Pahina 7: Kailan?

420 8 0
                                    

Troy's POV

Tatlong segundong katahimikan ang namayani. Naks, lalim. Pft hahahahaha. Napatingin ako sa babaeng nakakapit ng mahigpit sa polo ko. Aysh, agad ko namang pasikretong tinanggal ang pagkakahawak niya. Napabitaw naman siya agad and immediately smiled.

Nakapa-playgirl. Tsk. Natigil ako sa pag-iisip nang biglang tumawa nang malakas si Lola Pats. Ha? Nagkatinginan kami nila Rage. "HA-HAHA-HAHAHAHA!" Napangiti ako nang makisabay si Kier sa pagtawa. Halata namang peke.

Sa isang iglap ay nawala ang mga babaeng katabi namin dahil masaya silang hinila ni Lola papunta sa dining table. "What the heck?" Bulong ko kay JV. "TROY ESPINOSA! Anong karapatan mong magmura sa pamamahay ko?" Napakagat ako ng labi nang sumigaw si Lola. Lintek, lakas talaga ng pandinig niya. Nakita ko naman ang pagsulyap ni Beatrix sakin at muli akong nginitian nang malapad kaya sinimangutan ko siya.

*bzzt bzzt* Napasulyap ako sa cellphone ko. Shit, tumatawag si Gia. Naunang naglakad sina Kier para sundan sa dining sina Lola habang ako naman ay lumabas saglit para sagutin ang tawag. ["What took you so long, babe?"] Bungad ni Gia nang sagutin ko ang tawag. She's my two-year-relationship girlfriend, by the way. I love her more than anything in this world.

"Sorry, babe. Nagloloko kasi cellphone ko." Palusot ko. Damn, ang bigat ng pakiramdam ko, ngayon lang ako nagsinungaling sakanya. ["Is that so? Let's buy a new one, okay? Yung pair tayo."] She suggested, napangiti ako. Wala na akong balak magmahal pa ng iba. Siya ang gusto kong makasama habang-buhay. Sunod kong nakita si Rage sa pintuan at tinuro ang kusina kaya tumango ako.

"Uh, babe. Tatawag ako mamaya ulit. May pinapagawa kasi si Dad sakin." Muli kong sabi. ["Hmm, you're at home? Say hello to future dad for me, babe. I love you!"] Sweet niyang sabi. "I will. I love you more and most." Banggit ko at mabilis na pinatay ang tawag.

Tsk. Naistorbo tuloy pag-uusap namin ni Gia. Mahirap kasi magkaiba kami ng pinapasukan ngayong year na to. Isang taon pa at ga-graduate na kami ng kolehiyo. Then I would marry her.

Kier's POV

Nabaling ang tingin ko sa nahuling dumating na si Troy. Lintek, hindi ba niya maisakripisyo kahit isang gabi lang para kay Lola? Puro siya Gia eh. Mukha lang namang pineperahan siya. Tsk.

"Saan ka galing, apo?" Nakaupo si Lola sa dulo ng mesa. Tahimik kaming lahat. "Sa garahe lang, Lola Patsie, naiwan ko kasi to." Nakangiting banggit niya at tinaas ang cellphone niya. Tumango naman si Lola at mukhang kumagat sa pagsisinungaling ni Troy. "Dapat di mo iniiwan ang girlfriend mo, napakaganda pa naman." Tuwang-tuwang sabi ni Lola habang nakatingin kay Trix.

"H-hindi po, Lola! Nagpaalam po sakin si Troy." Napatingin ako kay Trix na nakahawak na sa kamay ni Troy. Ngumiti lang si Troy pero napansin kong bumitaw siya sa kamay ni Trix pagkaupo.

Agad naman akong siniko ni Dana, "Nakakatakot naman si Lola. Kabang-kaba ako oh." Bulong niya sakin kaya agad ko siyang kinurot sa ilong. "ABA'T--Nagugutom ka naba, l-love?" Halos matawa ako dahil biglang tumingin si Lola sa amin. Lumagapak naman sa tawa si Rage. "Ang sweet talaga nila, diba Lola?" Tugon nito.

Tumawa naman si Lola kaya napatingin kaming lahat sakanya. "Ang gaganda naman ng mga future apo ko." Papuri niya. "Lola, e gwapo tong isa eh." Biro ko at tinuro si Dana. HAAHAHAHAHAHAHAHHAHA!

Dana's POV

"Ha-ha-ha. Napaka-palabiro talaga ni Kier noh, Lola?" Pa-sweet kong sabi at kinurot ang pisngi ni Kier. Diniinan ko ang kurot kaya nang matanggal ko ang kamay ko ay sobrang namumula na ang mukha niya. Pft. "Let's eat, girls. I want to know you more.  Starting from that silent girl over there." Nakangiting banggit ni Lola. Shet, bakit unti-unting gumagaan ang atmosphere?

Sumubo ako ng isang piraso ng manok. Shet, favorite ko talaga tong fried chicken huhuhu. Naiiyak ako sa sarap. "I'm Ciara, po. Rage's--uhm, girlfriend." Nakatungong banggit ni Cia, sus if I know nakatingin yan sa baba dahil andon ang salamin niya. "Mukhang wala sa mood si Troy." Bulong ko kay Kier. "Hayaan mo yan, masanay kana."

"Hi, La! I'm Dana, po." Banggit ko at iginilid ang buhok sa likod ng tenga ko. "Pft. Hahahahahaha." Napatingin ako kay Celestine kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Lola, nagiging babae pala si Dana kapag nakikipagkilala sa kamag-anak ni Kier." Rinig kong bulong ni Celes. Aysh, babaeng 'to. Dada nang dada! Narinig ko naman ang tawa ni Lola, "I see, mukha ngang mas siga pa kay Kier." Komento nito. Waaaaa, nakakahiya.

"This girl here, is my girl, Celestine Mariano." Sweet na sabi ni JV at tinitigan si Celes habang nakangiti. Napansin ko namang ngumiti si Lola dahil sa inasal ni JV. "She's a drummer, Lola Pats." Proud pa nitong sabi. "Kapag bumalik sa pambababae yang si JV, pwede mo siguro siyang gawing tambol, Celestine." Tatawa-tawang sabi ni Lola. Woah, naka-drugs si Lola, lakas tama.

"I'm Trix, Lola Patsie! Ako nga pala ang pinakamaganda sa aming apat." Nakangiting-aso ngayon si Trix. I rolled my eyes, kanina ko pa gustong ibato sakanya tong hawak kong manok. "Hahahaha, nakakatuwa naman tong apat na to, so you're close with each other?" Tugon niya sa aming apat. Nagkatinginan kami, shet. What to do? Sinipa ko sa paa ang lechugas kong katabi.

"S-syempre naman, Lola! Magb-bestfriends ang mga nag-g-gwapuhang boyfriends nila e." Palusot ni Kier at kinindatan si Lola Pats. Nakahinga naman ako ng maluwag.

Patuloy kaming kumain at nagtatawanan. Shocks, mabait pala si Lola Pats. Nalaman ko rin na hindi talaga niya apo tong apat na ugok, sadyang nakilala lang niya dahil sinalba niya ang nalulugi nilang organization. Wow.

Kasalukuyan akong umiinom ng tubig nang biglang mag-iba ang topic ni Lola. "So kailan?" Nakangiti niyang sabi. Aba ang hyper talaga ni Lola Pats. Nagsalin ulit ako ng tubig at inaantay kong may isang magsalita samin. "Kailan ang alin, Lola?" Ako na ang nagsalita dahil lahat sila ay busy sa pagkain.

Ang sarap ng luto nila. Pwede pa-take out? Hmm. Ininom ko ang tubig na sinalin ko pero naibuga ko agad ito sa mukha ni Kier nang sagutin ni Lola ang tanong ko.

"Kailan ang kasal?"

--tbc--

Wanted: Fake GirlfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon