Pahina 4: Her Mirror

575 9 6
                                    

Celestine's POV

"ANO!?" Hindi makapaniwalang sigaw ko kaya naman ay napatayo ako at dinabog ang kubyertos sa mesa. Nandito na naman kami sa dormitory ni Trix at laking gulat ko sa pinagsasasabi niya. "Anong deal na yan! Wala, ano sila? Hilo? Sinuswerte?" Pailing-iling kong bigkas. Namo-mroblema na nga ako sa pagsasara ng resto tapos kung ano-anong kahibangan na naman pinapasok ng mga to. Agad namang hinawakan ni Trix ang balikat ko at pinaupo ako ulit habang tatawa-tawa pa siya.

"Celes, chill. Unang-una sa lahat, favor ang sinabi nila, hindi deal." Pagtatama niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Kahit kailan talaga, oo! "Sa pagkakaalam ko rin, tao sila. Hmmm, hindi ko sure kung nahihilo sila kanina and di ko rin alam kung sinuswerte sila kasi di naman ako feng shui-" Pinanlakihan ko siya ng mata dahil kung ano-ano na namang katangahan ang pinagsasasabi. Napasapo ako sa noo.

"Mukha kayang fuccboi yung isa don!" Reklamo ko. Napansin ko naman ang pagsulyap ni Cia sakin pero agad niya ring inalis ang tingin niya. "Fuccboi? Ha sino?" Naguguluhang tanong ni Trix. "Yung lahad nang lahad ng kamay ba yon?" Tanong ni Dana. "Oh, si JC? Hindi kaya! Super friendly niya noh." Pagtatanggol ni Trix. "Beatrix, for the nth time, it's JV, not JC or Jason or Jervy." Halos matawa ako sa pagsusungit ni Cia.

"Ayan! Ayan! Odiba, Celes. Wag kang pumayag! Talagang yang Beatrix talagang yan, pagdating sa mga lalake jusko!" Sumbong ni Dana sakin kaya napa-pout si Trix. "Eh their so cute naman kase." Pagdadahilan niya habang ngingiti-ngiti pa.

"Trix, you always think every guy is cute." Komento ni Cia. Wow, andito pala tong isang to. HAHAHAHAHAHAHA. Okay, so back to the topic. "I'm just thinking naman kase na baka it's fun e." Diretsang tanong ni Trix habang nagpa-puppy eyes pa sa harap ko.

"Celes, wag! Cia, diba ayaw mo rin? O ano 3 vs 1 oh ano!?" Napatingin ako kay Dana. Napakaingay talaga ng isang to. "Ang kontrabida mo talaga ever! Parang hindi mo ako kaibigan!" Pagmamaktol ni Trix. Napatingin ako kay Cia. She just shrugged. Ugh, bakit ba ako umaasang magsasalita tong isang to? Tinitigan ko lang siya dahil baka magsalita pero deep inside, ayokong magsalita to dahil kapag ito nagdaldal--- "Ewan ko sainyo. Nakakatamad mag-isip, nakakasira ng ganda." Para akong binagsakan ng lupa dahil tumingin na naman po siya sa salamin niya.

Takteng yan sana yung salamin nalang ang kinaibigan niya e noh!? "Ikaw kasi, kontrabida ka." Napatingin ako sa dalawang nagtatalo. "Anong ako!? E mukha ngang mga rapist yung lalakeng yon. Pano kung i-rape ka non ha tapos ilagay yung katawan mo sa maleta." Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Dana, wagas naman imagination neto. "Ang cute kaya nila!" I rolled my eyes. Ugh. Nakakasakit ng ulo tong dalawang to.

Napansin ni Trix na nakatingin ako sakanila kaya agad niya akong nilapitan. "Have you changed your mind? Is it a yes? Or a yes?" Nakangiting tanong niya. I really admire her persuasion.

"No. Never. Ayoko. Aniyo. Hindi." Banggit ko at narinig ko ang malakas na paghiyaw ni Dana at ang pagsalampak ni Trix sa sahig na para bang pasan na niya ang problema sa mundo. "ANDITO NA NAMAN KAYO ANONG ORAS NA!?" Napatakip ako ng tenga at natawa dahil kay Manang Lorna, ang landlady ng dorm ni Trix. "JUSKO NAMAN MANANG, AYAN KANA NAMAN E. BAKIT KABA NAGTATANONG SAMIN, MUKHA BA KAMING ORASA--" Hinila ko agad palabas si Dana at Cia. Kumaway ako kay Manang at di ko na napigilan ang malakas kong tawa dahil kay Dana. Kahit kailan talaga tong babaeng to.

Kier's POV

Pabalik-balik akong naglalakad dahil iniisip ko kung papayag kaya yung apat na magkakaibigan. Ayos na sana e, kaso iniisip ko si tomboy. Alam kong number 1 yon sa pagiging kontrabida! "Ano ba putek! Nakakahilo ka, Kier!" Napangisi ako at tumingin kay Troy. "Sino ba kasing nagsabing tignan mo ako? Tol, alam kong gwapo ako, pero utang na loob. Di ako pumapatol sa lalake." Tatawa-tawa kong sabi kaya binato niya ako ng unan at bumalik sa pagtetext.

"Mamaya ka na nga magtext, Troy! Problemahin muna natin yung deal natin kay Lola." Iritang sigaw ni Rage. Agad naman kaming sinamaan ng tingin ni Troy. "Eh si Gia to e." Rason niya. Tsk. Masyado talagang loyal to sa girlfriend niya. Aysh! "Wag niyo na ngang problemahin yan, diba nakausap na natin si Trix, sabi niya gagawin niya lahat ng makakaya niya para tulungan tayo." Chill na sabi ni JV. Napaisip ako, oo nga noh?

"Iba naman kasi yung pinoproblema ko e." Muli kong sabat. Napatingin naman silang tatlo sakin. "Ano na naman!?" Bulyaw sakin ni Troy. Takteng yan, menopausal ata to e. Pft hahahahahaha. "Habulin ka ba naman ng sandamakmak na babae, hindi ka ba mamo-mroblem nun? At eto pa, sa sobrang kagwapuhan ko, pati tomboy naakit ko wengya! Kung pwede lang magbigay ng kagwapuhan, binigyan ko na kayong tatlo e." Nagtinginan silang tatlo at sabay akong tinignan nang masama. Sunod kong naramdaman ang pagbigat ng katawan ko. "TANGINA NIYO!" Sigaw ko dahil sunod-sunod nila akong dinaganan habang tatawa-tawa pa.

Ciara's POV

Kinaumagahan...

Agad kong kinapkap ang bag ko. Hindi. Hindi pwedeng mawala yun. Aysh! Mamamatay ako! "Asan ba yon?" Bulong ko sa sarili ko at tinanggal lahat ng laman ng bag ko. Hindi pwede! Nakakainis naman! Naglakad ako sa dinaanan ko kanina at agad akong nakakita ng makinang na bagay sa damuhan.

Pakiramdam ko ay naghugis-puso na ang mata ko nang makita ko ang pinakamamahal kong-- *crack* Napahinto ako sa paglalakad. Shit! Nagdilim ang paningin ko sa lalakeng nakabasag ng pinakamamahal kong gamit. "Woah--Aray!" Daing niya nang hampasin ko siya ng bag ko.

Agad kong kinuha ang basag kong salamin. Ugh! Wala akong dalang extra! Paano ko nalang matititigan ang pagkaganda-ganda kong mukha? Nabitawan ko ulit ito dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Shet, hindi ko tanggap! Napatingin ulit ako sa lalakeng kaharap ko. Teka, eto yung kasama nung kaaway ni Dana ah atsaka nung isang lalakeng mukhang fuccboi. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hey, bakit ganyan ka tumingin? May problema ba?" Takhang tanong niya. "Oo meron! Sinira mo oh, inapakan mo! How rude!" Inis kong sabi at nagcross-arms. Napansin ko ang pagkagulat sa mukha niya. Now what? Bakit ganito tumingin ang isang to?

Rage's POV

Napatitig ako sakanya. Wengya! Marunong pala magsalita ang isang to? Wahahahahahaha. "Ha? Anong sinira?" Naguguluhan kong tanong. She motioned her face sa may damuhang inaapakan ko. Natawa naman ako habang pinupulot ang salamin. Basag na basag! "Woah, basag na nga pero ang gwapo parin ng repleksyon ko." Tatawa-tawa kong sabi.

"Hindi ko alam kung yang paa mo yung nakasira o yang mukha mo mismo e." Sumbat niya habang magkasalubong ang kilay. Woah! Sobra naman magsalita tong isang to. Tagos na tagos. "Ouchy." Tatawa-tawa kong sabi. Tinaasan niya ako ng kilay kaya tumikhim ako. Okay, di pumapatok charms ko sa isang to.

"Aysh, nakakainis naman! Ayan! Wala na akong salamin, paano ko makikita yung dumi sa mukha ko? O kung may tumutubong pimple sa noo ko?" Halos umapoy siya sa galit kaya tinaas ko ang dalawang kamay ko. "Chill!" Singhap ko sakanya.

"ANONG CHILL!? Alam mo ba kung gaano kaimportante sakin yang bagay na yan?" Mangiyak-ngiyak niyang bigkas. Wengya! Ambilis niyang magpalit ng mood! Napalunok ako. "Mas mahal pa yan sa buhay mo e, aysh! Annoying!" Inis niyang sabi at padabog siyang naglakad palayo sakin.

"PAPALITAN KO!" Nagpipigil-tawa kong sigaw. Walangya. Masyado namang vain yon hahahaahaha. Napansin kong tumigil siya saglit sa paglalakad at lumingon sakin. Nakabusangot na ang mukha niyang dati ay walang karea-reaksyon.

"Wag kang papakita sakin kundi ipapalunok ko sayo yang mga bubog niyan!"

--tbc--

Wanted: Fake GirlfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon