Pahina 11: Mr. Angry

355 3 0
                                    

Dana's POV

*three weeks later*

"Umagang-umaga kumakain kana naman!" Agad kong sinubo yung buong tinapay sa bunganga ng unggoy. "UMAGANG-UMAGA BINUBWISIT MO NA NAMAN AKONG LECHE KA!" Iritang-irita kong sigaw. Kung hindi lang kasalanang pumatay, baka matagal na tong nakabaon sa ilalim ng lupa.

"Yieee ikaw ha, sinusubuan mo pa ako ng pagkain. Wag kang mag-alala, tomboy. Kumain ako." Kulang nalang matangay ako ng kahanginan at kafeelingan ng punyetang lalakeng to.

Naglakad ako nang mabilis habang magkasalubong ang kilay. Sinira na naman niya ang araw ko! Ugh, bakit ba kasi lagi silang nakabuntot sa amin? Lechugas naman kasing deal yan oh! E pero kahit na! Wala naman na yung nakabantay sa aming mga men in black e! Last week pa kaya sila wala! "Tomboy." Nag-iba ako ng daan pero nagulat ako nang hilain niya ako ulit.

"KIER VELASCO, BITAWAN MO NGA AKO!"

Umalingawngaw ang boses ko sa buong hallway. Napalunok ako dahil nakatingin lahat ng estudyante sa akin. Masama kong tinignan ang unggoy na kasama ko. "Bakit ka ba kasi sunod nang sunod?!" Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil nagtitindigan talaga ang balahibo ko sa inis. Nagsimula na ulit akong maglakad sa hallway pero nagulat ako nang hapitin niya ang baywang ko.

"Tangina, bitaw! Kadiri ka. Manyak! Man--mmmm!" Agad niyang tinakpan ang bunganga ko at halata kong iritado na siya. Dire-diretso lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa girls' CR. "A-anong gagawin mo--" Huminto siya nang papasok na ako sa girls' CR at may nakaramdam ako ng telang ipinulupot niya sa likuran ko. Teka, coat to ng uniform niya ah?

Seryoso siyang nakatingin sa akin at pansin kong mamula-mula ang mukha niya. Akmang hahampasin ko na siya dahil sa pantitrip niya pero bigla siyang nagsalita. "Dyan ka lang, antayin mo ako dito. Bibili lang ako ng ano atsaka manghihiram ako ng extra'ng skirt kay Trix." Sabi niya at mabilis na naglakad palayo.

Napalunok ako. Shit, wag mong sabihing-- agad akong pumasok sa CR at tumalikod sa salamin. Namula ako nang marealize ko ang nangyari. Tangina, natagusan ako!!!

Kier's POV

Aish! Bakit ba siya n-nagkaganun!? Nakakainis. Tsk. Napakaburara talaga ng babaeng yun. Agad akong lumabas ng gate at tumakbo sa pinakamalapit na mini shop. Agad akong naglibot sa shop at napansin kong nasa cashier yung "bagay" na yun.

Nahihiya akong lumapit sa mid 40's na babaeng cashier. "Ate, ah isa nga p-pong ano." Hindi ko alam kung saan ako titingin dahil nahihiya talaga ako. Lintek asan ba kase yung panyo ko, hindi ko tuloy matakpan yung mukha ko. Tsk, nasa coat pala.

"Ha? Ano yun hijo?" Nakangiti niyang tanong kaya tumingin nalang ako sa taas para mabawasan ang pagkahiya ko. "A-ate yung ano, yung g-ginagamit kapag ano, kapag m-may dugo." Pautal-utal kong sabi. Agad naman siyang kumuha nang kung ano kaya medyo nagtakha ako kung bakit hindi siya nagtakha.

Buti nalang open-minded si ate, hindi ako mapapahiya neto. Napangiti ako nang maisip ko yon. "Eto hijo oh." Aabutin ko sana pero nagulat ako dahil bandage ang inabot niya. "Hindi ate, hindi bandage. Uh yung ano, k-kapag sa b-babae yung m-may dugo sa palda--" Napansin ko naman ang pagkagulat sa mukha ni ate kaya nakipagtitigan ako sakanya.

Mukhang dismayado na siya. Tangina, kasalanan ko bang kailangan kong bilhan yung tomboy na yun nang ganon!? "Hijo, normal lang yun kapag unang beses niyong ginawa." Naramdaman kong umakyat lahat ng dugo sa mukha ko. Wengya! Ginawa pa akong manyakol netong si ate.

Napasabunot ako ng buhok. Lintek, bakit ba hindi niya magets?! Ang tagal-tagal ko na dito baka nag-aantay na yung tomboy na yon, malilintikan na naman yung tenga ko sa lakas ng boses niya! "NAPKIN ANG BIBILHIN KO ATE!" Iritang-irita kong sigaw. Napansin kong maraming pares ng mata ang nakatingin sa akin kaya nagtakip ako ng mukha gamit ang palad ko.

Shit na malupit, kahihiyan ang inabot ko dahil sa tomboy na yon! Kailangan may kapalit to. Tatawa-tawa at iiling-iling na inabot sakin nung babae yung plastic na pinaglagyanan nung binili ko. "Ang swerte naman ng girlfriend mo, hijo." Pahabol niya kaya mas lalo akong nahiya. Lul! Anong girlfriend? Wala akong balak pumatol sa lalake. Pfft.

Binilisan ko ang pagtakbo kaya hingal na hingal ako nang mapatigil ako dahil sa nakita ko. Yung tomboy, mukhang nakapagpalit na dahil nasa gate na siya ng university at may lalake pa siyang kasama. Wagas pa siya kung ngumiti e lintek sa akin, ni minsan hindi niya ako nginitian!? Hindi bat sinabi kong antayin niya ako doon!? Hindi ba siya marunong maghintay?!

Nabalewala yung pagod ko tangina! Nakaramdam ako ng inis at pagkulo ng dugo. Napatingin ako sa trash bin na nasa kanan ko. Inis kong binalibag ang pagtapon ko ng binili ko at tumalikod. Tangina lang. Nagago ako.

--tbc--

Wieeeeee! Anong masasabi niyo sa chapter na to? Hihihi. Leave some comments guys! Love you all. Anywayssss, nakaisip na ako ng pangalan ng loveteam ni Kier at Dana. #KierNa ❤️

-ayeinwonderland 🌺

Wanted: Fake GirlfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon