Pahina 31: Abduction

315 1 0
                                        

Someone's POV

"Sinong naiwan sa apartment?" Tanong ni Beatrix Tuazon kay Troy Espinosa habang naglalakad silang magkahawak ang kamay. "Andun si JV, baby." Nakangiting sagot sakanya ni Espinosa. Napangisi ako, pwede kong sabihin ngayon kay Steve na walang tao dun. "Baby, about Ara. Are you really sure na kapatid siya ni Rage?" Nagsindi ako ng yosi at tinignan sila ng mabuti. Ayaw ba nilang ipakilala kung sino si Ara? Bakit kailangang itago nila na kapatid yun ni Cyrus?

Natatakot ba si Supremo na mabunyag ang sikreto niyang mamamatay-tao siya? Napangisi ako. Mga tanga. Hindi ba nila alam na peke'ng Ara ang nasa bahay nila? It's a bait. Habang nagpapakabusy sila sa pagpoprotekta ng pekeng Ara, gumagawa na kami ng hakbang para hanapin ang totoong Ara. Matalino talaga si Cyrus, nagawa niyang gawing sikreto ang identity ng kapatid niya.

Kami ang nagpadala sa pekeng Ara sa bahay nila Supremo. Mukhang magaling umarte ang babaeng yon, napaikot niya silang lahat. Siguro nagtatakha kayo kung bakit alam kong andito sina Espinosa. Bawat sulok ng bahay nila, nakabitan ng bug ni Ara. Lahat ng sinasabi nila, naririnig namin.

Nang titigan ko si Beatrix Tuazon ay kitang-kita ko ang curiosity sa mata niya. Napaiwas ng tingin si Espinosa. "Promise me, not to tell anyone." Sabi nito at inilibot niya ang paningin niya. Agad akong nagkunwaring nagbabasa ng dyaryo para hindi niya mahalata.

Kating-kati ang tenga kong makinig sa pag-uusapan nilang dalawa. "Hindi magkapatid si Ara at Rage." Tsk, alam ko na yan. Napansin kong natahimik yung babae kaya pasimple akong tumingin. "Sino si Ara?" Tanong nito kay Espinosa. "Matagal na siyang hinahanap ni Rage. Kaya ngayong nakita na niya si Ara, sobrang pagpoprotekta niya dito. Kasi ano. Kasali si Rage sa sorority." Napakamot pa ng ulo si Espinosa habang nagpapaliwanag doon sa babae.

"M-masamang tao ba si Rage?" Halata kong kabado ang tono ng babae kaya napangisi ako. "Para sa akin, hindi." Napatingin ako kay Espinosa dahil sa sagot niya. Masyado niyang pinagtatakpan ang kaibigan niya. Hindi ba masama ang pumatay? Si Supremo ang pumatay sa kapatid ko apat na taon na ang nakakalipas. Nangyari yon nung rambulan nila. Magkagrupo ang kapatid ko at si Supremo. Pero walang ibang ginawa ang kapatid ko kundi ipagtanggol ang putangina nilang organisasyon.

Si Supremo? Wala, hindi niya pinakealaman ang kapatid ko nang magpatayan na silang lahat. "Hindi siya nananakit without a purpose." Paliwanag nito. Nawala sa kanila ang atensyon ko nang tumunog ang bug na naka-konekta sa earpods ko.

["Hello, Rage?"] Napangisi ako nang marinig ko ang boses ni Jake Victor Torres sa linya. ["Pauwi na ako, bantayan mo si Ara."] Mabilis na sabi ni Supremo sa isang linya. Mukhang tawag ngayon itong naririnig ko. Bilib din ako sa pagiging tuso ni Stella, ang pekeng Ara. ["Ha? Akala ko ba magkasama kayo ni Ciara?"] Nagpantig ang tenga ko, iyon ba ang pangalan ng babae ni Supremo?

Agad akong nagtipo sa cellphone ko at diretsang isinend ang text message kay Ace, ang hacker namin sa organisasyon.

Text Message: To Ace
     Hanapin mo ang files at info tungkol sa babaeng nagngangalang Ciara.

Nang maisend ko ang text message ay bigla namang tumunog ulit ang earpod ko. ["Pauwi na ako, bantayan mo si Ara! Wag mong palalabasin. Hindi siya ang totoong kapatid ni Cyrus."] Nawala ang ngisi sa mukha ko nang marinig ko iyon. Lintek! Papaano niya nalaman!? Matalino rin talaga tong gagong to.

Tatanggalin ko na sana ang earpod sa tenga ko para tawagan ang buong organisasyon nang may marinig akong pahabol-salita ni Supremo. ["Fck, si Cia ang totoong Ara. Siya ang totoong kapatid ni Cyrus."] Tinanggal ko ang pagkakalagay ng earpod sa tenga ko at mabilis na tumayo.

Wanted: Fake GirlfriendsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon