Rage's POV
Maaga kong sinundo si Cia kanina dahil sabi niya kailangan niya pang mag-review dahil may debate sila mamaya. Kahit napaka-conscious niya sa sarili niya, di niya pinapabayaan pag-aaral niya. Political Science ang kurso neto e. Baka may balak maging abogado. Tapos ipaglalaban niya yung karapatan niya sa akin. Yieeee.
Fuck, ang bakla. Damn, hindi ko man masyadong pinapahalata pero gusto ko si Ciara. Kahit hindi niya ako iniimikan lagi dahil para sakanya masasayang ang boses niya sa pakikipag-usap. Hays. Silent type siya, wengya. Bakit ba kasi hindi siya kasing daldal ni Trix? O kasing brutal ni Dana? O kaya naman kasing lakas ng trip ni Celes?
Aysh, sana hawaan naman nila tong si Cia ng kadaldalan. "If you wanna say something, tell me. As they say, staring is rude, Rage." Nakaramdam ako ng kiliti sa puso ko nang tawagin niya ang pangalan ko. Shit shit shit, kinikilig ako. Takte, hindi naman siya yung unang babaeng nagustuhan ko pero siya yung kakaiba.
Lintek, natatahimik ako pag si Cia ang katapat ko e. Pero hindi rin naman awkward. "Uhm, anong ayaw mo sa isang tao, Cia?" Tanong ko, ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng tenga ko. Napahinto siya sa pagbabasa at tumingin nang diretso sa mga mata ko. Wengya, bakit ganito tumingin tong isang to?
Magpaturo kaya ako ng pagpapacute kay JV? Ay wag, tsk, manyak yung isang yon baka iba maturo sakin. E kay Kier kaya? Teka, ano namang ituturo nun? Kabulastugan? Aysh. Shit, si Troy, papaturo nalang ako mamaya. Lover boy yun e. Pft.
"Hmm, lahat naman tayo ayaw sa masasamang tao." Sumbat niya at nagpatuloy ulit sa pagbabasa. Woooo, ayos! Hindi naman ako masamang tao, di kaya ako kriminal. Nakikipagbugbugan lang ako at umiinom ng onti pero di ako pumapatay mga pare. "Ayoko yung tipong bad boys. Yung kasali sa gang war at yung umiinom at basagulero. They're annoying."
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Ibig sabihin ayaw niya sa tulad ko? Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Katangian ko ang sinabi niya. "Aren't you one of those?"
Ciara's POV
"Aren't you one of those?" Tanong ko at kabadong tumingin sakanya. Please say no. "Hindi ah!" He smiled upon answering my question. Tumango lang ako pero sa loob-loob ko kulang nalang magwala ako. Gusto ko si Rage. Sweet siya in many ways. Halos araw-araw nga sinusundo niya ako sa bahay.
And uhm, we've been having dinner together. Aysh, nag-iinit yung mukha ko. "Okay ka lang ba?" And there he goes again. Nagkatinginan kami nang hawakan niya ang pisngi ko. "Uh oo, punta na ako sa building." Paalam ko dahil magkaiba kami ng course since pol sci ako while engineering naman sila ni Troy.
JV's POV
"Agh!" Hiyaw ko nang makaramdam ako ng matigas na bagay na hinampas sa likuran ko. Lintek! Umubo ako at dugo ang agad na lumabas. P*tang*na! Kanina pa ako nakakatanggap ng sipa, suntok at mura tapos ngayon gumamit sila ng tubo!?
Napatingin ako sa paligid. Medyo madilim na ang paningin ko pero sigurado akong nasa sampu silang lahat. Napatumba namin kanina halos kalahati sa kanila pero agad silang nakabangon. Nasa lumang classroom kami at nakikita ko rin ang mga estudyanteng nanonood sa labas ng classroom na to. "Fuck!" Napasubsob si Troy dahil sa lakas ng pagtama ng tubo sa sikmura niya. Kumpara sa akin ay mas sobra ang pagkakabugbog kay Troy.
Tangina! Nauto nila kami. Papasok na kami ni Troy sa eskwelahan pero biglang tumawag si Steve sa akin at sabi nakuha nila si Rage at Kier kaya pinaharurot namin ni Troy ang motorsiklo ko dahil sa sobrang taranta. Lintek! Bakit ba hindi ko naalalang matalino si Rage pagdating sa mga ganito.
Nakita kong papalubog na ang araw. Lintek, alas otso pa kami andito ah? Dito naba kami mamamatay? Isusumpa ko talaga yong Rage na yon, hindi manlang kami pinuntahan ng gago.
Sa isang iglap ay tumayo ulit ako at pinatumba ang dalawa pang lalake. Narinig ko ang tawa ni Steve. "Ang hina niyong dalawa, mga gago." Nakangising sabi niya sa amin ni Troy. Mas ngumisi ako nang magkatitigan kami. "Mas mahina ka, kinailangan mo pa talaga ng isang dosenang kasama para bugbugin ako?" Pang-aasar ni Troy sakanya.
Kaaway siya ni Rage. Magkakaibigan sila noon, tatlo sila. Si Rage, si Steve at si Cyrus. Sa di inaasahang pagkakataon, napasabak sila nun sa bakbakan, tas nagkaroon ng maruming labanan, nasaksak si Cyrus, namatay. Kaya tumaliwas si Rage sa grupo nila at nagsolo na. Sa pagkakaalam ko kasi tinraydor sila ni Steve. Hindi ko alam kung anong nangyari kasi masyadong maselan yung topic para kay Rage.
Simula nun, hindi na namin binabanggit ang pangalan ni Cyrus. It's been four years simula nang mamatay si Cy. Natigil ako sa pag-iisip kay Cy nang biglang may tumakbong lalake dito sa loob, lintek. Nasa lumang classroom kami ng eskwelahan nila. Wala bang pakialam mga teachers dito?
"Steve! Si Supremo paparating." Sabi niya kaya napangisi ako. Pinikit ko saglit ang mga mata ko nang makaaninag ako ng pigura ng lalake na sumipa nang pagkalakas-lakas sa pintuan. Napanatag ang loob ko. Sinipa ako ni Troy kaya napamulat ako ng mata. "Gago, ma-madami sila. T-tulungan natin si Rage." Kahit hinang-hina ay ramdam kong inis siya sakin. Pft.
Yung tinawag nilang Rage ay si Supremo. Yan ang tawag nila noon sakanya dahil yun ang gamit niyang pangalan. Nakarinig ako ng tadyak, sipa, sigaw, pamimilipit at kung anu-ano pa kaya hindi ko pinakialaman ang pinagsasasabi ni Troy. "Para ano pa at naging leader siya ng gang noon? Leave it to the bad boy." Cool kong sabi dahil antok na antok na ako.
Wengya, napagod ako dun ah. Nagising ako nang may nambatok sa akin. Galit na galit si Rage na nakatingin sa akin. Nakatayo na si Troy sa likuran niya at mukhang sumabak rin sa rambulan kanina. Tumingin ako sa paligid. "Woah, tulog lahat!" Tatawa-tawa kong sabi. Ibang klas talaga-- "Baka gusto mong matulog panghabam-buhay?" Napansin kong may mga pasa rin si Rage sa mukha pati sa braso. Pft. Bagay na bagay sakanya ang pangalan niya, raging anger amp.
Highblood talaga hahahahaha. Bagay sila nung si Cia e, pareho silang madalas magsungit. "Kanina ko pa yan ginigising. Leave it to the bad boy." Panggagaya ni Troy sa sinabi ko kanina kaya minura ko siya siya utak ko. Lintek na to, kahit kailan talaga.
Napatingin si Rage sa relos niya. "Tara na, tapos na class hours." Sabi niya at sabay-sabay kaming naglakad papunta sa labas ng gate ng Sinbad University. Lintek na yan, walang pakialam mga teachers dito. Napansin ko pang nakatingin sa amin ang mga estudyante kaya wala akong ibang ginawa kundi kumaway sa mga babae.
Woooo lintek. Daming chix dito, sana mabugbog ulit ako pft biro lang, sayang kagwapuhan. Pagkarating namin sa labas ay nagulat ako dahil iisa lang ang motorsiklong andon. "Troy, asan yung ginamit natin kanina?" Takhang tanong ko at tinuro naman ni Rage ang isang motorsiklong nagmistulang leggo dahil nagkapira-piraso.
"Paano tayo uuwi?" Tanong ko. Narinig ko ang pagpipigil ng tawa ni Troy. Tinignan naman ako nang matalim ni Rage, wooooo! Yan na nga ba ang kinatatakutan ko e, sa sobrang gwapo ko mukhang bumibigay na si Rage sakin amp! "Ang tanong, paano KA uuwi? Troy, tara." Sabi ni Rage at pinaharurot ang motor palayo. Lintek! Magtutuos tayo mamaya, Troy.
--tbc--
BINABASA MO ANG
Wanted: Fake Girlfriends
Romance[COMPLETED] The four unbiological grandsons of an elite old woman reaches the point where they are now getting uncontrolled. The elite grandma then asks them to let her meet the girls who had captured the hearts of the four young men. Scared of bein...