Pahina 1: Rapist

1K 14 30
                                    

Rage's POV

"May anim na araw pa tayo. Kailangan nating magmadali." Sabi ni Kier habang nagyoyosi sa may pintuan.

"Babalik tayo bukas dun. Tangina wag na nating hawakan yung lintek na bondpaper na yun. Napagkakamalan tayong ewan." Sabat ni JV habang umiiling pa.

Bago kayo tuluyang magpatuloy na magbasa sa storya namin ay magpapakilala muna kaming apat.

Si Kier Velasco, ang certified bully sa aming apat. Walang kinikilingan. Kahit sinong makabangga niya, wala siyang pakialam. Madalas na nagiging dahilan nang pagda-dropout ng mga estudyante sa eskwelahan.

Si Jake Victor (JV) Torres, ang certified playboy ng grupo. Mahilig siya sa mga babae. Bars, parties and one night stands. Hour-to-hour relationships. Kilala bilang boyfriend ng bayan.

Si Troy Espinosa, ang lalakeng loyal sa girlfriend niyang si Gia. Pinakatahimik sa aming apat. Siya ata ang pinakamabait saamin.

At ako?

Ako lang naman si Rage Gonzales. Ako ang pinaka-goodboy. Ako ang tumayong lider ng grupo. Yun lang. No more, no less. Ako ang batas.

Unang-una sa lahat, hindi kami F4. Tangina sadyang nagkataon lang na pareho kaming apat. Hindi rin kami ang APAT ng The Four Bad Boys and Me dahil wala kaming kilalang Candice.

Magkakaibigan na kami simula pagkabata dahil mga apo kami ni Lola Pats. Apo kami in a way na hindi kami magkakadugo. May mga magulang kami pero si Lola ang tanging batas namin. Nakilala namin si Lola Pats dahil siya ang nagsalba sa mga kumpanya ng mga magulang namin.

Wala siyang mga anak kaya kami na ang tinuring niyang mga pamilya.

"May girlfriend naman na kasi ako. Bakit ba ayaw ni Lola kay Gia? Maayos naman siya ha." Sabi ni Troy kaya napakunot ako ng noo. Ayaw nga talaga ni Lola Pats kay Gia.

"Wala tayong magagawa tol. Masusuway mo ba si Lola?" Sumbat ko sakanya. Kung ako lang din naman ang masusunod, ayos na si Gia. Pero di ko maintindihan kung bakit mabigat ang loob sakanya ni Lola.

"Kaya tol. Maghanap ka na muna ng pansamantala. Basta may maipakilala lang tayo kay Lola within one week. Magpaka-playboy ka muna." Natatawang sabi ni JV. Agad naman siyang sinamaan ng tingin ni Troy. "Gago ka. Loyal ako. Hindi na yun maiaalis sa gwapong katulad ko." Pagmamayabang niya kaya sinapak siya ni Kier.

"Tigil na nga. Matutulog na ako. Ang tunay na gwapo, maagang natutulog." Sabat ko sabay kindat. Sabay-sabay naman nila akong tinignan ng masama kaya natawa nalang ako habang tinataas ang dalawang kamay ko.

**

Kinabukasan...

"Ang unang babaeng hindi papansin sakin ang ipapakilala ko kay Lola." Natatawa kong sabi. Tsk. For sure, mahihirapan akong maghanap neto. Pogi ko kaya. 😎

Siniko naman ako ni JV kaya napalingon ako sakanya. "Ang babaeng unang magtataas ng kilay saakin kapag kinindatan ko ang ipapakilala ko kay Lola." Pa-cool niyang sabi. Sunod namang tinaas ni Troy ang kamay niya. Tsk tsk. Alam kong labag 'to sa loob niya eh. "Basta sakin yung babaeng tititigan ako ng matagal. Kaya panigurado madami akong ipapakilala kay Lola Pats. Alam mo naman na tol. Iba na ang gwapo diba?" Nakangisi niyang sabi. Tsk. Makapagsabi ng gwapo, ako lang naman nag-iisang gwapo saaming apat.

Inakbayan naman ni Kier si Troy kaya napatingin kami sakanya. "O ikaw naman?" Tanong ko sakanya pero napailing lang siya. "Papakilala ko kay Lola yung babaeng makikita kong naka-jersey ngayon." Proud niyang sabi. Ano?! May naka-jersey ba kaming makikita dito? Eh mukhang maaarte mga babae dito sa park na 'to eh.

Wanted: Fake GirlfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon