Ciara's POV
6 years later...
Nilibot ko ang paningin ko. I missed the bustling city of Manila. Tinignan ko ang wristwatch ko. Mabuti nalang light lang ang traffic. "Goodmorning, Ma'am." Bati ng guwardiya pagpasok ko sa entrance ng Gonzales Housing Company. Napangiti ako nang makita ko ang paligid. Napakaganda ng lugar.
Pumasok ako sa elevator at pinindot ang 7th floor. Nang tumunog ang elevator ay lumabas ako agad. Nakangiti akong naglakad papunta sa floor lobby. "Please wait a while, Ma'am. Mr. Gonzales is currently on a meeting." Nginitian ko lang siya at umupo ako sa isa sa mga upuan dito sa loob.
Wala pang sampung minuto nang lapitan ako ng isang staff. "Ms. Ciara Maniego?" Mabilis akong tumayo at nginitian naman niya ako. "This way, Ma'am." Malumanay niyang sabi kaya sumunod nalang ako sa paglalakad niya. Tumapat kami sa isang malaking pintuan bago siya nag-bow at iniwan ako doon.
Pinihit ko ang seradura ng opisina at nakita ko siya doon. He's damn serious while reading some loads of piled paperworks and sketches. Natawa ako ng mahina dahil mukhang hindi niya ako napansin. Siguro kung assasin ako, paglalamayan na yan bukas.
Ginawa kong oportunidad ang pagiging busy niya para libutin ng tingin ang malawak niyang opisina. Napatingin ako sa gawi niya at naglakad palapit doon. Napansin ko naman ang paga-angat ng tingin niya. "Long time no see, Engr. Rage Gonzales." Tatawa-tawa kong sabi at umupo sa upuan sa tapat ng mesa niya.
Mabilis siyang tumayo at napailing habang tatawa-tawa. "Nakauwi kana pala, Atty. Ciara Maniego." Sabi niya at mabilis na kinuha ang desk phone para magpagawa ng kape sa sekretarya niya. "So how's life? Kamusta si Rage Jr.?" Nakangiti kong tanong sakanya pero tumawa lang siya.
"So far, so good. My little boy is doing alright." Ramdam na ramdam ko ang pagiging masaya sa boses niya. He looked so happy and proud. "Ikaw ang unang pinuntahan ko, dahil alam ko namang magtatampo ka kapag hindi diba?" Sabi ko at inilapag ang isang makapal na small envelope sa desk niya.
"I'm getting married!" Masaya kong hiyaw sakanya at wala pa sa isang iglap ay hawak-hawak niya na ang kamay ko dahil sa pagshake hands naming dalawa. Halos isang minuto kaming nagshake hands kaya hinampas ko siya sa braso. "Wag kang oa, Rage." Tatawa-tawa kong sabi kaya tumawa rin siya.
"Please be there. You're my bestman." Wika ko sakanya. Tumango siya habang nakangiti. "Ofcourse. You've attended my wedding two years ago, syempre I'll be there. You're the second to the last bride-to-be ng grupo." Sabi niya habang nakangiti.
May inilabas pa akong maliit na kulay emerald na box mula sa bag ko at inabot ito kay Rage. "Thank you for giving me this, but I don't deserve it anymore, Rage." Buong-puso kong sabi sakanya. Ngumiti siya at binuksan ang kulay emerald na box na yun at nilabas niya ang kwintas na ibinigay niya saakin noong grumaduate kami ng college.
"It's yours. I gave you that one, and I forbid you to return it." Sabi niya at umikot para makarating sa likuran ko. Isinuot niya sa akin ang kwintas kaya napahawak ako sa pendant. "It's a symbol of our unfulfilled love. Sa susunod na pagkabuhay natin, let's fulfill that one." Tumango ako sakanya habang tumatawa.
Parang kailan lang, nung mga panahong kumakaway ako sakanila dahil kailangan kong mag-aral abroad to fulfill my dreams of becoming a lawyer.
*Flashback*
6 years ago...
Mangiyak-ngiyak akong kumaway sa pitong taong naging dahilan ng pagiging masaya ko ngayon. Isa-isa ko silang niyakap ng mahigpit. "Uuwi ako sa kasal niyo ni Dana. Wag mo na ring pagselosan si Ace utang na loob." Bilin ko kay Kier at tumingin ako kay Dana. "Ayokong makarinig na magiging battered husband yang si Kier ha." Bilin ko rin sakanya kaya natawa sila nang malakas.
BINABASA MO ANG
Wanted: Fake Girlfriends
Romance[COMPLETED] The four unbiological grandsons of an elite old woman reaches the point where they are now getting uncontrolled. The elite grandma then asks them to let her meet the girls who had captured the hearts of the four young men. Scared of bein...