Pahina 34: Ace

311 2 0
                                    

Ace's POV

98% loading system...
99% retrieving configurations...
100%...

Napangisi ako nang makita kong malapit nang maretrieve ang security ng system ko. Kung sino ka mang nakapasok sa system ko, malalagot ka sa akin lintek. Kumunot ang noo ko nang hindi makumpleto ang configuration ng system ko.

*toot toot toot*
*System detected malfunctions*

"Putangina!" Inis kong sigaw at hinampas ang keyboard. Gigil na gigil akong tumingin sa monitor na kaharap ko. Hindi ako papayag na may mas magaling sa akin pagdating dito.

Kier's POV

"Wooooo shet!" Masaya kong sigaw nang mapalitan ko ang security system ng na-hack ko. Wala nang mas gagaling sakin dito, wag akong subukan niyang hacker nila ah. Tinapik ni Trix ang balikat ko habang pumapalakpak. Nasa tabi ko rin si Celes ngayon. "Teka, asan si Cia?" Takhang tanong ko. Malilintikan ako kapag nawala na naman yun.

Nang makita kong bihis na sina Rage ay tumayo na rin ako para mag-ayos. "Dyan ka lang, bantayan mo yung galaw nila." Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa nang magsalita si Rage. "Sasama ako--" Napatigil ako sa pagrereklamo nang pumasok ang bihis na bihis na si Cia. Hinalikan niya sa pisngi si Rage kaya gulat na gulat akong tumingin.

"Okay na kayo?!" Napatingin ako sa dalawang katabi kong babae na nakasabayan ko rin sa pagsigaw. Ngumiti si Rage samantalang tumawa naman ng mahina si Ciara. Lintek! "Maiwan ka dito ha, Kier." Napatingin ako ulit kay Cia nang magsalita siya. "Gusto kong iligtas si Dana--" Maya-maya pa ay pumasok ang mga kuya ni Dana pati si Papa.

"Nailigtas mo na siya, bro." Halos lumipad ang tenga ko dahil sa pagka-overwhelm, lintek! Sinabihan ako ni pareng Dylan ng "bro". Tsk tsk, pano ba yan? Boto na sakin ang future family ko. "Kung wala ka, hindi natin malalaman kung buhay pa ba siya." Malamig na sabi ni pareng Harry na pinsan ni Dana.

"Sige na, alis na kayo. Babantayan ko nalang siya dito sa monitor." Sabi ko at kumaway sakanila. "Nga pala, kunin niyo to, ako bahala sa inyo." Sabi ko at inabot ang tig-iisa nilang earpiece. Nabigla ako nang dalawang earpiece ang kunin ni Rage. Nahagip ng mata kong magkawak-kamay si Rage at Cia. "San ka pupunta, Cia?" Sigaw ko pero kinindatan niya lang ako bago isinuot yung isang earpiece sa tenga niya.

Madaya! Lintek, bakit siya sinama, ako hindi? Nang makaalis sila ay tumitig lang ako kay Dana na kanina pa mukhang nakikipagsigawan sa mga bantay niya.

Kasalukuyan kaming nagtatawanan nila Celes at Trix nang may mapansin akong lalakeng pumasok sa kwartong kinaroroonan ni Dana. "Lintek! Kahapon pa yan bisita nang bisita kay Dana ah!" Inis na inis kong sabi. Aysh! Bakit ba kasi walang nailagay na bugging device sa CCTV nila! Hindi ko tuloy marinig pinag-uusapan nila. "Hala, Kier. Nginingitian niya si Dana!" Hindi makapaniwalang sabi ni Trix.

Napatingin ako kay Trix. Pero nagulat ako nang kurutin siya ni Celes sa tagiliran. "Hahahaha pano mo nalaman, aber? Nakatalikod nga yung lalake satin oh." Tatawa-tawang sabi ni Celes. Tinignan ko ulit si Trix at hinawakan ang braso niya. "Totoo ba yan, Trix?" Tanong ko sakanya at pansin kong napahilamos ng mukha si Celes dahil sa katatawa.

"Oo, Kier. Alam ko yung mga ganyang galawan eh." Seryoso niyang sabi habang nakatingin ng seryoso sa lalakeng nasa harapan ni Dana my loves. Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin dun sa lalake sa monitor. Kung sino ka mang gago ka, wag kang maglalahad ng kahit kuko dyan kay Dana kung ayaw mong mamatay nang maaga.

Dana's POV

"Andito kana naman!?" Kumunot ang noo ko nang pumasok yung lalakeng kahapon pa punta nang punta dito. "Ang ingay mo naman, bes." Tatawa-tawa niyang sabi at inabutan ako ng pagkain. "Uy wow, close tayo? Wag ka ngang FC!" Inis kong sabi. Kahapon pa to bes nang bes sakin e! "FC?" Tatawa-tawa niyang sabi at binuksan ang wrapper ng sandwich na inaabot niya kanina sakin.

"Yun lang, di mo alam? Feeling close ibig sabihin non!" Sigaw ko sakanya kaya umiling-iling siya. "Ace, anong ginagawa mo dito?" Napatayo yung lalakeng kaharap ko na tinawag nilang "Ace" nang pumasok yung nagngangalang Steve dito sa kinaroroonan ko. Natahimik ako bigla, sa kanya ako takot. Nakita ko kung paano niya barilin sa ulo yung lalakeng bantay kahapon.

"Hindi mo ba alam na nakuha nila ang location natin!?" Nanlaki ang mga mata ko nang sikmuraan niya si Ace. Napaubo ng dugo si Ace pero pinunasan niya lang ito at pansin kong chill na chill parin siya. "Wala na tayong magagawa, napasok na nila ang system ko. Antayin nalang natin silang sumugod." Sabi ni Ace pero sinuntok ulit siya ni Steve kaya napapikit ako.

"Palpak!" Nakatingin na ako ngayon sa sahig dahil nakasalampak na doon si Ace. Nagbukas-sara ang pinto kaya sinipa ko si Ace dahil wala na akong bantay ngayon. "A-ace!" Tawag ko sakanya. "Hmm, bes?" Nagsalubong ang kilay ko dahil nagawa pa niyang tumawa. Maya-maya ay nakarinig ako ng malakas na pagsabog kaya hindi ko na napigilang umiyak.

Nakakainis ka, Kier! Wala ka bang balak puntahan ako? Di mo naba ako mahal? "Konting tiis nalang. Dumating na mga kasama mo." Hirap na bigkas ni Ace kaya napatingin ako sakanya. Ngayon ko lang napansin na may dumudugo sa tagiliran niya.

Rage's POV

Tumango ako kay JV at Troy at naghiwa-hiwalay kami ng daan. "Kaya ba natin sila?" Napansin kong takot si Cia dahil napahigpit ang kapit niya sa braso ko. "Do you trust me, Ara?" Napangiti siya nang tawagin ko siya sa pinangalan sakanya ng Kuya niya. "Always, Supremo." Banggit niya rin at sabay kaming naglakad papasok ng building.

"Saglit lang." Napatigil ako nang makarinig ako ng pamilyar na boses sa likuran ko. "Papaano niyo nalaman--" Hindi ko naituloy ang sinasabi ko nang tapikin ako ni Jordan. "Hindi kana natuto, ang hilig mong magsolo. Parang wala naman tayong pinagsamahan, Supremo." Nakangiti niyang sabi kaya tinapik ko siya pabalik.

Tinuro ni Jordan ang isang sasakyan sa di kalayuan at may nakita akong isang pamilyar na pigura ng babae. "Lola Pats." Nakangiti kong bulong sa hangin. Kahit kailan talaga, mapagkakatiwalaan talaga siya kahit hindi ko siya tunay na kadugo.

Pakonti-konting pumasok ang mga dati kong gangmates sa loob ng building. "Dating gawi." Sabi ko na sakto lang para marinig nilang lahat. Tumango silang lahat habang nakangisi. "Wag niyong hayaang may mamatay sa inyo." Sabi ko sakanila at nagsimula na ang laban.

--tbc--

Wanted: Fake GirlfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon