ko, anong karapatan niyang pumasok dyan? Bawal kaya mga hayop dyan. Wrong choice of boutique, bitch. Echosera talaga tong bruhildang to. ["denier cri" means newest fashion in French]
"Chroy, I want that oh. Hala, this rin and that one, omg so pretty!"
I rolled my eyes at hindi ko mapigilang manggigil. Chroy chroy chroy. Ugh. "Oh, sure. Miss, pakilagay nalang lahat sa paper bag." Nakangiting sabi ni Troy at nakatingin sa bruhildang wagas kung magpabili. Inabot naman agad ni Troy yung credit card niya sa saleslady. Tanga ba tong si Troy? "Babe, I miss you so much!" Pabebeng sabi nung bruha. PDA. Hinalikan pa si Troy e nasa mall kami.
Mas malandi to sakin. Aminado akong malandi ako noh, pero hindi naman ako gold digger--cash digger, I mean. Humiwalay siya sa pagkakahalik kay Troy at pansin kong lumabas si Troy. San naman pupunta yun? Napatingin ako kay Gia at nakita kong pupunta siya sa shoes section kaya agad ko siyang inunahan. Hindi niya pa ako napapansin kaya pangiti-ngiti lang ako nang patago.
Nang may hahawakan siyang isang 2-inches white sandals ay agad ko itong hinawakan kaya dalawa kaming nakahawak sa sapatos. Tumaas ang kilay niya pero mas tumaas lalo nang magtanggal ako ng shades. "Are you stalking me?" Napataas rin ako nang kilay dahil sa tanong niya. "Excuse me?" Pag-iinarte ko, pft hahahahaha tignan natin kung saan ka dadalhin niyang katarayan mo.
"Ako ang bibili ng sandals na to." Sabi niya at pansin kong may pwersa na ang paghawak niya ng sapatos. "Ikaw nga ba ang bibili? O baka naman pinapabili mo kasi hindi mo kayang bilhin?" Tatawa-tawa ako habang sinasabi yan sakanya. Ayaw niya paring bitawan ang sandals kaya ako na mismo ang bumitaw. Tinaas ko ang kamay ko at napansin naman ang pagkakuha ko ng atensyon ng staffs.
Lahat sila ay pumunta sa kinaroroonan naming dalawa. "Pakilagay sa shopping bag yung sandals, I want it." Ngiting-ngiti kong sabi kaya naman ay akmang kukunin na ng isang saleslady yung sandals pero, "I would be the one to buy this! Sa akin mo ibigay." Sigaw niya dun sa staff at inabot ang sandals.
Halatang balisa na yung staff. "No, I want it." Pagpupumilit ko. Palipat-lipat ang mga tingin nila sa aming dalawa. "She couldn't afford that one, so sa akin mo ibigay." Utos niya ulit kaya lumagapak ako sa tawa. Nagpapatawa ba siya? "Etong shop nga afford na afford ko e, isang sapatos pa kaya?" Nakataas-kilay kong sabi sakanya.
"Wow, really. I don't care. Hey, bakit ba kinukunsinte niyo yang babaeng yan?" Halos pasigaw niyang sabi sa mga staffs. Oh, walang manners. "Hey, get out. Animals are not allowed." Sita ko sakanya at napansin ko naman ang pagpipigil ng tawa ng mga staffs,
"Do you want me to report this to the manager--ah no, do you want me to directly report it to the owner?" Galit na sabi ni Gia, mas lalo akong natawa kaya napatingin ulit siya sa akin. "Then go. Report it. The owner is already here, talking to you." Sumbat ko sakanya.
Halata kong gulong-gulo na siya sa mga pangyayari kaya tinuro ko ang pangalan ng boutique. "BCT, Beatrix Chua Tuazon. It's my boutique and simula ngayon, hindi ka na pwedeng pumasok o tumapak kahit 5 meters ang layo sa pintuan. Okay?" Nakangisi kong sabi at kinindatan siya bago tuluyang lumabas sa boutique. Let's see kung hanggang saan ka aabot if a super bitch works hard.
Kier's POV
Kinaumagahan...
"TOMBOOOOY!" Sigaw ko nang masilayan ko si Dana at hinarangan siya habang naglalakad. Lintek, kailangan mabalewala ko yung mga kadramahan at kacornyhan ko kahapon. Bawas pogi points yun mga brad. Napansin ko namang nagulat siya dahil hindi siya agad nakapagsalita. "Alam kong gwapo ako pero wag mo nang ipahalata yang mga titig mong yan." Nakangisi kong sabi pero nakatitig lang siya sakin na para bang isa akong alien, wengya! Anong problema ng isang to tsk tsk.
Napahilamos ako ng mukha. "Yung ano! Yung kahapon, wag mong isipin yon. Hindi ko rin alam kung bat ako nagkaganon." Sabi ko at umiwas-iwas ng tingin. Lintek, bakit ba ako nahihiya. "U-uh oo naman!" Tipid niyang sabi. Takte ang awkward naman.
"HOY, TOMBOY!" Sigaw ko nang mapansin kong tulala na naman siya. Agad naman siyang umiling at pinagsalubong ang kilay niya. Napangiti ako sa loob-loob ko, ayan balik na yung dati niyang ekspresyon. "ANO BA! Umagang-umaga, pinepeste mo na naman buhay ko!" Halata ko na ang pagkairita sa boses niya. Tignan mo tong isang to, makapagmura wagas.
"Hoy." Nakangisi kong sabi sakanya. "ANO!?" Napatakip ako ng tenga! Wengya, parang kanina lang, wagas siya kung matulala sa kagwapuhan ko-- teka, tinablan ata tong tomboy na to ng charms ko. Agad kong yinakap ang sarili ko. Pft hahahahaha.
Dana's POV
Nagsalubong ang kilay ko nang yakapin niya ang sarili niya. "Wag po, wag po." Pag-iinarte niya na para bang magagahasa siya kaya agad ko siyang binatukan! Pagkatapos niyang mag-inarte kahapon, mag-iiba ulit siya ng mood ngayon? Aba, e siya ata may period kahapon ah! "Leche, asa ka namang pagnanasaan kita! Magnanasa na nga lang ako, sa unggoy pa?" Pambabara ko sakanya at iniwan siya doon.
Binilisan ko ang paglalakad ko para hindi niya ako maabutan pero hindi ko maintindihan kung bakit nasa tabi ko na naman siya. Agad akong napatingin sa sulok ng mga dingding sa kisame. "Tomboy, anong hinahanap mo?" Curious niya ring tanong kaya agad akong nagpigil ng tawa. "Baging. Wala namang baging dito pero ambilis mong mahabol ako." Sabi ko habang tatawa-tawa.
Agad naman siyang ngumiti sakin ng nakakaloko. Nagsalubong ulit ang kilay ko, bakit ba kahit anong gawin ko hindi ko napipikon ang isang to!? "Ini-imagine mo siguro na naglalambitin tayo sa baging, ano?" Ngingisi-ngisi niyang sambit habang kinikindatan ako. Automatikong nagtaasan ang mga balahibo ko sa kamay.
Leche, ang lakas niyang mangarap mga broddie! "Talaga naman! Hindi kaba kinikilabutan sa pinagsasasabi mo!?" Halos matanggal na ata ang ngala-ngala ko sa pagsigaw sakanya. Bakit ba ang galing niyang pataasin ang blood pressure ko!? Wala naman akong highblood pero punyeta, maaga akong tatanda neto sa inis.
"Uhm, anong ayaw mo sa isang tao, Cia?"
Kier's POV
Napatigil kami ni Dana sa pagsisigawan nang makarinig ako ng pamilyar na boses. Halos sabay kaming lumingon ni Dana sa pinanggagalingan ng boses. Wooooo, shet. Si Cia nakaupo sa isang bench habang nakaupo naman si Rage sa damuhan.
Takte, anong klaseng galawan yan!? HAHAHAHAHAHAHA. Halata ko ang pamumula ng tenga ni Rage. Sus, pakipot pa tong isang to, gusto niya naman pala si Cia e. "HO--mmm!" Agad na tinakpan ng tomboy ang bunganga ko dahil kakantyawan ko sana si Rage. "Nyeta ka talagang unggoy ka, panira ka talaga! Palibhasa wala kang lovelife!" Aba't! Agad kong tinanggal ang pagkakatakip ng kamay niya sa bibig ko. "Bakit ikaw meron ba!?" Pang-asar kong sabi.
Lumagapak ako ng tawa nang matahimik siya. "HAHAHAHAHAHAHA! MAKAPAGSABI KA NAMAN NG WALANG LOVELIFE AKALA MO NAMAN--" Agad niya akong binatukan kaya napatigil ako sa pagtawa, lintek na tomboy to napakabru-- "OO MERON! Meron akong lovelife! Magkasama kami kahapon, siya naunang dumating kaysa sayo sa pagbibigay ng--nung basta! Oh ano ha!?" Pagmamayabang niya. Mas lumagapak ako sa tawa dahil alam ko namang kuya niya yon.
"Sinong malas na babae yang tinutukoy mo?" Pang-aasar ko at sunod ko na namang naramdaman ang pagbatok niya sakin at ang paglakad niya na halos naging pagtakbo na. Pft napakapikon talaga ng tomboy na yon!
--tbc--
![](https://img.wattpad.com/cover/76648878-288-k254323.jpg)
BINABASA MO ANG
Wanted: Fake Girlfriends
Romance[COMPLETED] The four unbiological grandsons of an elite old woman reaches the point where they are now getting uncontrolled. The elite grandma then asks them to let her meet the girls who had captured the hearts of the four young men. Scared of bein...