Pahina 29: First Gift: The Real One

294 4 0
                                    

Dana's POV

Sinaksak ko yung tinidor sa fried chicken na nasa plato ko dahil sa inis. Kahit kailan talaga, leche yung lalakeng yun? E kung patigilin ko kaya yun sa panliligaw e noh? "Maawa ka naman sa manok, Dana." Tatawa-tawang sabi ni Celes at sumabay naman etong fuccboi na si JV, aysh. "Osige, palit kayo ng pwesto. Halika dito sa may plato ko." Seryoso kong saad at pinaningkitan siya ng mata.

"Chill, Dana." Awat ni JV kaya siya ang sunod kong tinignan nang masama. "Alam mo namang mapang-asar talaga yon." Dagdag pa ni Rage at sinubuan ng kanin si Ciara. Kailan pa naging baldado tong si Cia, aber? Inirapan ko silang apat dahil naiirita ako sa mga pagmumukha nila. Nag-solong kumain sina Beatrix at Troy kaya wala sila ngayon dito.

At yung unggoy? Aba malay ko, baka bumalik na sa gubat. Lecheng yon, hindi marunong manuyo, aysh! Walang sweet cells sa katawan, palibhasa kasi walang jowa. Maya-maya pa ay narinig ko ang mahinang tili ni Celes at pasimple pang kinurot ang braso ni JV. Ngumuso naman si Cia sa likuran ko kaya agad ko siyang binara. "Hilain ko kaya yan?" Irita kong sabi pero napatigil ako nang biglang may umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.

Nangalumbaba siya habang nakangiting nakatingin sa akin. Padabog kong binaba ang kubyertos ko at tinignan siya nang masama. "Saan ka galing?" Mataray kong sabi pero kinurot niya bigla ang pisngi ko. "Ang cute cute cute mo talagang magalit." Nakangiti niyang banggit at napansin kong nag-init na naman ang mukha ko. Aysh, dapat galit ako!

Maya-maya pa ay may nilapag siyang box ng sapatos sa harapan ko kaya napatingin ako sakanya. "Shiz, new model ba yan ng adidas?" Tili ni Celes at napansin ko ang tipid na ngiti ni Kier sakanya. Halos lumundag ang puso ko dahil sa sobrang emosyon. "K-kaya ka ba wala ka kanina k-kasi binili mo yan?" Pigil-ngiti kong banggit sakanya at nangalumbaba habang kaharap siya. Tumango naman siya at tinap ang ulo ko. "Mabuti naman at mukhang nagustuhan mo." Sabi niya at inilapit sa akin ang box.

"Aww, sweet mo naman tol." Tatawa-tawang sabi ni Rage habang pailing-iling pa. Hinawakan ko ang box ng adidas at pansin kong namumula na naman ako. Pagkabukas na pagkabukas ko ng box at automatikong tinutok ko sakanya ang kubyertos na hawak ko kanina.

"A-akala ko ba nagustuhan mo yung box?" Kabadong sabi niya at pinipilit agawin sa akin yung kubyertos na nakatutok ngayon sa leeg niya. "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Nagsalubong ang kilay ko sa apat na nagtatawanan. Aysh!

JV's POV

Lumagapak ako sa tawa nang tutukan ni Dana ng kubyertos si Kier. HAHAHAHAHAHAHA! Paano ba naman kasi, sobrang lawak ng ngiti ni Dana kanina nung bubuksan niya yung box. Pero pagbukas niya tumambad yung isang dosenang face towel sa loob ng box. Lintek, ano bang trip ni Kier!? HAHAHAHAHAHAHA! "ANONG GAGAWIN KO SA BIMPO NA YAN!?" Halos umusok ang ilong ni Dana sa inis. "Eh akala ko magugustuhan mo na kapag inilagay ko sa box ng adidas." Parang tangang sabi ni Kier. Inis na hinampas ni Dana ang mesa at agad na naglakad paalis.

Pagkaalis ni Dana ay lumagapak na rin ng tawa si Kier. "Lintek, napaka-bully mo gago." Tatawa-tawang sabi ni Rage at napansin kong pinunasan niya ng luha ni Cia dahil sa katatawa. "Ano ba kasing trip mo?" Tanong naman ni Cia habang nagpipigil ulit tumawa. "Natutuwa kasi ako kapag naiinis ko siya." Rason niya at muling tumawa nang malakas. Tangina neto hahahahaha.

Nag-vibrate ang cellphone ko kaya agad kong sinulyapan kung sino ang nagtext. Napailing ako nang galing sa kanya yung mensaheng natanggap ko. Kahit unknown number to ay alam kong siya to.

From: +63917*******
    Bantayan mo si Ara.

Napailing ako. Bakit kailangan kong bantayan si Ara e andyan naman si Rage na nagbabantay sa kanya? Aysh. "Okay ka lang, yeobo?" Napatingin ako kay Celes na nag-aalala ang mukha. Tumango ako pero agad akong nagtakhang tumingin sakanya. "Yeobo?" Tanong ko, hindi kaya yun tawag ko sakanya. Baby kaya. Aray, nagtataksil ba siya sakin? Amp! "Yun nalang tawagan natin, hihihihi. Korean yun ng honey." Sabi niya sabay kindat.

Umiwas ako ng tingin. Lintek, bakit kinikilig ako? Normal ba to? Wengya'ng yeobo yan!

Kier's POV

6 PM

Bumaba ako sa motorsiklong hiniram ko kay Rage at nilagay ang bouquet sa likuran ko. Pasimple akong naglakad papunta sa likuran niya habang naka-sumbrero. Mag-isa siyang naglalakad pauwi. Pft hahahaha ang cute niya talaga tuwing naiinis. "Aysh, bakit ba pakiramdam ko hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi kita naiinis?" Nakangiting bulong ko sa sarili ko. Napatingin ako sa nakasalubong kong dalawang high schoolers na nagtatakhang tumingin sa akin. "Baliw ba yan, bes?" Bulong nung isa. Huh? Sinong baliw? Aysh, napalakas ba pagmomonologue ko?  "Feel ko, bes. Tara na, baka mamaya kriminal yan, nakasumbrero oh." Tinanggal ko ang sumbrero ko at nag-iwas ng tingin.

Sakit magsalita nung mga batang yon ah? Lintek, ang gwapo ko masyado para maging kriminal. Tumingin ako ulit sa babaeng sinusundan ko. Aysh, bilis talaga maglakad ng tomboy na yun. Tsk. Mabilis akong tumakbo para masundan ko ulit siya. Nang lumiko na siya sa isang kanto ay mas binilisan ko ang paglalakad.

Nang masilayan ko na ang gate ng bahay nila ay agad kong hinila ang braso niya. "ARAY!" Reklamo ko habang hinihimas ang braso kong inikot niya nang hilahin ko siya. Pinilit kong itago ang mga bulaklak sa likuran ko. Lintek! Napakabrutal talaga ng babaeng to. "Hala! Shet sorry, sorry!" Nag-aalala niyang sabi at tinulungan akong makatayo.

Nang makatayo na ako ay agad siyang lumayo sa akin at tinignan ako ng masama. Pft, nakaalala na naman siya. "Anong ginagawa mo dito!?" Inis niya bulyaw sa akin. Hinigpitan ko ang hawak ko sa bulaklak sa likuran ko. "Galit ka pa ba sa akin?" Seryoso kong sabi pero umiwas siya nang tingin. Napansin kong nangilid ang luha niya kaya agad akong nag-abot ng panyo. "Nakakainis ka naman. Kung papaasahin mo lang ako lagi, itigil mo nalang yung panliligaw mo sa akin." Ramdam na ramdam ko ang sakit ng loob niya.

Napapikit ako shit. I went overboard. Tsk. Inabot ko ang bouquet na kaninang umaga ko pa binili. Plano ko lang talaga yung mga palpak na face towel para inisin siya. Pero alam kong gusto niya talaga yung bouquet kagabi kaya binili ko agad kaninang umaga. "Sorry, Dana. Inaasar lang naman kita e." Nakayuko kong sabi habang nakalahad parin yung bouquet sa kanya. Nang maramdaman kong kinuha na niya yung bouquet ay agad ko siyang niyakap ng mahigpit.

"Sorry na, di ko na uulitin." Bulong ko at pansin ko namang tumango siya. Hinarap ko ulit siya at kinurot ko ang ilong niya. "Napaka-nerbyosa." Komento ko at tumawa nang mahina. Hinampas niya naman ako sa braso habang tumatawa rin. "Thank you." Banggit niya kaya hinalikan ko siya sa noo. "You're always welcome, love." Sabi ko at ngumiti nang malapad,

Dana's POV

Nang makapasok ako sa gate ay tinago ko sa likuran ko yung mga bulaklak. Agad namang lumabas si Kuya Dylan at pasimpleng lumingon sa paligid. "Lintek, bunso. Pasalamat ka, malakas ka sakin. Aysh." Sabi niya at ginulo ang buhok ko. Inabot ko sakanya yung bulaklak at lumabas naman siya para umikot sa likod ng bahay.

Nakahinga ako nang maluwag. Dahan-dahan akong umakyat ng hagdan at dumiretso sa kwarto ko. Aysh, tagal umikot ni Kuya. Makalipas ang ilang minuto ay bumukas ang pintuan ko. "Sino yung lalakeng naghatid sayo?" Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses ni Papa. Sasagot sana ako nang biglang bumukas ulit ang pintuan at niluwa nito si Kuya Dylan. "Dana, muntik na akong mahuli--" Sinenyasan ko siyang manahimik nang lumingon sa kanya si Papa.

Napahawak ako sa sentido ko nang bumalik sa akin ang tingin ni Papa. "Anong kalokohan ang pinasok mo?" Damang-dama ko ang galit sa boses niya kaya napayuko ako. Nanatili akong tahimik dahil panigurado, pagagalitan niya ako. "Layuan mo ang lalakeng yon habang maaga pa, Dianara. Binibigay ko lahat ng gusto mo kaya wag mo akong sinusuway." Muli niyang sabi at tumalikod sa akin.

--tbc--

Wanted: Fake GirlfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon