Dana's POV
*ring ring*
Pinagsalubong ko ang kilay ko at tumingin sa cellphone ko. Sino ba tong lecheng to, nambubulabog ng tulog? Agad kong sinagot ang tawag ni Celes. "Ano!?" Inis kong sagot, ang aga-aga nambubulabog! ["Woah, hahahaha meron kaba ngayon, Dana dear?"] Tawang-tawa niyang bungad sa kabilang linya. Agad kong pinatay ang tawag. Nahahawa na to dun sa unggoy na yun e, palibhasa kasi jowa niya yung kaibigan ng unggoy.
Maya-maya pa ay nag-ring ulit ang cellphone ko at sunod ko naman nakitang tumatawag si Trix. "Oh?" Bungad ko dahil antok na antok ako. ["Punta tayo bahay nila Troy!"] Tuwang-tuwa niyang sabi. Napairap ako. ["Dali na, Dana. Magg-grocery muna tayo, bibili kaming pagkain--] Kumulo agad ang tiyan ko dahil sa sinabi niya. "Sure!" Masaya konb bati at pumasok sa CR para maligo.
**
"Op, op, op! San punta, bunso?" Napatingin ako kay Kuya Dan na kasalukuyan nasa pintuan at akmang sasarhan ako ng pinto. Tumalikod ako at laking gulat ko nang nasa likuran ko lang pala si Kuya Harry. Hinawakan niya ang pisngi ko at nagulat ako nang samaan niya ako nb tingin. "Kailan ka pa gumamit ng found--" Tinakpan ko ang bunganga niya at hinila sila palabas ni Kuya Dan.
Sumilip pa ako sa screen door kung may iba pang tao bukod samin at buti nalang wala. "Kuya, please wag mo susumbong kay Papa huhuhu." Pagmamakaawa ko. Pinagdikit ko pa ang dalawang palad ko. Malilintikan ako neto e huhuhu. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Kuya Dan. "Bakit ka ba kasi gumagamit niyan?" Tanong niya sa akin kaya yumuko ako. "May boyfriend ka?" Sunod na tanong ni Kuya Harry kaya agad akong umiling nang paulit-ulit.
"Eh kuya, g-gusto ko lang naman maranasan maging maganda." Malungkot kong sabi kaya nagkatinginan sila. "Maganda ka naman ah?" Sabi ni Kuya Dan. "Anong maganda? Gwapo yan, tol." Lumagapak silang dalawa sa sinabi ni Kuya Harry kaya sabay ko silang binatukan. "Aysh, nakakainis kayo! Dyan na nga lang kayo!" Iritang-irita kong sabi at lumabas na ng bahay.
Bakit ba kasi puro lalake kasama ko sa bahay, aysh. Nang dumaan ako sa kanto ay agad kumaway sa akin ang mga nag-iinuman. Kumaway rin ako at lumapit sa kanila. "Umagang-umaga nag-iinuman na naman kayo!?" Bulyaw ko habang nakapamaywang. "Uy, Dana! Hahaha tara inuman." Yaya sakin ni Mang Jud at inabot sa akin ang isang bote ng gin. "Nako, iwas tayo dyan, Mang Jud. Bahala kayo kung mamatay kayo ng maaga dyan ha." Pang-aasar ko at tinaas na ang kamay ko para magpaalam. Narinig ko naman ang pagligpit nila ng mga bote. Pft, minsan talaga nauuto ko sila hahahahaha.
Kier's POV
Tarantang tumakbo galing sa loob ng kwarto si JV at halos madapa siyang makarating sa amin. "Lintek, ano bang trip mo?" Inis kong sabi at inilipat-lipat ang channel sa TV. "Nasa gate sila!" Hiyaw niya at sinabunutan ang buhok niya.
"S-sinong bisita?" Napatingin ako sa may hagdan at andoon si Ara habang kinukusot ang mga mata galing sa tulog. "Yung apat!" Sigaw ni JV kaya agad kaming napatayo ni Troy. Tumakbo ako nang mabilis papunta kay Ara at tinulak-tulak siya papasok ng guest room na kasalukuyan niyang pinagtutulugan. Sakto namang pagbukas ng malakas ng pintuan at huli kong nasulyapan ang nakabusangot na mukha ni Dana.
*Flashback*
"Bantayan niyo si Ara. May pupuntahan lang ako." Sabi ni Rage at isinuot ang itim na jacket niya. Napatingin ako sa orasan. Alas syete palang ng umaga, sabado naman, saan kaya punta neto? "Wag kayong magbubukas ng pinto, wag kayong lalabas ng bahay." Strikto niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Wanted: Fake Girlfriends
Romance[COMPLETED] The four unbiological grandsons of an elite old woman reaches the point where they are now getting uncontrolled. The elite grandma then asks them to let her meet the girls who had captured the hearts of the four young men. Scared of bein...