Pahina 30: Revelation

320 1 0
                                        

Dylan's POV

"Layuan mo ang lalakeng yon habang maaga pa, Dianara. Binibigay ko lahat ng gusto mo kaya wag mo akong sinusuway."

Napahilamos ako ng mukha nang sabihin yon ni Papa. Tumalikod si Papa kay Dana kaya sa akin na siya ngayon nakaharap. Gumilid ako at akmang aalis na siya pero. "Ayoko, Pa." Nagulat ako kay Dana. Buong buhay ko, ngayon ko lang siya narinig sumumbat. Lintek! Napako ako sa kinatatayuan ko. "Sinusuway mo na ako." Kalmado pero ramdam kong galit na si Papa.

Napansin kong ikinuyom ni Dana ang kamay niya. "Bakit, Pa? Ayaw mo bang maging masaya ako?" Pumiyok si Dana nang sabihin niya yon. Napayuko ako, ganyan ba niya kamahal si Velasco? "Bakit? Hindi ka ba masaya kapag kasama mo kami?" Balik-tanong ni Papa. "Pa, hayaan mo naman akong magdesisyon para sa sarili ko." Seryosong sabi ni Dana kay Papa.

Hinawakan ko ang braso ni Papa pero tinanggal niya ang pagkakahawak ko sakanya. "Anong maibibigay sayo ng pagmamahal na yan?" Ramdam ko ang lungkot sa boses ni Papa. Naalala ko tuloy si Mama, dahil sakanya, nawalan ng gana si Papa sa pagmamahal at pagtitiwala. "Pa, gusto ko lang naman maituring na tunay na babae, isang prinsesa, isang normal na babae tulad ng iba." Kusang tumulo ang luha niya pero agad niya itong pinunasan. "Bakit? Hindi kaba namin tinuturing na prinsesa ha, Dana!?" Napapikit ako dahil tumaas na ang tono ng boses ni Papa.

Tinignan ko si Dana pero hindi niya nagawang tumingin sa akin. "Hayaan mo naman akong magdesisyon para sa sarili ko, Pa. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako ako nagmahal ng ibang lalake bukod sa inyong lima. Wag niyo namang ipagdamot sa akin yun!" Dire-diretsong sabi ni Dana at nagsimula na siyang maglakad palabas. Agad siyang hinarangan ni Papa.

"Gusto mo bang masaktan tulad ko? Gusto mo bang maranasang maiwan ha, Dana!?" Napatigil si Dana at tinignang mabuti si Papa. "Wag mong itulad sa amin si Mama. Hindi lahat ng nagmamahal, iniiwan, Pa. Hindi tayo pare-pareho." Sumbat niya at binangga ako bago tuluyang makaalis sa kwarto.

Napatingin sa akin si Papa kaya yumuko ako. Tatalikod palang sana ako nang muli siyang magsalita. "Alam mo ba ang tungkol dito?" Seryoso niyang sabi kaya tumango ako. "Seryoso sakanya si Kier, Pa." Magalang kong sabi. Nanatili kaming tahimik dalawa ni Papa. Muli ko siyang tinignan bago ako tuluyang umalis para sundan si Dana.

Rage's POV

Three days later...

Nakangiti ako habang nagd-drive. Pasulyap kong tinignan si Cia sa passenger sear at hinawakan ko ang isang kamay niya. "Excited na akong ipakilala ka kay Kuya." Banggit niya at tinuro ang isang daan para iliko ko ang sasakyan. Tumapat kami sa isang malaking gate pero bumaba siya at may sinwipe sa gilid ng gate.

Nang pumasok ulit siya sa sasakyan ay bigla namang bumukas ang gate kaya nginitian ko siya. Pagkapasok namin sa bahay nila ay yumuko ang bawat madadaanan naming katulong. Malaki ang bahay nila Cia. Pero bakit parang wala masyadong tao? "Bakit tahimik?" Tanong ko sakanya pero nagpakawala siya ng malungkot na ngiti.

"Laging nagpapakabusy sina Mommy at Daddy. Kaya lagi akong tumatambay kina Trix at umuuwi nalang ako tuwing curfew time sa dorm niya." Paliwanag niya at hinila ako paakyat ng hagdan. "Sa living room nalang ako, nakakahiya sa Kuya mo." Sabi ko pero parang wala siyang narinig. Lintek, hindi ko alam kung anong ire-react ko.

B-bakit ba kami pupunta sa k-kwarto lintek! Binuksan niya ang isang pintuan at tumambad ang isang kwartong kulay peach. Malawak siya, mas malawak kaunti sa mga kwarto namin sa apartment. "Magpapalit lang ako saglit." Paalam niya at naramdaman kong nag-init ang paligid.

Malamig naman dahil naka low temp yung aircon pero aysh! Bakit ba kasi ako dinala ng isang to dito!? Tsk. Umupo ako sa dulo ng kama at inilibot ang paningin ko. Andami niyang picture frames. Puro mukha niya simula pagkabata niya. Nakakita ako ng isang pintuan sa kabilang dulo at hindi ko napigilang buksan yon.

Hindi naman siguro masamang maglibot dito diba? Nang buksan ko ang pintuan ay halatang hindi na ito nabuksan ng matagal na panahon. May mga cobwebs na rin sa mga dingding. Napag-isip isip ko rin, aamin na ako mamaya kay Ciara.

Siguro nga mas maganda kung umamin ako nang mas maaga. Alam kong tatanggapin niya ako. Mahal ko siya, at ayoko nang magsinungaling pa. Nilibot ko ang paningin ko pero biglang tumunog ang cellphone ko.

Ara Calling...

Agad kong sinagot ang tawag. May nangyari ba? "Hello?" Panimula ko. ["Supremo!"] Agad akong kinabahan nang sumigaw siya. "Anong nangyari? Ayos ka lang ba?" Mabilis kong sagot sa kabilang linya. ["A-ah, masakit kasi yung ulo ko, pwede bang magpasama sayo?"] Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Kasama ko kasi si Cia, andyan naman sina JV, ako kakausap sakanila." Sabi ko. Akala ko naman kung anong nangyari. ["Please, Supremo? Ikaw nalang--"] Naibaba ko ang hawak kong cellphone nang may makita akong pamilyar na bagay na nasa loob ng isang transparent sealed glass.

Nilapitan ko ito at hindi ako makapaniwalang tumingin sa kutsilyong nasa loob ng lalagyan. "Rage, kanina pa kita hinahanap eh--" Napansin ko ang pagtahimik ni Cia mula sa likuran ko. Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin at ang pagtitig niya rin sa bagay na tinitignan ko.

"My brother became my inspiration para mag-aral ng law." Panimula niya kaya napatingin ako sakanya. Pabilis nang pabilis ang kabog ng puso ko kaya nanatili akong tahimik. "Well, si Kuya. Sobrang bait niya, but I knew he joined some sorority and he had this friend na sobrang malapit sakanya. He even told me na ipapakasal niya ako sa taong yun. He considered that person as his brother." Sabi niya at napansin kong pinunasan niya ang luha niya.

Ikinuyom ko ang kamao ko. Itinuro niya ang bagay na kanina ko pa tinitignan na nasa loob ng lalagyanan. "That person na tinuring niyang kapatid ang mismong pumatay sakanya." Gulat akong tumingin sakanya. "I didn't know kung bakit isinara nila ang kaso ni Kuya. And I was very angry. That day I promised myself that I would become a lawyer and I would be the one who'd put the bastard who killed my brother behind the bars." Ibang-iba siya sa Cia'ng nakilala ko. Punong-puno ng galit ang mata niya. Nang tignan niya ako ay punong-puno ng lungkot ang ngiti niya.

"I stole this one in the autopsy room. I have this evidence. But I couldn't find anyone who's name was this one." Sabi niya at inabot sa akin ang bagay na nakapaloob sa lalagyanan. Ang isang bagay na naging isang parte ng buhay ko noon. "Supremo." Binasa niya ang pangalang naka-engrave sa kutsilyo. May kinuha siyang isang picture frame sa loob ng isang drawer at pinakita sa akin. Cyrus.

"I would find the real identity of Supremo and I would give justice to my brother's death."

Naramdaman ko muli ang pag-vibrate ng cellphone ko.

Ara Calling...

Napapikit ako at pinakalma ang sarili ko. Si Cia. Si Cia ang totoong Ara.

--tbc--

Wanted: Fake GirlfriendsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon