Pahina 8: Unexpected Visit

431 4 0
                                    

Rage's POV

*one week later*

Iniwasan ko ang isang suntok at sinipa ko yung lalakeng akmang susuntok sakin. Napangiti ako. It's been a while since huli akong sumabak sa bugbugan. Nakakamiss rin pala. "T*ng*na mo, Gonzales! Mapapatay kita." Galit na galit na sigaw ni Steve, isa siya sa mga nakaaway ko ngayon-ngayon lang. "Puro ka salita, bakit di mo gawin?" Nakangisi kong sumbat.

Dalawang lalake ang humawak sa magkabilang kamay ko. Lintek! Agad akong sinikmuraan ni Steve kaya napadura ako ng dugo. Wengya, ang gwapo kong mukha. Kumalas ako sa pagkakahawak nila at sinuntok ko nang malakas ang lalake sa kanan ko. Pinulot ko ang isang tubo at hinampas sa likod ng lalakeng nasa kaliwa ko.

Napatingin ako sa paligid. Anim na lalake na ang napatumba ko. Teka, nai-text ko ba si Cia ngayon? Aysh, bakit ko ba iniisip yung mataray na yun? Napahiga ako sa semento nang maramdaman ko ang matigas na bagay na naipukpok sa likod ko. "Lintek." Mura ko at muli akong napadura ng dugo.

Tumayo ako kahit iika-ika at hinampas ko ng pagkalakas-lakas si Steve dahilan para matulog siya. Aysh. Pinunasan ko ang dugong tumulo sa pisngi ko. Lintek, may gumamit ng kutsilyo. Kahit kailan talaga, ang dumi nila makipaglaro.

Ciara's POV

"Si Rage?" Taas-kilay kong tanong kay JV. "Hindi ko alam, akala ko pumasok." Takhang tugon nito. "Hindi mo ba kasama?" Tanong ni Kier kaya agad siyang binatukan ni Dana. "Tanga! Mukha bang kasama niya? Kaya nga hinahanap niya hindi ba?" Inis na inis nitong sabi.

"Yieeee, ikaw ha. Bakit mo hinahanap?" Nakangiting tukso sakin ni Trix. Kasalukuyan silang naglalaro ni Troy ng baraha. Pasulyap-sulyap naman si Troy sa cellphone niya kahit naglalaro siya ng baraha. "May gusto ka ba kay Rage?" Bulong sa akin ni JV. Napataas ako ng kilay. May gusto agad? Dalawang linggo ko pa nga lang namin sila kilala e. Ano ko? Easy to fall?

Hinahanap ko lang naman kasi siya kasi sabi niya ngayon niya ibibigay yung kapalit ng salamin kong nabasag niya. Sayang rin yun noh. Napansin niyo ba kung bakit kami magkakasama? Pasimple akong tumingin sa dalawang lalakeng nakaitim na nagbabantay sa amin.

*Flashback*

Naibuga ni Dana ang iniinom niyang tubig kaya napapikit si Kier. "Manners!" Inis na sita ni Kier nang mapunasan niya ang tubig sa mukha niya. Si Dana naman ay patuloy na umuubo. "Lola, anong kasal!? Ang babata pa namin!" Reklamo ni Rage. Akala ko ba magpapanggap lang? E bakit kasalan agad ang sinabi?

"Wag mo nga akong masigaw-sigawan, Rage." Napangisi ako nang sitahin siya ni Lola. Pft. "Ang ibig sabihin ni Rage, Lola Patsie kong mahal, bakit naman biglaan? Tignan mo nagulat tuloy si Dana." Sweet na banggit ni JV at sinubuan si Celes ng chocolate. Pilit naman itong kinain ni Celes at ngumiti ng peke. Halatang-halatang babaero tong si JV, ano?

"I'm just kidding. Syempre, I want you to be serious sa mga babaeng ito. Mga tanga nalang kayo kung papakawalan niyo." Kaswal na sabi ni Lola at uminom ng tubig. Narinig ko ang mahinang hagikgik ni JV. "Ang manyak ng tawa mo, gago." Rinig kong bulong ni Troy. Pft hahahahaha. Pigil na pigil ako sa pagngiti dahil panigurado aasarin lang ako ng mga bruha kong kaibigan.

Matagal na tumitig si Lola sa akin kaya kinalbit ko ang kamay ni Rage sa ibaba ng mesa. "May dumi ba ako sa mukha?" Mahinang sabi ko habang nakangiting nakatingin kay Lola. "Meron, pft." Sagot niya kaya automatiko akong tumingin sa baba. Andito kasi yung salamin ko. Nagkasalubong kami ng tingin ni Rage kaya inisnaban ko siya. Tss. Wala naman e.

Pumalakpak si Lola ng dalawang beses at lumabas ang dalawang men in black. Huh? Miyembro ba si Lola ng gang? Aysh. Ano ba yan, nahahawa ako sa kabaliwan ni Dana.

"To make sure na walang magloloko sainyo." Nakangiti nitong sabi. Napatingin ako sa bumubulong sa hangin na si JV. "Shet, no, no. Wag, please." Pumipikit pa siya habang sinasabi yon. "Babantayan nila bawat galaw niyo, lalo kana, JV. Alam kong nagmana ka sa pagiging babaero ng tatay mo." Masama ang tingin ni Lola Pats kay JV. Wow, napaka-direct naman nitong si Lola. Hahahaha. Napansin kong nagpipigil ng tawa si Kier at Rage, si Troy naman ay kanina ko pa napapansing text nang text.

"Babantayan nila kayo simula pagpasok niyo ng eskwelahan hanggang pag-uwi niyo ng bahay." Napalunok ako ang tumingin kay Rage. I thought we would only pretend whenever na meron si Lola Pats? Damn, don't tell me, we're cornered? No way!

"L-lola naman! Paano ang freedom?" Segway ni Kier pero agad siyang sinamaan ng tingin ni Lola Pats. "Then go, just surrender me your cards, atm and credits." Seryosong saad ni Lola. Napanguso naman si Kier at nanahimik.

*End of Flashback*

Ang pinagtatakha ko lang, paano nagawang tumakas ni Rage? Hmm.

"BABE!"

I looked around. Isang babaeng matangkad na babaeng kutis porselana ang tumakbo palapit sa amin. Agad namang tumayo si Troy at sinalubong ang babae. "Bakit ka andito?" He asked, halatang balisa ang mukha niya. "Is that your way of saying you've missed me?" Nakangiting saad nung babae.

Sunod na tumayo si Trix. Uh-oh. I looked at Dana and Celes na napatayo rin. "Hi, I'm Beatrix. Beatrix Tuazon." Nakangiti nitong sabi sabay lahad ng kamay sa babae. Napatingin naman ang kilay ng babae sa nakalahad na kamay ni Trix. Limang segundo na ay nagtititigan pa sila. Agad binawi ni Trix ang kamay niya at ngumisi. "That's all. I'm Troy's bestfriend." Nakangiting sabi niya. Tumalikod si Trix sa babae kaya humarap siya samin. "Bitch." Mahina niyang sabi habang naglalakad at tatawa-tawa pang umiiling.

Nabunutan ako ng tinik nang maglakad siya palapit sa amin. But wait. "Who is she?" Bulong ko kay Kier. Hinarap ako ni Beatrix. "Obviously, she's Troy's girlfriend." Sagot niya at inirapan ako. What? "May girlfriend si Troy? E bakit kailangan pang magpanggap ni Trix sa harap ni Lola Pats?" I asked. Napatingin ako sa dalawang men in black. Their looking at us, suspiciously.

--tbc--

Wanted: Fake GirlfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon