Rage's POV
Napapikit ako sa sobrang bigat ng katawan ko. Lintek, ano bang problema sa katawan ko? Maba-baldado ata ako e. Hindi ko magawang makamulat nang maayos dahil pakiramdam ko hinang-hina ako. Puta kasalanan to nung dalawang ugok e. Kung di nagpadalos-dalos e di sana kasama ko si Ciara ngayon.
"Ayoko yung tipong bad boys. Yung kasali sa gang war at yung umiinom at basagulero. Their annoying."
Napasabunot ako sa buhok ko nang marinig ko na naman bigla yung sinabi ni Cia sa akin. Kagabi ko pa naririnig yun, lintek. Nasisiraan na ata ako ng ulo. "AHHHH!" Malakas kong sigaw dahil lintek para talagang sirang plakang paulit-ulit sa tenga ko.
Maya-maya pa ay nakarinig ako ng pagbukas-sara ng pinto mula sa ibaba. Kahit hirap na hirap ay pilit akong tumayo at iika-ikang naglakad palapit sa pinto. Medyo madilim sa kwarto ko ngayon dahil tinakpan ko lahat ng bintana. Unti-unting bumukas ang pintuan ng kwarto ko kaya ginawa ko itong oportunidad para hilain at kornerin ang lalakeng--teka, babae to ah.
"Bakit ang init mo?" Napabitaw ako sakanya nang mabosesan ko siya. Agad akong bumalik sa pagkakahiga at nagkumot. "Hey, Rage. It's me." Kinalbit niya ako. Shit, bakit andito siya? Paano niya nalaman tong address ng bahay namin? Unti-unti kong tinanggal ang kumot at pilit akong umupo. Umiwas pa ako ng tingin para hindi niya mapansin yung mga pasa ko.
"Bakit andilim ng kwarto mo?" Sunod niyang tanong. Napatigil ako, shit. Papunta na siya sa may bintana pero agad ko siyang sinigawan. "Wag mong buksan yan!" Sigaw ko, pansin ko namang nagulat siya. Shit, sorry, Cia.
"Ayoko yung tipong bad boys. Yung kasali sa gang war at yung umiinom at basagulero. Their annoying."
Lintek! Kanina pa paulit-ulit yan ah! Nanlalaki ang mga mata ko nang lumiwanag ang kwarto ko. Aysh. "Pasaway." Iling-iling kong sabi. "Hindi ah. Sabi mo wag kong buksan yung bintana. Ayan, ilaw ang binuksan ko, hindi bintana-- pero, anong nangyari sayo?" Napatunganga ako. Twenty-words, damn! Pinakamahabang nasabi ni Cia simula nang magkakilala kami!
Ciara's POV
Isang minuto na akong nakatitig sakanya pero kanina pa siya bumubulong ng twenty. Anong meron sa twenty? Aysh, this guy is really annoying. Saan niya nakuha yung pasa niya. Is he-- perhaps, is he one of the bad guys? Aysh, hindi. I trust him. "Anong nangyari dyan?" Muli kong tanong. What if he's a bad guy? Lalayuan ko ba siya?
"Ah eto. K-kahapon kasi, may n-nakaaway sina Troy, and tumulong ako... since dehado sila." He explained. I looked deeply into his eyes. Okay, he's not a bad guy, Ciara. "So you're not a bad guy?" Paniniguro ko. He helped his friends so I consider it as a good deed, instead.
"No." He assured me. Gumaan ang loob ko. Mabuti naman. Maya-maya ay pansin ko ang pamamawis niya kaya hinawakan ko ang noo niya. "Ang init mo. Bakit basang-basa ka ng pawis?" I asked, at sumulyap sa aircon na kasalukuyang naka-16 degrees. Malamig naman sa kwarto niya. "Gusto mo bang pumunta tayo sa ospital?" Nag-aalalang tanong ko.
"Wag, I can handle." Hirap niyang sabi. Pinilit ko siya para sumang-ayon siyang magpunta sa hospital but he refused. Aysh, what to do. Nagpaalam ako sa kanya at agad lumabas at pumunta sa pinakamalapit na shop. Bumili ako ng instant soup at nagdrop by ako sa pharmacy para bumili ng gamot.
Niluto ko agad yung instant soup at agad umakyat pabalik sa kwarto niya. "Eat this. Sorry, hindi ako marunong gumawa ng soup kaya... uhm bumili nalang ako ng instant soup." Nakayukong sabi ko. Tahimik naman siyang kumakain pero napapansin ko ang madalas niyang pagngiti. What the hell is wrong with this guy?
Pinainom ko siya ng gamot at agad akong kumuha ng mini towel sa cabinet niya at nagready ng maligamgam na tubig. Ganito yung napapanood ko sa mga kdrama na kinaaadikan ni Celes e. "Take off your clothes, Rage." Mahinang bulong ko. Napabalikwas agad si Rage at napansin kong nanlalaki ang mga singkit niyang mata. "Cia naman--" I mentally slapped myself. Bakit ba kasi hindi ko nililinaw?
"Take off your shirt. Pupunasan ko para bumaba ang lagnat mo." Paglilinaw ko pero ramdam ko ang pag-iinit ng buong mukha ko. It's embarrassing. Aysh.
Rage's POV
"A-ah! Ha-ha! Okay." Utal kong sabi. Shit, nahahawa ako sa kamanyakan ni JV. Hindi talaga ako didikit muna sa gagong yun. Nadadamay ako sa karumihan ng utak niya. Akmang tatanggalin ko na ang shirt ko nang biglang nanghina ulit ako. Lintek, ano bang problema sa katawan ko?
"Here, let me help." Sambit niya at tinulungan akong magtanggal ng damit. Damn, damn! Ramdam na ramdam kong umiinit ang paligid ko. Sira ba yung aircon? Shit. Shit. Rinig na rinig ko ang malakas na tibok ng puso ko. Lintek, naririnig kaya niya? Pumikit nalang ako dahil hindi ko alam kung anong ire-react ko.
Pinunasan niya muna ang mukha ko bago ang braso ko. Minulat ko ulit ang mukha ko nang wala na akong maramdamang pagdampi ng twalya sa katawan ko. "Tapos naba?" Hinang-hina ako habang nagtatanong. Nakatingin naman sa ibang direksyon si Cia at pinapaypayan ang mukha niya. Napangiti ako, she's cute.
Agad kong kinuha ang twalya sa kamay niya at ako na mismo ang nagpunas ng pawis sa bandang tiyan ko. Umupo ako nang bahagya para punasan ang likuran ko pero inagaw niya yung twalya. "I can handle this one, uhm sa likod." Ramdam kong nahihiya na rin siya pero hindi ko maiwasang mapangiti.
Sa buong buhay ko, ngayon lang may babaeng gumawa sa akin ng mga bagay na to. "Napaano ito?" Lumingon ako sakanya nang bahagya. "Yung alin?" Tanong ko. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa mababang bahagi ng batok ko. "A scar." Sabi niya. Napatigil ako, nakuha ko yang peklat na yan nung huling nakipaglaban ako nang seryosohan. Four years ago, nasaksak ako sa likuran.
"It was fo--" Napatigil ako sa pagsasalita. "Ayoko yung tipong bad boys. Yung kasali sa gang war at yung umiinom at basagulero. Their annoying." Pumikit ako. Sorry kung magsisinungaling ako ulit ngayon, Cia. Ayokong lumayo ang loob mo sakin. Ayokong aminin na masama akong tao. "Bata pa ako nang makuha ko yan, f-family matters." Pagsisinungaling ko. Agad kong kinuha ang nakalapag na sando sa tabi ng kama ko at sinuot ito.
"Magpahinga kana muna. I won't attend my class this afternoon. Nasa baba lang ako. Hindi ako aalis." Nakangiti niyang sabi at nagsimulang maglakad palabas ng kwarto. Pinikit ko ang mga mata ko. Kapag ba nalaman mong basagulero ako, hindi ka parin aalis? Bumigat ang talukap ng mga mata ko. And I fell asleep.
**
Pagkamulat ko nang mata ko at sobrang lapit ng mukha niya sa akin. "Okay kana ba?" Napaka-simple niyang babae. Para siyang anghel na hinulog ng langit para sa isang demonyong kagaya ko. Cia, magugustuhan mo ba ako kapag nalaman mong isa akong masamang tao? Basagulero? Sumasali sa gang war? Kumirot ang dibdib ko.
Fuck, love. Bakit nagiging mahina ka? "Thank you." Tanging nabanggit ko. Ngumiti naman siya sa akin. Umupo ako saglit. At that moment, hinawakan ko ang mukha niya. Unti-unting naglapit ang mga mukha namin. Pumikit siya dahil isang sentimetro nalang ang layo ng mga mukha namin.
Pagkapikit na pagkapikit ko ay-- "RAGE! May dala kaming gamot!" Nanlalaki ang mga mata ni Cia at tarantang tumayo. Sakto namang nagbukas ang pintuan ng kwarto ko. Lintek na Kier to! Nauna si Kier na pumasok at sumunod si JV at Troy.
"Oh, Cia! Andito ka pala--" Napatigil si Kier bigla kaya tumingin ako kay Cia na nakataas ang kilay. "Wala ako dito. Picture ko lang to. Mauuna na ako, Rage." Paalam niya sa akin at dire-diretsong lumabas ng kwarto ko.
Napatingin ako kay Troy at winagayway niya ang kamay niya bilang pamamaalam. Si JV naman ay nakangisi sa akin kaya binato ko siya ng unan. Sunod kong tinignan nang masama si Kier. Napakamot siya nang ulo habang bumubulong. "Lintek, bakit kanina pa ako pinagkakainitan niyang si Cia? Where did I go wrong?" Pag-iinarte niya kaya pinikit ko ang mga mata ko. Pagkapikit na pagkapikit ko ay mukha ni Cia ang nakita ko. I smiled, I must have been inlove.
--tbc--
BINABASA MO ANG
Wanted: Fake Girlfriends
Romans[COMPLETED] The four unbiological grandsons of an elite old woman reaches the point where they are now getting uncontrolled. The elite grandma then asks them to let her meet the girls who had captured the hearts of the four young men. Scared of bein...