Dylan's POV
[PS: Kuya ni Dana ito guys.]
"Wala pa ba si Dana?" Tanong ni Papa habang nanonood kaming lima ng PBO. Napasulyap ako sa relos ko at nakita kong 8:15 PM na. Napangisi ako, 9:00 kaya yun umuuwi hahahaha. "Tito naman, di kana nasanay." Iling-iling na sabi ni Kiko. Katatapos ko lang maglaba, lintek masyado akong gwapo pero pinaglalaba nila ako.
Maya-maya ay bigla kong narinig ang pagbukas ng pintuan kaya natanggal ang atensyon ko sa pinapanood namin. "Hi Pa! Uy hi mga kuya kong pogi!" Nagkatinginan kaming apat na magpipinsan. Anong nasinghot ng isang to? "Tol, posible kayang nagdodroga na si bunso?" Bulong sakin ni Dan kaya nagkibit-balikat ako. "Sabog tol." Sumbat ko at hindi makapaniwalang tumingin kay Dana.
Hawak niya ang laylayan ng palda niya at nakangiti nang sobrang lapad. "K-k-kumain kana ba, anak?" Natawa ako sa pagkautal-utal ni Papa. Sa nineteen years na pagtira ni Dana dito, ni minsan hindi siya naging ganyan! "Anong klaseng drugs kaya tinira niyan?" Bulong ni Harry sa akin at bigla namang lumapit si Papa kay Dana.
Nakangiti parin nang malapad si Dana pero tinitigan ko nang mabuti ang mukha niya. Wala na yung bakas ng foundation at lip tint ba yon? Basta tapos yung sumbrero niya ganon parin. "Anak, masama yang ginagawa mo." Nagpigil ako ng tawa nang sabihin ni Papa yun kay Dana. "Pft." Napatingin ako kay Kiko na halos pulang-pula na dahil sa pagpipigil.
Takhang tumingin sa amin si Dana at sabay-sabay kaming tumawang apat. "MAY NAKAKATAWA BA?" Malakas niyang bulyaw sa amin kaya tumikhim ako. "Tol, nawalan na ata ng bisa yung droga." Muling bulong ni Dan kaya mas lalo akong natawa.
"Uy shit--DANA!" Sigaw ko nang muntik na akong matamaan ng binato niyang sapatos. Talaga naman! Napaka-brutal ng kapatid kong to tsk. Hindi niya ba alam na dapat di niya binabato ang mukha ko dahil ito ang pag-asa ng bayan?
Tinignan niya kami ng masama at padabog na pumasok ng kwarto. "HAHAHAHAHA!" Mamatay-matay ako sa tawa nang makapasok siya sa kwarto. Anong meron dun? Lintek. Napatigil ako sa pagtawa nang maalala ko yung ngiti niya kanina pagpasok. Kamukhang-kamukha niya si Mama kapag ngumingiti. Napatingin ako kay Papa at ganun din siya sa akin.
Woooo shet, Pa. Wag mo akong titigan ng ganyan, gwapo ako masyado para sayo. Pft. "Hindi kaya inlove si bunso?" Napatingin ako kay Kiko na kasalukuyang nag-iisip ng malalim. Napatigil ako sa pagtawa. Inlove? Si bunso? Natawa ako lalo. Sino namang lalakeng makakatiis ng ugali neto?
Kier's POV
Kinaumagahan...
"Trix!" Masaya kong sigaw dahil nakita ko si Trix na kapapasok lang sa gate. Napakamot ako sa ulo dahil mukhang di niya ako narinig. Shet, sayang kagwapuhan sa kasisigaw dito ah. "Trix, hoy!" Sigaw ko ulit pero para siyang sabog na naglalakad.
Nagulat ako nang lumiko siya ng dinadaanan kaya tumakbo ako papunta sakanya. Kakapasok niya tas lalabas ulit? "Beatrix!!!" Malakas na malakas kong sigaw kaya napatalon siya nang kaunti at tumingin sakin. "Ano ba, Kier?! Uso naman siguro bumulong lang diba?" Inis na inis niyang sabi at sinamaan pa ako ng tingin.
Tinaas ko ang kamay ko habang tatawa-tawa. "Sabog ka ba?" Takha kong tanong at tinitigan siya nang maiigi. Lintek bakit maga ang mata ng isang to? "Sumabog saan?" Napahilamos ako ng mukha ko dahil sa sagot niya. Aysh. "Wala wala! Pumasok ka na nga lang!" Sabi ko at tinulak-tulak siya papunta sa hallway ng building niya.
Pailing-iling naman siyang naglakad. "Pinagsasasabi nun? Abnormal." Rinig kong bulong niya kaya umiling ako. Ako pa talaga ang abnormal? Tsk tsk. Anong nangyari kay Trix? Napatingin ako sa may gate at ngumiti ako nang malapad nang makita ko si tomboy.
"DANA!" Sabi ko at kumaway-kaway sa kanya. Tumakbo ako palapit sakanya pero habang papalapit ako ay umiiling-iling siya at pinanlalakihan ako ng mata. Ha? Anong problema ng isang to? "Miss kita agad, tomboy. Yieeee." Tukso ko sakanya at naramdaman ko nalang na sobrang sakit ng braso ko dahil sa diin ng pagkakakurot niya.
"ARAY! Ano bang problema!?" Irita kong sabi pero hinila ko siya para akbayan. Iba talaga kasweetan netong babaeng to. Nagpupumiglas siya sa pagkakaakbay ko kaya mas lalo kong hinigpitan. Pft hahahaha-- "Dianara Gomez." Napabitaw ako sa pagkakaakbay nang may marinig akong boses ng lalake sa likuran.
Nang tumingin ako doon ay napalunok ako nang makita yung pinagselosan ko noon na kapatid pala ni Dana. "Sino siya?" Seryosong-seryoso siyang nakatingin sa akin. Lintek, nakakatakot naman tong kuya ni Dana! "U-uh Kuya e teacher ko siya sa Accounting. Ang bata noh?" Dire-diretsong palusot ni Dana at siniko ako. "Diba sir?" Sabi niya sakin at nameke ng tawa. Napailing nalang ako. Panigurado namang hindi maniniwala kasi naka-uniporme ako.
Lumapit ako sa Kuya niya at nilahad ang kamay ko. "Kier Velasco, bro. Manliligaw ni Dana." Pagpapakilala ko. Tinignan naman niya si Dana at sunod niyang tinanggap ang kamay ko. "Lima ang lalake sa buhay ni Dana." Seryoso niyang sabi kaya napatingin ako kay Dana sa likuran.
Pulang-pula ang mukha niya habang nakayuko. "Anong ibig mong sabihin, bro?" Tanong ko ulit pero tinignan niya ako nang masama. "Hindi kita kapatid." Aray, lintek. Sirang-sira na ang pangalan ko. Pasalamat tong tomboy na to at mahal na mahal ko siya. "May dalawa siyang kapatid na lalake, may dalawang pinsang lalake at si Papa." Muling nagsalita yung Kuya niya.
Pakshet kaya naman pala lalake na kumilos tong si Dana! "At alam mo ba kung anong ibig sabihin non?" Tanong ng Kuya niya pero this time nakangiti na. Lintek, kamukhang-kamukha nga siya ni Dana! "Limang lalake ang papatay sayo kapag sinaktan mo si Dana." Sabi niya at tinapik ako sa likod bago tuluyang umalis. Napatingin ako kay Dana.
Lumapit siya sa akin at hinampas ako nang pagkalakas-lakas kaya napaubo ako. Ang bigat ng kamay niya! Mukhang mali yung kuya ni Dana e. Kasi kapag sinaktan ko si Dana, mukhang si Dana mismo ang papatay sa akin. So kung papatayin rin ako ng mga Kuya niya, double dead na yon.
Ang macho kong katawan, shet. Nginitian ko si Dana at pansin ko naman ang pagsalubong ng kilay niya. Inakbayan ko siya at pasimpleng hinalikan sa noo. Mukhang hindi ako mapapatay ng mga Kuya niya o ng tatay niya. Kasi in the first place, wala akong balak saktan siya.
--tbc--
BINABASA MO ANG
Wanted: Fake Girlfriends
Romance[COMPLETED] The four unbiological grandsons of an elite old woman reaches the point where they are now getting uncontrolled. The elite grandma then asks them to let her meet the girls who had captured the hearts of the four young men. Scared of bein...