Pahina 6: Lola Pats

460 6 5
                                    

Rage's POV

Sabado ngayon at kasalukuyan kaming tatlong naglalaro ng Mobile Legends sa salas. "Lintek, bakit lag!?" Natawa ako kay Kier pero naningkit ang mata ko nang makita kong lag rin ako. "Tangina lag!" Inis na inis kong hiyaw. Pinasadahan ko ng tingin ang lalakeng hindi namin kasama sa paglalaro ng MOBA. "Gago ka, JV! Mamaya kana lumandi!" Aba't! Buti naman at may silbi tong si Troy. Pft. Akala ko puro si Gia lang nasa isip e.

Kanina pa umuulan ng mura dito. Paano ba naman kasi, etong JV na to, nakikipaglandian na naman sa messenger. Tatlong cellphone ang hawak niya, lintek na yan! Biglang tumunog ang isang cellphone niya. "Baby, saglit lang ha, magluluto lang ako." Paalam niya sa isang cellphone at inend ang tawag. Sunod niya namang pinindot yung isang phone sa kamay niya.

"Hi, honey. I miss you." Diring-diri akong tumingin sakanya. Lintek na lalake to! Napakababaero. Tumawa naman siya nang masulyapan niya ako. "Ugh baby JV, ugh ugh." Tawang-tawa ako sa pagboboses-babae ni Kier. Automatikong pinatay ni JV ang cellphone niya at binatukan si Kier. Pft HAHAHAHAHAHAHAAHAHAHA.

"G*GO! Mamaya kung anong isipin non!" Iling-iling na sigaw ni JV kay Kier. "HAHAHAHAHAHA!" Napatingin ako kay Troy na humahagalpak sa tawa kaya nakisabay ako. Sa isang iglap ay nasa likod na namin si Kier at hinimas pa ang mga balikat namin. "Inggit ba kayo baby Rage and honeypie Troy?" Nakakadiri niyang sambit kaya agad ko siya g binatukan.

Gagong to, pati kami pinagdidiskitahan. Nagmumurahan kami nang biglang tumunog ang cellphone ko. Pinatahimik ko sila nang makita ko ang caller id. Napalunok pa ako bago ko tuluyang sinagot ang tawag.

"Hello sa pinakamagandang babae sa balat ng lupa!" Bungad ko sa telepono. Kinindatan ko sina Kier at pansin ko namang nagpipigil sila ng tawa. Bumalik sa pagtetext si Troy at naglakad palayo si JV para sagutin ang panibago niyang video call.

["Talaga naman! Kapag ako pinagloloko mong bata ka."] Sabi ni Lola sa kabilang linya. Woooo, lintek. Pinagpawisan ako don ah. Pft. "Anong maipaglilingkod ko, Lola Patsie?" Nakangiting tanong ko. ["Inip na ako. I want to meet your girlfriends right now!"] Utos niya. Ano!? Eh kaka-deal lang namin kahapon ah tapos meet the girlfriends agad!? Masisiraan ata ako ng ulo kay Lola e.

"Lola baka kasi di pa sila ready." Pagdadahilan ko. Bumalik na sa pwesto si JV at sumenyas sakin na ibigay sakanya ang telepono. "Hi, Lola Patsie, gwapong JV, speaking." Natatawang sabi ni JV sa linya. Nakaloud-speaker ito kaya lahat kami ay nakikinig. ["VICTORIO, HINDI KITA KINAKAUSAP!"] Lumagapak ng tawa si Kier sa sinabi ni Lola. "Lola naman, Jake Victor sabi." Pagtatama ni JV sakanya. Pft. ["Si Kier ba yong tumawa!? Ibigay mo nga sakanya ang telepono at makakatikim yan sakin ng salita."] Nai-imagine ko ang itsura ni Lola Pats ngayon. HAHAHAHAHAHAHA.

"LOLA PATSIE, MY LOVE, HINDI AKO YUN. SI TROY YUN!" Sigaw ni Kier at tumakbo paakyat sa hagdan. Gunggong talaga to. "Gago! Anong ako!?" Napapikit ako nang magmura nang malutong si Troy. ["Ibigay mo kay Rage ang telepono."] Utos ni Lola kay JV kaya mabilis kong binatukan si Troy. Hinanda ko na ang sarili ko habang tatawa-tawa naman ang mga lintek na mga kasama ko.

["Sinasabi kong wag mong kukunsintihin sa pagmumura at pagbubulakbol yang mga kasama mo! Aba't! Magpunta kayo ngayong apat dito at kukurutin ko yang mga singit niyong mga bata kayo!"] Sermon niya kaya inilayo ko ang tenga ko nang kaunti dahil sa tinis ng boses niya. Sinamaan ko ng tingin ang mga kasama ko. ["I want to meet your girlfriends. End of conversation."] Pahabol niya at pinatay ang tawag.

Beatrix's POV

"Trix, hindi bar ang pupuntahan natin. Ayusin mo nga damit mo!" Inis na inis na bulyaw ni Ciara sakin. Eh? Nagsalamin ako. Ano bang masama sa tight mini skirt at sleeveless na top? "Umayos ka, terror nga daw Lola nila!" Sang-ayon ni Celes. Napatingin ako sa suot nilang dalawa. Naka-navy blue dress si Cia habang naka-ripped jeans at rubber boots si Celes. Eh sila nga naka-normal lang na mga suot eh!

"Be simple." Muling sabi ni Cia at tinulak nila ako pabalik sa banyo kaya wala akong nagawa. Matapos ang ilang minuto ay umikot ako sa harapan nila habang nakangiti. "The fuck, Beatrix! Bakit naka-pekpek shorts ka!?" Inis na inis na banggit ni Celes. Huh? "Tanga! It's not peki-peki shorts noh. It's ripped shorts kaya!" Pagdadahilan ko.

Maya-maya ay may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. "BEATRIX! Napakaingay talaga ng isa mong kaibigan! Bilisan niyo nga dyan at naiistorbo ang iba mong dorm mates!" Inis na bulyaw ni Manang Lorna samin kaya natawa ako. "Bakit ba kasi ayaw pumasok ni Dana?" Natatawang tanong ko. "Gusto niyang pumasok noh. Si Manang ang may ayaw." Nagpipigil ngiting banggit ni Cia.

Akmang lalabas na ako nang hilahin ako ni Celes papasok ng banyo. May tinapon siyang damit sa akin at inis ko itong sinuot. Aysh! Nakakainis naman! "Mukha naman akong madre nito!" Reklamo ko.

Ciara's POV

"Mukha naman akong madre nito!" Reklamo ni Beatrix nang makalabas siya sa banyo. Napataas ako ng kilay at pasulyap na tumingin sa salamin para makita kung kinaganda ko ba ang pagtataas ko ng kilay. "Nyeta naman, Trix. Eh kung tutuusin sobrang iksi na niyan eh!" Sumbat ni Celestine. Oo nga. She's wearing a dark red dress kaya litaw ang puti niya. I think it's four inches above the knee. Ugh. Bakit ba ang hilig neto sa maiiksi.

"Wait lang then." Nakapout na sabi ni Trix and then-- *creek* "Perfect!" Napanganga si Celes nang punitin ni Trix ang laylayan ng dress niya para magkaroon ng slit. "SOBRANG IKSI NA NIYAN AH!" Inis na inis na sigaw ni Celes.

I smiled a bit. Pft. She's really hardheaded. "Tara na! Tara na!" Natutuwang hiyaw ni Trix habang pababa ng hagdan. Nakita ko naman ang matatalim na tingin ng mga dorm mates niya kaya tinignan ko sila mula paa hanggang leeg. Hanggang leeg lang talaga because I don't wanna look at their faces.

"PAKIBILISAN NAMAN!" Mula rito ay rinig na rinig ko ang iritang boses ni Dana. I laughed as I met her gaze. Halatang inip na inip na siya. "OMG DANA! You look so... plain, aysh! Dapat nag-short shorts ka!" Nakabusangot na sabi ni Trix. Agad naman siya hinampas ni Dana.

"Hoy wag mo nga kong ma-short shorts dyan, e halos makita na nga kaluluwa ko dito e! Kung di lang dahil kay Cia." Nakasalubong ang kilay niya. She's wearing a high waisted pants and a croptop. What's wrong with it? E naka-jersey na naman kaya kanina yan hahahaha. Hindi naman kami sa kanto pupunta.

Dana's POV

Tumambad sa aming walo ang pagkalaki-laking gate ng isang bahay-- ay hindi, mansyon. Wow. Kinabahan tuloy ako bigla. Bumaba kami mula sa sasakyan ni Troy at isa-isa silang tumabi sa amin. Tumabi si Rage kay Cia, ngumiti si JV kay Celes, kumapit si Trix sa braso ni Troy at inakbayan naman ako ng isang unggoy.

"BAKA GUSTO MONG MAPUTULAN NG KAMAY!?" Inis kong bulyaw at dinibdiban yung bwisit na si Kier. Narinig ko naman ang pag-ubo niya. "Lintek naman tong tomboy na to! Ang hilig manakit!" Reklamo niya habang tatawa-tawa. "Lintek naman tong unggoy na to! Ang hilig mang-manyak!" Panggagaya ko sa boses niya.

Dumiretso kami sa pagpasok sa loob ng bahay. "Mangmamanyak na nga lang ako, sa kapwa lalake ko pa--" Automatiko ko siyang binatukan. Gunggong na to! Sinabi nang babae ako e. "Aba leche--"

*ehem ehem* Natahimik ako nang may tumikhim na matandang babae sa gilid naming lahat. Nanlalaki ang mata ko sa gulat dahil sobrang taray ng aura niya habang nakatingin sa amin. "Le-lech-leche flan, gustong-gusto ko non, gusto mo rin po ba yon, L-lola?" Mautal-utal kong bigkas.

Shet na malupet. Nakakatakot siyang tumingin! Pamatay amp!

--tbc--

A/N: I've posted this story sa isang group sa fb and I'm glad na madaming tumangkilik. Hihihi. Right now, si Dana ang pinakamaraming fans kaya thank you so much! Read, vote and comment! Thanksssss!

Wanted: Fake GirlfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon