Pahina 12: Highblood

363 4 0
                                        

Troy's POV

Text Message: From Babe ❤️
    I miss you.

Lintek. Isang "i miss you" lang niya, nawawala na yung inis ko. Agad ko naman siyang nireplyan ng "i miss you, too". Wala na atang papantay sa pagmamahal ko sa babaeng to. Ibinaba ko ang cellphone ko nang maaninag kong may kumakaway sa akin. Si Beatrix. "Hi, Troy! Bakit andito ka sa building namin?" Tanong niya. Nginitian ko siya nang kaunti at sumulyap ako sa relos ko. "Lunch time na, nadaanan ko building mo kaya inantay na kita. Tara na, nag-aantay na sila." Sabi ko sakanya. Naging magkaibigan kami dahil sa gabing yun.

Wala naman sigurong masamang makipagkaibigan sakanya. Mabait naman pala to kahit maraming lalakeng pinagkakainteresan. Wala namang rason para sungit-sungitan ko siya. "Okaaaay! Tara na, pinapakilig mo na naman ako." Natatawang sabi niya at pinulupot ang kamay niya sa braso ko. Kahit kailan talaga hahahaha.

Nasanay na ako sa pagiging clingy niya, hindi na rin ako naiinis kasi nasanay na akong lagi ko siyang kasama. Sa lahat ng babaeng playgirl, para sakin, siya yung tipong dapat nirerespeto parin. Pagkarating namin sa cafeteria ay agad kong nakita sina Ciara, Rage, Kier, JV at Celes na nag-aantay sa isang table kaya nagtungo kami don.

Naging magkakaibigan na rin kaming walo pero teka, asan yung si Dana? "Hindi niyo ba kasama si Dana?" Takhang tanong ni Trix at tuluyan nang umupo. Umupo rin ako sa tabi niya at sumulyap sa paligid pero walang anino ng dalawang hinahanap namin. "Hindi pumasok yun sa klase." Naguguluhang sabi ni Celes. Magkaklase sila ni Dana since pareho silang business management ang course.

Napasulyap ako kay Kier na kanina pa hindi nag-iingay. Anong problema ng ugok na to? "Diba magkasama kayo ni Dana kaninang umaga?" Tanong ko sakanya, nakita ko kasi silang dalawang nag-aaway na naman sa hallway. Ang dikit nga nilang dalawa e. Pft. "Malay ko dun." Irita niyang sagot at halos sabay-sabay kaming nagpigil ng ngiti at tawa. Nangangamoy LQ ba to?

4 New Text Messages: From Babe ❤️
   I want to see you. :(
   Tagal namang magreply, babe. Ayaw mo akong makita?
   I hope you're not with that bitch again, Troy.
   Are you cheating on me, right now?

Napakaselosa talaga ng girlfriend ko. Ang hirap naman kasi, bakit ba ngayon pa kami lumipat ng eskwelahan. Tsk tsk. Goal pa man din namin ni Gia na sabay na grumaduate sa eskwelahang pinapasukan namin dati.

Create New Message: To Babe ❤️
   I'm not cheating on you, babe.
   Mahal kita, sobra pa sa sobra.
   Beatrix is not a bitch, babe. She's a good friend of mine.

Nawala ang atensyon ko sa cellphone ko nang sikuin ako ni Trix. Sakto namang kararating lang ni Dana at umupo sa tabi ni Kier. Sumulyap si Dana kay Kier at nagsalubong na naman ang kilay niya.

Rage's POV

Mula dito sa pwesto ko ay kitang-kita kong hawak-hawak ni JV ang kamay ni Celes. Lintek, anong ibig sabihin neto? May nangyari bang hindi ko alam nung absent ako buong linggo dahil sa lintek na pambubugbog nila sa gwapong mukha ko? Sunod akong tumingin kay Trix na pasimpleng tumitingin sa screen ng cellphone ni Troy. Pft hahahaha chismosa.

Naramdaman ko ang kakaibang titig sakin at nang lingunin ko ito ay nakita ko si Cia kaya kinindatan ko siya agad, "Bakit may pasa ka sa mukha?" Tanong niya kaya napahawak ako sa mukha ko. May pasa pa ba ako? Lintek, akala ko tanggal na lahat. "Nauntog ako." Palusot ko habang tatawa-tawa. Natigil ang pagtawa ko nang sumumbat siya. "Ang tanga naman."

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa sinabi niya. Napaka! Amp, tinawag akong tanga ng babaeng to. Masyado akong gwapo para maging tanga, diba mga babe? Anak ng, nakakagulat naman tong si Dana. Bigla-biglang sumusulpot. "Bakit ang tahimik niyo?" Taas-kilay niyang tanong sa amin. Walang umimik kaya dinibdiban niya si Kier. "Hoy, unggoy! Anong problema mo? Himala ata, hindi ka nag-iingay?" Malakas na sabi ni Dana.

Nanatiling tahimik si Kier. Takte, anong trip neto? Sunod namang dumating ang mga order naming pagkain. Pero pito lang tong naorder. Akala kasi namin hindi kami sisiputin netong si Dana. "Dana, order nako ng iyo, anong gusto mo?" Pagboboluntaryo ni Cia pero tinaas lang ni Dana ang kamay niya. "De okay lang, kumain na ako." Nakangiti niyang sabi.

Nagulat ako nang ibagsak ni Kier ang kubyertos niya. Lintek! Nakakagulat naman tong isang to. Nakatira ba to ng drugs? "Kumain ka" Seryosong sabi ni Kier. Takte, kilalang-kilala ko tong lalakeng to. May nangyari ba? Nagkatinginan kaming lahat maliban kay Dana at Kier na magkaharap na ngayon.

"Tapos na nga ko! Bakit ba namimilit kang unggoy ka? E di kumain ka mag-isa mo!" Iritadong sigaw ni Dana. Nakatingin lang kami sa kanilang dalawa. "Bakit? Saan ka kumain?" Woah, bakit parang--- "Bakit parang boyfriend magsalita si Kier kay Dana?" Bulong ni Cia sakin kaya natulala ako. Lintek, ang lapit ng mukha niya sakin!

Ang tangos ng ilong niya lintek, para siyang Latina. "Eh ano bang pake mo? Teka nga, teka nga! Ano bang problema mo?! Highblood ka masyado." Ngumisi si Kier dahil sa tanong ni Dana. "Ewan ko. Tanong mo sa babaeng hindi marunong maghintay." Sumbat ni Kier at nagsimula nang kumain. Nang iinom na si Kier ng tubig ay agad siyang binatukan ni Dana kaya nabilaukan ito.

Pigil na pigil ako sa tawa dahil sa itsura ni Kier. Napatayo siya at pansin kong galit na galit siya. Agad siyang lumabas kaya nagkatinginan kami. "Ano bang problema ng lecheng unggoy na yon ha?" Galit na sabi ni Dana samin at hinampas pa ang kamay niya sa mesa. "Kung ayaw niyong kumain, magpakain kayo." Inis na sabi ni Troy pero tinaasan lang siya ng kilay ni Dana.

"Bakit kami magpapakain? Manyak ka, gago." Galit na galit si Dana at sunod na nag-walkout. Pagkalabas na pagkalabas niya ay nagtawanan kaming lahat. Lintek. Kababaeng tao, ang manyak manyak. HAAHAHAHAHAHAHAHHAHAAHA.

--tbc--

Wanted: Fake GirlfriendsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon