Pahina 5: Decision

492 6 4
                                    

JV's POV

Bumuo kaming walo ng pabilog na pwesto dito sa tabi ng hallway. Nakasalampak kami sa damuhan. Kanina pa abot-abot kaba ang dibdib ko dahil isang malaking chance na to para samin. Destiny ika nga na apat rin sila.

"Kinausap ko na silang tatlo though si Celes lang ang pine-persuate ko kasi naman!" Pagmamaktol ni Trix. Napakaplayful ng isang to, hindi ako pwedeng magkamali dahil alam ko ang mga kauri ko. Pft. "And my decision is no." Napatingin ako sa babaeng nakahawak ng drumsticks. Damn. She's really beautiful. Napatingin ako sa mga kasama ko.

Para silang pinagsakluban ng langit at lupa. But no, I'm not going to give up. Hindi ko hahayaang maging bato pa tong tsansang to.

"Name your price, I know you need some financial support." Prente kong sabi at napansin ko ang pagkagulat sa mukha ni Celes. "Your band." Dugtong ko pa. Pitong pares ng mata ang alam kong nakatitig sa akin.

"Anong meron?" Takhang tanong nung babaeng pinakatahimik sa kanilang apat, Cia ata ang pangalan? "Well, may nabalitaan kasi si JV--" Agad na tinaas ni Cia ang kanang kamay niya nang magsalita si Rage. "Wag kang sumabat. Ikaw ba kinakausap ko? Aysh. Mirror killer." Halos lumagapak ng tawa si Kier dahil barado si Rage. Pft.

"Huwag ka ngang tumawa! Mas lalo kang pumapanget!" Hindi ko napigilan ang malakas kong tawa dahil si Miss Jersey na ang nagsalita. Kakaiba talaga ang galit neto kay Kier. "Oo na, ikaw na gwapo. HAHAHAHAHAHAHA." Pigil na pigil ng tawa si Rage at pati si Troy na kanina pa nananahimik at nagdudutdot sa cellphone niya ay nagpipigil rin humagalpak sa tawa.

Akmang magsasalita na si Dana pero tinaas ko ang kamay ko para patahimikin sila ni Kier. "Wala nang libre ngayon sa mundo, so let us handle the management of that restaurant." Nakangiti kong bigkas habang nakatitig kay Celes. Nakita ko ang pagdududa at paga-alinlangan sa mukha niya.

Nakatitig silang pito sa akin at nahalata ko na gusto nilang itanong kung papaano ko nalaman.

*Flashback*

Nakalabas kami sa presinto mga bandang alas dose na ng gabi. Sabay-sabay kaming sumakay sa kanya-kanyang sasakyan para makauwi na.

"Lintek na babaeng yon! Napahamak pa tuloy tayo!" Inis na inis na bulyaw ni Kier habang pinapaandar ang kotseng dala niya. Sunod namang sumakay sa loob sina Rage at Troy. "Wag nalang kaya natin sundin si Lola? Hahahaha." Biro naman ni Troy.

Natawa ako nang mag-react agad si Rage. "Gago! Babawiin nun lahat ng pera sa bank account natin. Wala na akong pampagwapo niyan!" Banggit niya. "Pano nalang mga chix ko?" Problemado ko ring sabi. Tsk, kung mawawalan ng pera don, ayoko namang humingi sa nanay ko, lintek, paniguradong sermon abot ko don.

Akmang paaandarin ko na ang motorsiklo ko nang mahagip ng mata ko ang isang babaeng nakaupo sa gilid lang ng kalsada malapit sa istasyon.

"Una na kayo, may titignan lang ako." Saad ko kina Rage. "Ano bang trip mo--" Napatingin ako kay Kier at napansin kong sumulyap siya sa tinitignan ko. Nakita ko naman agad ang pagngisi niya.

Sunod siyang inakbayan ni Troy. "Tol, basta gumamit ka ng proteksyon." Tatawa-tawa nitong sabi kaya nakitawa nalang ako. Inantay kong makaalis sila bago ako nagtungo sa kinaroroonan nung babae. Teka, ito yung isa sa apat na babae kanina ah.

Nakahawak siya sa ulo niya at may hawak siyang drumsticks sa kabilang kamay. Sa itsura neto mukhang problemadong-problemado. Maya-maya pa ay binuksan niya ang cellphone niya kaya panigurado sigurong may tumatawag sakanya.

"Hello, Ryan... Nagbago naba isip mo?... Please naman oh... Hindi, gagawa ako ng paraan... Wag mo namang i-close yung Fil Resto... Sige, balitaan mo ako... Bye."

Matapos ang tawag na yon ay tumayo na siya at nagsimulang maglakad. Hindi niya siguro napapansin ang pagsunod ko sakanya. Tambay ba tong isang to? Hindi ba siya natatakot maglakad-lakad? Pano kung ma-rape to. Tsk.

Sinundan ko lang siya hanggang sa tuluyan na siyang pumasok sa isang malaking gate. So dito ang bahay niya? Napaisip ako. Hmm, Fil Resto, eh?

Kinaumagahan ay nagpunta ako sa Fil Resto na nabanggit niya. Napatingin ako sa tarpaulin sa labas ng restaurant. "Metro Musicians." Mahinang banggit ko sa pangalan ng banda. Nakita ko doon sa litrato ang apat na taong nakangiti. Yung vocalist na lalakeng nakahawak ng mikropono, yung isang lalakeng nakaakbay sa vocalist. Yung isang lalake naman may hawak na electric guitar na nakaupo rin sa gilid at pinagitnaan nila ang nag-iisang babaeng may hawak na drumsticks. Halatang masayang-masaya siya dito.

Naagaw ng atensyon ko ang lalakeng nakatitig sa labas ng restaurant na yon kaya lumapit ako. "Bakit sarado to? Balak ko pa sanang kumain kasama ang girlfriend ko." Pagsisinungaling ko at sinulyapan siya. Napabuntong-hininga ang lalakeng kausap ko. "Nawawalan na ng fund." Malungkot niyang saad at naglakad palayo.

*End Of Flashback*

Dana's POV

"PERFECT!" Nagsalubong ang kilay ko dahil sa pagsisisigaw netong si Trix. "Anong perfect!? Perfect na malugi yung resto?" Inis kong baling sakanya. "Tayo daw ang perfect, tomboy. Perfect pair. Pft." Tinaasan ko ng kilay ang gunggong na nagsalita. "Anong perfect pair? E kung sapatusin na kaya kita gamit tong isang pares ng sapatos ko?!" Iritang-irita kong sabi. Ang kapal talaga ng mukha neto!

"Ano bang kailangan naming gawin?" Natuon ang atensyon ko kay Celes na seryoso sa pakikipag-usap kay JV. "Magpe-pretend lang kayo bilang girlfriends namin sa harap ni Lola Pats. Ipapakilala lang namin kayo. Then after non, okay na. Isasalba namin ang resto ni Ryan." Nakangiting wika ni JV. Nakita kong natahimik si Celes. N-no, wag mong sabihing-- "Well then, I change my decision. It's a yes." Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin kay Celestine.

Naghiyawan ang apat na lalake na para bang nanalo sa lotto. "Ano?! Ayoko! Hindi ako papayag!" Kontra ko. Aba naman! "Hindi ba pagsisinungaling yon?" Halos maglight ang mata ko dahil mukhang may kakampi ako. "Oo nga naman, Cia! Odiba? Sabi kaya ng teacher natin nung grade school, bawal magsinungaling!" Sang-ayon ko at pinandilatan pa ng mata yung unggoy.

"Pero nung gradeschool pa kaya yon! It would be fun naman e." Kilig na kilig na saad ni Beatrix. "Hoy, Beatrix! Wag mo nga kaming madamay-damay sa panlalalake mo!" Sabi ko at sinamaan siya ng tingin kaya natawa siya ng mahina.

"Palibhasa kase, gusto mong mambabae." Automatikong dumapo ang palad ko sa buhok ng unggoy na nagsalita. Rinig na rinig ko ang tawanan ng mga kasama namin. "A-aray!" Daing niya nang sabunutan ko siya. "Nakakairita ka talagang unggoy ka! Agh! Ikakamatay ko kapag lagi kitang nakakasama! Kaya utang na loob, Celes, bawiin mo yung sinabi mooooo!" Gigil na gigil kong sigaw at patuloy na sinasabunutan ang unggoy kong kaharap.

"Pero on the other hand, it's for Celes naman so it's okay." Napatigil ako sa pananabunot nang magsalita si Cia. "Majority wins." Bulong ng unggoy sakin kaya binatukan ko siya ulit. "Ah basta ayoko!" Nakacross-arms kong sabi.

Agad akong nilapitan ni Celes at nginitian ako ng malapad. "Alam mo naman kung gaano ko kamahal ang banda diba? Huhu." Pag-iinarte niya. Sinamaan ko siya ng tingin pero ginantihan niya ito gamit ang puppy eyes. Aba't-- aysh! "Oo na, oo na! Nakakainis naman." I rolled my eyes habang sinasabi ko iyon.

Narinig ko naman ang masaya nilang hiyawan.

--tbc--

Wanted: Fake GirlfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon