Celestine's POV
1 year later...
"Ayan na naman eh! Lagi nalang! Isang taon na siyang ganyan ah! Andyan na naman yang asungot na yan!" Mabilis na binatukan ni Dana si Kier. Natatawa akong tumingin sa kanila kasabay ng pagsandal ko sa balikat ni Jake. "Hi, bes!" Inis na umupo si Kier dahil kumaway pabalik si Dana kay Ace.
Inalis ko ang atensyon ko sakanila at tumingin sa lalakeng katabi ko. Tumingin siya sakin kaya napangiti ako. Hindi ko inexpect na mapapalapit ako sa lalake, na magmamahal pa ako. Because I'm really the type of a girl na takot magtake ng risk. Takot akong magmahal dahil takot akong masaktan. And I never trusted any man the way I am trusting the playboy, Jake Victor Torres right now.
My dad's absence has taught me never to be dependent on a man. Although life has been hard and I have dealt with many issues as a result of my father's absence, I feel that I am a stronger woman because of it. At hindi ko pinagsisisihan na napalapit ako kay Jake. Kahit all this time, may mga pagkakataong tinatablan ako ng selos dahil madaming babaeng lumalapit sakanya, I learned to trust him.
He's my man. I don't want anyone buzzing around him. Because he is my man. And I'm going to be his only woman for the rest of his life.
Dana's POV
"Una nako, bes. Thank you pala." Sabi ni Ace sa akin at kumindat pa bago tuluyang makaalis. Natawa ako, tignan mo yun. Wagas mang-asar kay Kier pero torpe naman pagdating sa babae. "Oh ano namang pinag-usapan niyo? May pakindat-kindat pang nalalaman." Napalingon ako sa unggoy na nakabusangot sa tabi ko kaya napangiti ako.
Kahit talaga napaka-nakakainis ng ugali ng isang to, hindi ko maidedeny na laging andun yung mabilis na tibok ng puso ko kapag malapit siya sa akin. "Wag ka nga, kinikilig ako." Pang-aasar ko sakanya. Wala pa sa isang segundo ay tinignan niya na ako nang matalim. "Crush mo na siya? Pagpapalit mo na ako?" Binatukan ko siya dahil kung anu-ano na namang katarantaduhan ang naiisip.
"Tarantado!" Inis kong sigaw sakanya. "Bakit moko minumura? Minura ba kita?" Nakakunot-noo niyang sabi. "Bakit nung minahal kita, minahal mo rin ba ako?" Biro kong sumbat sakanya pero nagulat ako nang tignan niya ako nang seryoso.
Napaka! Ang sarap talagang tuktukan ng isang to! Mukhang di na naman niya gets yung-- "Hindi kita minahal kasi past tense yun. Minamahal kita." Ngayon ay nakangiti na siya nang malawak. Umiwas ako ng tingin habang tumatawa. "Kinikilig ka na naman, tomboy ha. Wag kang kiligin sa kapwa mo lalake--" Inis ko siyang binatukan at akmang tatayo na ako pero hinila niya ako sa isang yakap habang tumatawa. "I love you, one two three, love." Pabulong niyang sabi kaya napangiti na rin ako habang tumatawa. "I love you, four five six, love."
Beatrix's POV
Napalingon ako sa lalakeng nakahiga sa lap ko. Napaka-seryoso talaga ng mukha ng isang to. Hahahahaha. Konting tiis nalang, lalagpasan na namin ang kolehiyo. Matutupad ko na ang pangarap kong maging flight attendant after pa ng ilang taon.
Napatitig ako sa ilong niyang matangos. Sa labi niyang napaka-perpekto. Ang lalakeng pinagkakaguluhan simula pa noon pero hindi niya magawang tumingin sa iba dahil committed lang ang puso niya kay Gianella. Napangiti ako, kahit gaano namin kinaiinisan ni Gia ang isa't-isa, thankful parin ako dahil natuto siyang mag-let go.
Siguro kung hindi siya naging understanding, siguro nasa bar na naman ako ngayon at nagpaparty-party. From a party girl to a loyal one. Gusto kong tapatan ang loyalty ni Troy. Nabigla ako nang imulat niya ang mga mata niya.
Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti ako pabalik. "Goodmorning bebe Troy." Tatawa-tawa kong sabi kaya sumimangot siya. Iritang-irita kasi siya kapag tinatawag ko siyang bebe. Pft hahahaha. "I love you, Troy." Mabilis kong sabi at naramdaman ko naman ang paghawak niya sa kamay ko. "Pagkatapos ng graduation, marami nang pwedeng mangyaring hindi natin aasahan. Could you promise me one thing?" Mahinahon niyang sabi kaya nanatili akong tahimik para pakinggan siya.
"Pwede bang hawakan mo yung kamay ko ng mahigpit. Wag mong bitawan. Wag kang umalis. Wag kang magsawa. Wag kang mapagod. Sakin ka lang, dito ka lang." Seryosong-seryoso siya habang nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko habang tumatango. Tumayo siya at niyakap ako nang mahigpit. "I never thought na mapapantayan ko si Gia sa buhay mo." Pag-amin ko sakanya.
"To be honest, hindi mo siya napantayan." Napabitaw ako sa yakap niya dahil sa sinabi niya. Para akong nabingi kaya natahimik ako saglit. Umangat ang tingin ko sakanya pero nakangiti siya nang malawak sakin. "Hindi mo siya napantayan, kasi nahigitan mo siya."
Ciara's POV
Itinapon namin sa ere ang mga graduation hats namin at sabay-sabay na humiyaw. Nagyakapan kaming magkakaibigan bago nagpunta sa mga pamilya naming nakaabang. Niyakap ko si Mom and Dad. "We're proud of you, sweetie." Nakangiting banggit ni Mommy. "Kung andito lang si Cyrus, I know he would be proud." Hindi nakatakas sa paningin ko ang luhang kumawala sa mata ni Daddy.
Napatingin ako sa maliwanag na langit dahil sa ilaw na nanggagaling sa mga buwan at bituin. "Can I borrow your daughter, Sir, Madame?" Napatingin ako sa lalakeng magalang na nakikipag-usap sa mga magulang ko. Tumango si Dad samantalang nakangiti naman si Mom.
Hinila ako ni Rage papasok sa sasakyan niya. "Where are we going?" Nakangiti kong sabi sakanya pero ngumiti lang siya at binuksan ang maliit na toolbox ng sasakyan niya at inilabas ang isang kulay emerald na box. Binuksan niya ito at napahawak ako sa bibig ko nang makita kong silver infinity pendant necklace siya.
Tinanggal niya ito mula sa lalagyanan at isinuot sa akin. "Happy graduation, my future lawyer." Nakangiti niyang sabi saakin. "Sinasagot na kita." Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. Napatakip ako ng tenga habang tatawa-tawa dahil sa lakas ng pagsisisigaw niya sa loob ng sasakyan. "Happy graduation, my future engineer." Nakangiti kong sabi sakanya.
**
"Bro, kami na ni Ara."
Namula ako kahit gabing-gabi na at nanatiling nakakapit sa braso ni Rage. Nandito kami sa sementeryo, sa mismong puntod ni Kuya. Gulat na gulat nga ako nang dito kami magtungo dalawa. Ang creepy kasi ng paligid.
Tumingin lang ako nang tahimik sa puntod at lihim na napangiti. Thank you, Kuya. Dahil sayo, nakilala ko si Supremo--si Rage. "Tutuparin ko ang pangakong iniwan mo tol. Dalawang pangako pala ang matutupad ko. Papakasalan ko ang kapatid mo, at poprotektahan ko siya hanggang sa huling paghinga ko." Pagkasabi niya ng mga salitang yon ay lumamig ang paligid kaya napagdesisyonan na naming umuwi dahil may handaan kami as one.
Nang makarating kami sa venue ng hotel dahil dito napagplanuhan ang blowout naming walo ay napakarami nang tao sa loob. Sabay kaming nakangiting pumasok ni Rage at pinuntahan ang direksyon nila Kier.
Walo kami ngayong nakaharap kay Lola Pats na kanina pa inaabutan ni JV ng tissue. "Lola naman, graduation namin ngayon, hindi burol." Napakamot ng ulo si Kier habang sinasabi yun kaya ngumiti ako. "Alam ko, tanga." Lumagapak kaming pito nang tawa dahil sa pambabara ni Lola Pats.
"Natutuwa ako dahil wala na akong sakit ng ulo." Panimula niya habang nakatingin sa apat na ugok. "Salamat sa inyong naggagandahang mga babae dahil alam kong dahil sa inyo, nagtino kahit konti yang mga tarantado kong apo." Nakangiting sabi ni Lola Pats kaya niyakap namin siya lahat.
Napatigil kami sa pagyakap nang muling magsalita si Lola Pats. "Rage, Kier, JV at Troy. Magpasalamat rin kayo sa mga bondpaper na pinagmukha kayong tanga." Kahit hindi ko gets ay napatingin ako sa mga lalakeng kasama namin na ngayon ay namumula na dahil sa sinabi ni Lola.
Nagkatinginan kami ni Celes. Anong bondpaper ang sinasabi ni Lola?
--tbc--
A/N: Omg guys, naiiyak ako huhuhuhu. Sobrang lapit na magtapos like mga two chapters nalang huhuhuhu. Thank you sa support niyo ha? Inspirasyon ko kayo! Anyway, kung di niyo maalala yung bondpaper thingy, balik kayo sa prologue hahahaha. ❤️ Thanks ulit sa support! Lovelove!
![](https://img.wattpad.com/cover/76648878-288-k254323.jpg)
BINABASA MO ANG
Wanted: Fake Girlfriends
Romance[COMPLETED] The four unbiological grandsons of an elite old woman reaches the point where they are now getting uncontrolled. The elite grandma then asks them to let her meet the girls who had captured the hearts of the four young men. Scared of bein...