Celestine's POV
"Kain ka ng marami, babe." Nakangiting bigkas ni Troy at nilagyan ng pagkain ang plato ni, sino na kasi to? "Ano na kaseng pangalan niya, Jake?" Tanong ko kay JV, nasanay na akong Jake ang itawag sakanya dahil Jake Victor pala ang pangalan ng babaerong to. "Gianella Mercado. Gia for short." Sagot niya sabay kindat. Ayon, Gia! "Wag masyado, babe. Pinatataba mo naman ako e." Maarteng sabi ni Gia at kinurot ang pisngi ni Troy.
Nasa isang "eat-all-you-can" resto kami dahil ito ang gusto ni-- sino pa bang ibang mahilig kumain sa amin? The one and only, Dianara Gomez. "Hoy, tomboy! Andami namang pagkain sa plato mo! Kain nang kain, di naman tumataba." Sita ni Kier sakanya. "Tanga! E sa eat-all-you-can nga to, hindi pwede mga pabebe dito!" Sumbat ni Dana at matalim na tumingin kay Gia nang patago.
"Chroy, gusto mong subuan kita nito?" Napatingin ako kay Gia habang minamata-mata si Dana. Natawa ako sa pag-iinarte ng pagtawag niya sa pangalan ni Troy. Napansin ko namang nagmake-face si Dana. Pft hahahahaha. "Hindi ka naman siguro baldado diba, Chroy?" Pigil na pigil kami ni Jake ng tawa dahil sa inasal ni Beatrix. Napaka-arte kasi ng pagtawag ni Gia ng pangalan ni Troy. Nakaform kami pabilog. Bale ganito ang arrangement namin.
Jake-Ako-Cia-Dana-Kier-Trix-Troy-Gia
Si Rage lang ang nawawala dahil hindi namin alam kung saang lupalop napadpad. So pinagitnaan nila Jake at Troy si Gia kasi nga pabilog yung lamesa. Kanina ko pa napapansin na napapahigpit na ang hawak ni Troy sa kubyertos niya. "Magsikain na nga kayo." Natahimik kami nang magsalita si Cia. "Kanina pa kaya kami kumakain, ikaw nga yung kanina pa tulala dyan e." Pambabara ni Dana habang puno pa ang bibig. Etong babaeng to talaga. "Table etiquette please." Nagpaypay pa si Gia habang sinasabi iyon.
Sa isang iglap ay may nagbagsak ng baso sa mesa namin. Nagtinginan ang ibang customers sa amin pero agad silang nag-iba ng tingin. Napangisi ako at tumingin kay Cia. Ikaw ba naman kasi tignan niya nang masama habang nakataas ang kilay, aba manliliit talaga tingin mo sa sarili mo. "Masama magsalita nang puno ang bibig." Panimula ni Trix. Nakangiti siya habang sinasabi iyon pero halata kong gigil na gigil siya. "Pero mas masamang maglandian sa harap ng pagkain." Pagpapatuloy niya at kumain na ulit.
Kier's POV
Taimtim na kumakain si Troy pero napansin kong salit-salitan ang pagsulyap niya sa dalawa niyang katabi. Agad kong siniko si tomboy habang kumakain. Sa isang iglap ay namumula na ang braso ko dahil sa diin ng kurot niya. Lintek na babaeng to! Napaka-brutal. "Tignan mo si Trix at Gia." Bulong ko at inilapit ang bibig ko sa tenga niya. Agad kong nasalubong ang tingin ni JV. Agad niya akong kinindatan at nginuso si Dana kaya napalayo ako agad. Lintek. Ang manyak ng isip netong babaerong to.
Napansin ko namang tumingin rin si Dana sa tinuro ko pagkatapos nun ay siniko niya ako habang tumatawa. Napatigil ako. Shit. Agad akong umiwas ng tingin. "Ayos ka lang ba, Kier?" Sinamaan ko ng tingin si JV dahil alam kong nakita niya ang pagkabalisa ko dahil kay Dana. "Bakit namumula ka?" Anak ng talong naman oh! Pati ba naman si Ciara, gagatungan kami ng tanong? Aysh!
Napatingin naman sakin si Dana at takhang-takha siyang nakatingin sa akin. "Hoy wag mo nga akong titigan. Alam kong gwapo ako pero nasa harap tayo ng hapag-kainan. Tiis tiis din pag may time." Biro ko at kinindatan ko siya. Isang malakas na hampas ang natanggap ko. "Wengya naman tomboy, pakalmahin mo naman muna yang brutal cells mo!" Natatawa kong biro. Sarap talagang asarin ng tomboy na to.
Beatrix's POV
Tinaasan ako ng kilay nung bruha kaya nginitian ko siya ng nakakaloko. "Chroy, sinabi ko kay Mom na ikaw maghahatid sa akin pauwi." Maarte niyang sabi. Pwe! Chroy, my face. Ang sarap niyang kalbuhin! "Sure, babe." Sumbat naman netong si Troy. Aysh, nakakainis naman. Bakit ba kasi sa loyal pa ako nagkainteres.
I rolled my eyes. "Hey, why are you rolling your eyes at me?" Napatingin ako sa bruha. I just rolled my eyes, but not at her. "Who?" Nang-iinis kong tanong. Napahinto naman sa pagkain si Troy. "You." Sumbat niya ulit. Natawa ako nang pilit. "Sa pagkakaalam ko, hindi HEY ang pangalan ko. It's Beatrix." Pagtatama ko.
Napasinghap ang bruha at halatang gigil na gigil sakin. I mentally laughed. Nakakagigil talaga ng kagandahan ko. "Stop it." Napatigil kami sa pagtitinginan ng masama nang magsalita si Troy. Ang sungit talaga ng isang to. Nakikipaglaro lang ako sa jowa niya e. Hahahahaha. Damn, I'm such a brat.
Pinandilatan ako ng mata ni Cia para manahimik na ako and so I did. Agad akong tumayo at nagpaalam na pupunta ng CR. Nag-retouch ako onti at nanalamin. Inayos ko ang laylayan ng uniporme ko. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng nakakairitang tunog ng takong. Isungalngal ko kaya sakanya yung heels niya?
"Don't ever try to steal my Troy."
Automatiko akong natawa sa sinabi niya. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. I admit, maganda siya. Kinulang nga lang sa hinaharap. Pero I do believe na hindi niya matatalbugan ang ganda ko. "Okay, I'll try." Pang-aasar ko. Nakita ko kung paano umapoy sa galit ang mata niya. Pft, head over heals kay Troy. "I love him but he loves me more than--" Tinaas ko ang kamay ko at nagtungo sa pintuan.
Wala akong panahon para makinig sa walang kwenta niyang storya. Magb-break din naman sila e. I smirked. Believe me, I'll make Troy fall for me harder than what this bitch thinks.
Malapit-lapit na ako sa table namin nang may humila sa kamay ko. "I'm talking, wag mo akong tatalikuran." Oh, hindi lang pala bitch, eskandalosa rin. "Ayan nakaharap na ako, bakit ikaw nakatalikod parin?" Tatawa-tawa kong sabi. Mukha namang nakuha niya ang insulto ko kaya agad niyang itinaas ang kamay niya para sampalin ako pero hindi naman ako tatanga-tanga para wag pigilan yon.
Nahawakan ko ang kamay niya at gigil ko itong hinampas. Napansin ko ang paglapit ng mga kaibigan ko sa amin at ang pagkakuha namin ng atensyon sa loob ng resto. "Don't mess with me. Don't mess with a bitch." Galit na galit niyang utal.
Pinigilan na siya ni Troy. Halatang galit na si Troy dahil tumriple ang sungit ng mukha niya. Hinawakan rin ni Celes ang braso ko. Kinalas ko ang pagkakahawak niya at nginitian siya. Tumalikod ako sakanilang lahat at muling sinulyapan ang bruhildang babaeng nagngangalang Gia. Nginitian ko siya nang nakakaloko bago banggitin ang mga katagang ito.
"Bitch ka lang. Ocean ako."
--tbc--
Thank you so much for the support lalo na sa fb group! 💖 So anong gusto niyong pangalan ng loveteams nila? Hihihihi. Hope you liked this update. Read, vote and comment! I love you all.
-ayeinwonderland 🌺
![](https://img.wattpad.com/cover/76648878-288-k254323.jpg)
BINABASA MO ANG
Wanted: Fake Girlfriends
Romance[COMPLETED] The four unbiological grandsons of an elite old woman reaches the point where they are now getting uncontrolled. The elite grandma then asks them to let her meet the girls who had captured the hearts of the four young men. Scared of bein...