Pahina 25: History Repeats

310 3 0
                                    

Troy's POV

The next day...

New Text Message: From Babe ❤️
   Troy, are you busy?

Binasa ko ang text message sa akin ni Gia kaya nagreply ako agad. Nagkakalabuan na kami at aminado akong nasa akin ang problema, wala sa kanya. Siguro hindi nalang ako maga-attend ng mga susunod kong klase ngayong hapon. Gusto kong makabawi sakanya.

Create Text Message: To Babe ❤️
    No. You want me to fetch you? Where are you?

Agad naman siyang nagreply na maagang natapos ang klase niya. Pagkalabas ng professor namin ay sumabay ako sa paglabas niya sa pintuan. Dumiretso ako sa parking lot at pinaharurot ang dala kong sasakyan.

Nag-antay ako ng sampung minuto sa tapat ng university'ng pinapasukan niya at agad naman niya akong kinawayan. "Where would you want us to go, babe?" Nakangiting tanong ko. "Anywhere would do." Sagot niya rin.

Gia's POV

Hinawakan niya ang kamay ko and we intertwined our fingers together. Sobrang saya ko ngayong araw na to because he sacrificed his afternoon classes just for me. Huminto kami sa isang cake shop na malapit-lapit sa condo ko. Dito kami unang nagkita. "I love you so much, Troy." Panimula ko and he smiled at me.

Parehong ngiti ang natanggap ko tulad ng dati pero napansin kong iba na ang kislap ng mata niya. Did he fell for that girl? "I love--" Dumating ang order namin kaya pinutol ko ang pananalita niya. I don't want to hear a lie.

Umakto ako nang normal. Habang nag-uusap kami ay mas bumibigat ang pakiramdam ko. I don't know why but my instincts are telling me na hindi na ako; hindi na ako yung laman ng puso niya. "Babe, I'll be back." Nakangiting sabi niya kaya tumango ako. Lumabas siya sa cake shop at napansin kong sa tapat na flower shop siya nagpunta.

*Flashback*

2 years ago... - Valentine's Day

Pasimple akong tumingin sa manliligaw kong kasalukuyang bumibili ng cake. Nang makaalis siya ay ako naman ang dahan-dahang pumunta sa cashier para umorder. Inabot ko ang order kong cake sa babaeng nagse-serve dito sa cake shop at inabot ang bayad. Pagkalabas na pagkalabas ko ay sakto namang may pumasok na isang lalakeng moreno. Napakaseryoso ng mukha niya. Hindi ko alam kung bakit bigla ko siyang napansin. Umiling nalang ako at lumabas sa shop.

Nanatili ako sa labas ng shop at napatingin ako sa cake na hawak ko at hindi ko mapigilang kiligin. Ibibigay ko din kasi to sa manliligaw ko. Isn't it sweet na mag-aabutan kami ng cake and sa parehong shop pa namin binili? And hindi lang yon, plano kong sagutin siya ngayon.

Nagsimula na akong maglakad pero napahinto ako nang makita ko siyang nakaupo sa isang bench sa gilid-gilid ng daan. And this time, may hawak na siyang flowers. I couldn't contain my emotions so I decided na i-approach na siya.

I was 5 steps behind him pero napahinto ako nang tumayo siya at may babaeng kararating lang. Iniabot niya yung cake and flowers dun sa babaeng yun. Just by the looks of that girl, alam kong malandi siya. She looked so playful samantalang yung manliligaw ko was blinded by his damn affection.

Pakiramdam ko nasaksak ako. Tumalikod ako habang nakayuko. Ibinasura ko ang box na hawak ko at umupo sa gilid ng kalsada. Pakiramdam ko napaglaruan ako, pinaasa ako. Biglang pumatak ang ulan. Pero nang lumakas na ito ay hindi ko naramdaman na nababasa ako. I looked up and saw that moreno guy na nakasalubong ko kanina sa cake shop.

"Broken-hearted ka? Ang saya mo lang kanina pagkalabas mo ah." Sabi niya kaya nagsalubong ang kilay ko. Tumayo ako at akmang aalis na pero may inabot siyang itinaas ng kilay ko. Nag-abot siya ng isang white rose at isang box ng vanilla cheesecake. Hindi lang yon. Inabot niya rin yung payong kaya nababasa na rin siya. Napasinghap ako. Sinong tao ang mag-aabot ng ganito sa isang taong hindi niya naman kakilala?

"You look beautiful when you smile. Don't let any man destroy that asset of yours. Keep smiling." Nakangiti niyang sabi at iniwan akong nakatulala sa labas ng shop.

--tbc--

Napangiti ako dahil naalala ko na naman yung araw na yun. Napakasakit ng araw na yun para sa akin pero hindi naging ganon kalala dahil nakilala ko si Troy. Naagaw ng tingin ko ang cellphone niyang nakapatong sa mesa. Tumingin ako sa paligid para i-check kung pabalik naba siya o ano.

Mabilis kong sinearch ang contacts niya at agad nag-message para kay Beatrix.

Create New Message: To Trix
     Let's meet after class.

Mabilis kong tinype ang text na yon at wala pang isang segundo ay nagreply na siya.

New Text Message: From Trix
     Sure. Where to?

Napasinghap ako. This girl is really annoying. Sulpot siya nang sulpot sa buhay ko.

Create New Message: To Trix
     Coffee shop malapit sa university. See you.

Nang makapag-reply siya ng "Okay." ay mabilis kong dinelete ang message thread. Agad ko namang binalik yung cellphone ni Troy sa mesa. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakabalik na si Troy dito sa loob. May dala-dala siyang bouquet ng white roses kaya napangiti ako. Simula noong una kaming magkita hanggang nung nagligawan kami at hanggang ngayon, laging ganito ang binibigay niya sakin.

Pagkatapos ng ilan pang minuto ay nagpahatid na ako sakanya sa condo dahil nagpalusot akong may gagawin pa ako. Actually meron, I'm going to meet that bitch, Beatrix. Hinalikan niya ako sa noo gaya ng lagi niyang ginagawa sa akin at kumaway ako sakanya nang paandarin niya ang motorbike niya.

"You look beautiful when you smile. Don't let any man destroy that asset of yours. Keep smiling."

Napailing nalang ako. I love you so much, Troy. Pano kung ikaw yung nag-iisang lalakeng makakasira ng ngiti ko? Napatingin ako sa wrist watch ko. Thirty minutes left, maga-ayos muna ako then I'm going to meet Miss Flirty Bitch.

**

Nakatalikod ako mula sa pintuan at pumwesto ako sa dulong bahagi ng coffee shop. Nakarinig ako ng ingay na nanggagaling sa heels ng isang babae kaya pasimple akong tumingin sa kinaroroonan nito. I rolled my eyes. She looked like a playgirl as expected.

Nang magtama ang tingin namin ay napansin ko ang pag-ngisi niya. Pagkarating na pagkarating niya sa pwesto ko ay padabog niyang nilapag ang bag niya sa mesa. "Sinasabi ko na nga bang kakaiba ang pakiramdam ko dito e." Mataray niyang sabi kaya tinaasan ko siya ng kilay. "E di sana hindi ka pumunta." Sumbat ko.

Nakakagigil sa inis, aysh! "Whatever. Kung may balak kang patayin ako. Not now, please." Sarkastiko niyang sabi at nagsimula na siyang tumingin sa kung saan-saan. "I'm trying to be nice here, Miss Tuazon. So please, makinig ka." Pigil na pigil kong sabi dahil nanginginig na ako sa inis.

History repeats itself and damn it, it occured to me. Muli ko siyang sinulyapan and I rolled my eyes. Troy fell inlove with this damn bitch. For the second time, inagawan na naman niya ako. Alam niyo ba kung kailan yung unang beses? Well, it happened two years ago, Valentine's Day.

Yes, she's the girl. I clearly remembered her face nung panahong inabutan siya ng dating manliligaw ko ng cake at bouquet. And now you can't blame me kung bakit kumukulo ang dugo ko sa isang to.

--tbc--

Wanted: Fake GirlfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon