Pahina 32: Bait

287 3 0
                                    

Stella's POV

Two days later...

Inis kong sinipa ang pagkain sa harapan ko. "Paano ako makakakain eh tinali niyo ako?" Irita kong sabi. "Fine, don't eat." Pinasadahan ko ng tingin si Supremo. Heartless bastard. Tahimik silang apat at palakad-lakad naman ang isang babaeng maputi at matangkad. "Bakit ka nagpanggap?" Tanong sa akin ni Troy pero ngumisi lang ako.

Hinampas ni Supremo ang mesa sa tabi niya kaya natahimik ako. Sige, magsalita lang kayo. Naririnig nila kayo ngayon. Maya-maya pa ay may bagong pumasok sa kwarto. Nagpumiglas ako nang makita kong si Ciara Maniego ang pumasok. "Masaya kana, bitch?" Tatawa-tawa kong sabi habang nakatingin sakanya.

Tinignan niya lang ako pero nagulat ako nang makita kong walang emosyon ang mga mata niya. "Sobra." Sarkastiko niyang sabi at pumunta sa gawi ko. "CIARA!" Napaubo ako nang mailayo nila ako sakanya. Hindi siya nagsasalita pero ramdam na ramdam ko ang galit sa mata niya. Napaubo parin ako dahil ramdam ko parin ang higpit ng pagkakasakal niya sa akin kanina.

Dugo ni Cyrus ang nananalaytay sa dugo niya. "I will kill you, Stella." Napatigil sa pagkalikot ng keyboard si Kier, maging silang lahat napatingin sa kanya. Shit, may nanlaglag ba sa akin? Paano niya ako nakilala? Napatingin ako sa paligid ng kwarto. May tatlong bugs akong naikabit dito.

Damn it, bakit hindi sila kumikilos? Dapat nililigtas na nila ako ngayon! "Stella Marie Mercado." Sabi niya at seryosong nakatingin sa akin. "Wag ka nang mag-antay ng magliligtas sayo because you're just a toy to them." Malamig niyang sabi bago tuluyang lumabas ng kwarto. A-anong ibig niyang sabihin?

No, it can't be. May tiwala ako kina Steve. Hindi sila manlalaglag.

Celestine's POV

Kararating lang namin ni Dana dito sa apartment nila Jake. Nandito kaming lahat sa living room samantalang si Ara naman ay nasa loob ng kwarto ni Kier. "Pumapayat ka, aysh. JV ANOBA! PAKAININ NIYO NAMAN TONG LALAKENG TO!" Nagtago sa likod ko si Jake nang sumigaw si Dana. Pft. Problemado na nga lahat ng tao dito, hindi parin talaga napipigilan ni Dana ang bunganga niya.

Tatawa-tawa namang nagpapacute si Kier kay Dana. These past few days, napapansin kong nagiging sobrang caring si Dana kay Kier, at ganun din naman si Kier kay Dana. Nagulat nga ako when I found out na sinuway ni Dana si Tito Daniel because of Kier eh. "Ang ingay mo talaga, Dana!" Komento ko at hinalikan ko sa pisngi si Jake. Hinawakan naman niya ang kamay ko.

Napatingin ako sa katabi kong dalawang araw nang hindi masyadong umiimik."Cia." Tawag ko sakanya pero hindi niya ako pinansin. Napatingin ako kay Rage na kanina pa titig na titig kay Ciara. Dalawang araw na silang hindi nagkikibuan. Sabi ni Trix, nag-usap silang dalawa nung araw na umamin si Rage.

No one knew kung ano yung pinag-usapan nila. Pero alam kong problema yun dahil iba na ang trato nila sa isa't-isa. Hindi ko man alam ang buong istorya pero alam kong mahal ni Rage si Cia, and ganun din si Cia kay Rage. Just by looking at Rage's facial expression, makikita mo talagang mahal na mahal niya si Cia. "Alam mo bang sinakal ni Cia kanina si Ara?" Mahinang bulong ni Jake sa akin kaya nanlaki ang mga mata ko.

What!? Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Jake pero sinenyasan niya akong wag mag-ingay dahil nabalot na naman ng katahimikan ang paligid dahil kakaiba talaga ang aura nila Rage at Ciara. "Hindi ba kayo marunong maglinis ng bahay?" Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Dans. Sunod niyang tinuro ang isang sulok ng bahay at napansin kong may kulay itim doon na parang-- ano yun?

Wanted: Fake GirlfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon