Dana's POV
Inis na inis akong pumasok sa klase ko. Kung sinuswerte ka ba naman talaga, kaklase ko ang unggoy na yon sa isang subject, Accounting. Pinaka-nakakairitang subject at may nakakairita pa akong kaklase. Nasa unahan na siya malapit sa bintana at tahimik na nakaupo. Ano bang problema ng unggoy na to?
Umupo ako sa pinakadulong parte ng classroom dahil wala talaga ako sa mood. Ayokong magsalita. "Is this seat occupied?" Nagsalubong ang kilay ko sa lalakeng nagtanong. "Mukha bang may nakaupo!?" Inis kong tanong ngumisi siya. "Ayoko sa lahat, yung binabara ako." Seryoso niyang sabi. Nagkatinginan kaming dalawa, wag niya akong sisimulan ha kung sino man tong gunggong na to.
"Kung ayaw mong masagot nang pabara, wag magtanong nang patanga." Seryoso kong sumbat sakanya at sinuot ang earphones ko pero agad niyang hinugot ito nang malakas dahilan para maputol ang wire. "Wag mo akong ginagago, Miss." Kung nakakamatay ang tingin, kanina pa ako pinaglalamayan. Sasagot pa sana ako kaso biglang nawala sa harapan ko yung lalake. Ibang lalake naman na ang nakalikod sa akin.
"Respeto naman, brad." Si Kier. "Ako nakaupo dito, may problema ba?" Muli niyang tanong at sunod kong nakitang naglakad palabas ng room yung lalake. Humarap sakin yung unggoy kaya umiwas ako ng tingin. Aysh, bakit ba ang awkward namin ngayon? Okay naman kami kaninang umaga ah, sinabi pa nga niyang bibilhan niya ako ng napkin---kaso, shet.
Sabi niyang antayin niya ako kaso hindi ko nga pala siya nahintay. Umupo si Kier sa upuan na katabi ko kaya napalunok ako. Magso-sorry ba ako? Leche, bakit ako magsosorry?! E sinigawan niya ako kanina. Bahala siya dyan.
Pero. Pero pinaalis niya yung lalakeng gumugulo sakin kanina. Magt-thank you ba ako? Aysh, ayoko! Baka kung ano na namang isipin niya, kapal pa man din ng apog ng lalakeng to. Napansin kong naka-puting shirt lang siya dahil wala siyang coat. "Hoy, yung coat mo nga pala, ipapadala ko nalang dito mamaya. Ibabalik ko sayo agad." Kabadong sabi ko. Sinampal ko ang sarili ko sa loob ng utak ko, bakit ba ako kinakabahan? Inaamin ko, nakakatakot pala tong lalakeng to kapag nagagalit.
Tumango lang siya at nagkabit ng earphones sa tenga niya. Ano bang kinagagalit niya!? Aysh, tumataas blood pressure ko sa hinayupak na to e. Utang na loob, wala kami sa telenovela kaya wag siya magdrama-drama diyan. Hindi niya bagay, aysh.
Muli kong sinuot sa tenga ko yung earphones ko kaso napansin kong napigtas nga pala dahil dun sa lechugas na lalake kanina kaya wala akong nagawa kundi tumingin nalang sa bintanang katabi ko. Ang boring nam-- nanlaki ang mata ko nang may maramdaman akong bagay sa kabilang tenga ko. Napatingin ako kay Kier na seryosong nakatingin sa akin habang kinakabit ang isang piraso ng earphone niya sa kabilang tenga ko.
"S-salamat pala." Sabi ko sakanya at pasimpleng tumingin sa taas. Tumango lang siya at umiwas na rin siya ng tingin sa akin matapos niyang ikabit ang earphone. Kailan ba to natutong tumango? Akala ko hindi siya mabubuhay sa katahimikan. Nagulat ako sa sumunod na kanta sa playlist niya.
🎶 Now Playing: Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko
Kung tayo ay matanda na
Sana'y di tayo magbago
Kailanman nasaan ma'y
Ito ang pangarap ko🎶Kulang nalang mapatalon ako sa gulat kaya tinanggal ko agad ang earphone sa kabilang tenga ko. Nakaramdam ako ng pag-init ng mukha ko. Aysh, lalagnatin ata ako, ano ba yan. Naka-aircon naman pero bakit ang init dito sa pwesto ko? Mabuti nalang walang nakapansin dahil magulo ang mga kaklase namin sa subject na to.
Ang tagal naman nung professor. Masyadong paimportante, panot naman. Napansin kong nakatingin sa akin yung unggoy. Nagulat rin siguro kasi tinanggal ko yung earphone. "Inaantok ako dyan sa kanta mo, ang baduy." Palusot ko at nagpanggap na naiinis. Bakit ba kasi yun pa ang tumugtog?! Nagmukha tuloy kaming ano, nagmukha tuloy kaming m-magjowa! Aysh.
Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako naging sobrang saya nang dumating ang propesor namin. Shet, akala ko hindi na naman sisipot tong panot na teacher na to. Nagtayuan kami at binati siya. Pasimple akong nagpunas ng pawis. Woooo, lecheng unggoy to. Kung anu-anong pinaggagagawa sa buhay, nadadamay tuloy ako.
Rage's POV
"Oh eto na bayad mo, salamat brad." Sabi ko at inabutan ng five thousand yung lalakeng inutusan namin kanina. Agad naman siyang sumaludo at mabilis na naglakad palayo. Nag-utos kami ng isa sa mga kaklase nila sa Accounting na lapitan si Dana at antayin kung may gagawing hakbang si Kier.
At hindi nabigo ang plano naming apat hahahahaha. Tumayo daw si Kier at lumapit kina Dana at pinaalis yung lalake. Hindi daw masyado nagsalita si Kier dun sa inutusan namin pero may pasimple siyang inabot na papel. At alam niyo ba kung anong nakasulat sa papel na yun?
"Aalis ka ba o gusto mo ng away? Pili ka, mamayang 6 pm, magkita tayo, 1 on 1." Natatawang basa ni JV sa sulat na nasa papel. "Hihihihi, hindi kaya may gusto si Kier kay Dana?" Kinikilig na sabi ni Celes habang yinuyugyog ang laylayan ng coat ko. "Lintek naman, Celes. Sayang kapogian ko kung guguluhin mo yang uniporme ko!" Sita ko sakanya kaya nag-peace sign siya sa akin.
Napangisi ako. Hindi nga kaya may gusto na si Kier kay Dana? Pft hahahahaha. "Imposible yan, hindi basta-basta nahuhulog si Kier sa babae." Sabi ni JV. Kung sabagay, tama siya. Ni wala ngang naging girlfriend yang si Kier dahil puro pambubully inaatupag lalo na noong high school kami e. "Hindi rin nahuhulog basta si Dana sa mga lalake dahil alam niya na ang galaw ng mga lalake since limang lalake ang kasama niya sa bahay nila." Sumbat naman ni Cia.
Apat kami ngayon na nakaupo dito sa pinakadulong parte ng waiting area ng school. Maga-alas kwatro na kaya tapos na ang klase namin. Nakipagkita si Troy kay Gia tapos yung si Trix naman may kailangan daw gawin. "Limang lalake!?" Hindi makapaniwalang tanong ni JV. Lintek, anong ginagawa ni Dana kasama ang limang lalake? "Si Tito Dante, ang daddy niya. May dalawa siyang kuya at may dalawang pinsan na lalake rin." Paliwanag ni Ciara.
Woah! Kaya pala ganyan siya gumalaw hahahaha. "Celestine, Cia?" Natuon ang atensyon namin sa bagong dating, may hawak pa siyang paper bag. Mukhang mas matanda sa amin dahil mukhang nagtatrabaho na. Radtech ang nakalagay sa id niya. "Kuya Dylan!" Halos sabay na lumapit sina Cia at Celes sa lalake.
"Kailangan ko na kasing pumunta sa ospital, may duty pa ako. Pwede bang paabot to kay Dana mamaya? Sabi niya kasi kanina labhan na dahil may nagpahiram sakanya." Nakangiti nitong sabi. May binulong pa siya kaya nagtawanan yung dalawa. Pansin ko lang, parang-- "Tol, kuya kaya ni Dana yan? Kahawig na kahawig e." Bulong ni JV. Mismo! Yun rin ang napansin ko. Inabot ito nila Celes at agad namang umalis ang lalake.
"Ano yan?" Usisa ko nang makabalik sila sa pagkakaupo. "Ewan ko, kay Kier niyo nalang tanungin. Una na kami." Sunod kong nakitang papunta sila sa direksyon ni Dana, sa wakas! Napatingin ako kay JV, "Oo nga pala, bakit kaninang alas dyes ka lang pumasok?" Takhang tanong ko sakanya pero umiling lang siya at nginuso ang direksyon ni Kier. Makakauwi na rin kami, nag-unat ako ng kamay dahil sa dumating na si Kier. Hanggang ngayon ay nakabusangot parin ang mukha.
Kier's POV
Nang makarating ako sa kung saan naghihintay ang dalawang gago ay agad akong hinampas ni JV gamit ang isang paperbag. "Lintek, ano bang-- teka, san galing to?" Agad kong tanong nang makita ko yung paperbag, pamilyar to ah, san ko ba to nakita? Pagbukas ko ay yung coat ko ang laman. "Pinaabot ng Kuya ni Dana." Nagsalubong ang kilay ko nang makita ko ang mapaglarong ngiti ni JV. Kuya ni Dana?
Bakit nasa kuya ni Dana itong coat ko? "Pinalabhan daw ni Dana kanina ah? Bakit ba nakay Dana yan? Kapal ng mukha mo, nagpapalaba ka pa talagang gago ka." Iiling-iling na sabi ni Rage. Pinalabhan? Agad nagliwanag ang mukha ko.
Naalala ko na kung san ko nakita tong paperbag na to. Bago ko tinapon yung napkin sa basurahan ay nahagip ng mata ko na may inabot si Dana dun sa lalakeng kasama niya. Lintek, wag mong sabihing-- Naputol ang pag-iisip ko nang magsalita si JV.
"Kuya ni Dana yung pinagseselosan mo, gago. Nakita ko kaartehan mo kanina sa may gate. Pft HAHAHAHAHAHAHA!"
--tbc--
![](https://img.wattpad.com/cover/76648878-288-k254323.jpg)
BINABASA MO ANG
Wanted: Fake Girlfriends
Romance[COMPLETED] The four unbiological grandsons of an elite old woman reaches the point where they are now getting uncontrolled. The elite grandma then asks them to let her meet the girls who had captured the hearts of the four young men. Scared of bein...