Pahina 35: Bes

295 4 0
                                    

Beatrix's POV

Kinikilig akong sinuot ang earpiece sa tenga ko at nilagay ang maliit na mic sa bibig ko. "Pag sinabi kong go, Celes, ikaw bahala magsabi ng tip kay JV, kay Troy ka naman Trix. Ako na bahala kay Rage at Cia." Tumango ako sa inutos ni Kier. Buti nalang napapayag namin siya ni Celes na tulungan siya.

Omg! Omg, first time ko to. Hihihi. "Enjoy palang pumatay ng kalaban." Isang malakas na hampas ang natanggap ko mula kay Celes kaya ngumuso ako. "Eh kung ikaw kaya patayin ko?" Masungit niyang sabi at tumapat dun sa isang monitor kung saan naglalakad si JV.

Tumayo muna ako at nagbigay ng sandwich kay Stella. "Pag natalo na namin sila, pwede ka nang lumayas." Nakangiti kong sabi kaya sinamaan niya ako ng tingin. Napalunok ako sa sama ng tingin niya at bumalik nalang sa upuan ko. "Papasok na sila in 4..." Itinuon ko ang atensyon ko sa monitor kung saan nakikita ko si bebe Troy dahil sa countdown ni Kier. "3...2" Pinagdikit ko ang mga palad ko. Mag-iingat ka, Troy.

"1. Start."

Rage's POV

["Rage, sa kaliwa."]

Sinunod ko ang sinabi ni Kier mula sa earpiece at kumaliwa. Agad kong nakita ang tatlong lalaking naglalakad para sumugod. Pinaputukan ko sila at pagkatapos nun ay umalingawngaw na ang pagputok ng mga baril sa bawat corridor.

["Cia may lalake--okay, nice one, Ciara!"] Napangiti ako dahil kay Cia. Nang lingunin ko siya ay may nakahandusay nang lalake sa likuran niya. Tumango siya sakin at nagulat ako dahil pakiramdam ko nabuhay siya ngayon sa pagkatao ni Cyrus.

Isang malakas na pagsabog ang sumalubong sa amin sa mid-building. Niyakap ko siya nang mahigpit dahil tumilapon kami. "You okay?" Tanong ko sakanya at tumango naman siya't mabilis na naglakad.

Napasabunot ako ng buhok ko nang mawala siya sa makapal na usok. "Kier, si Ciara, bantayan mo." Bulong ko sa earpiece at nag-iba na ako ng direksyon. ["Areglado, Supremo."] Seryosong sabi ni Kier. Tinahak ko ang daan papunta sa elevator pero nang magbukas ito ay limang lalake ang tumutok ng baril sa akin. Binitawan ko ang hawak kong baril at pumasok sa loob.

Pagkatutok nilang lima ng baril sa akin ay palihim akong nagtapon ng flashbang sa gilid kasabay ng pagsuot ko ng glasses para hindi ako madamay sa panandaliang pagkabulag. Ginawa ko itong oportunidad para patulugin silang isa-isa panghabambuhay. "Rest in peace." Bulong ko nang magbukas ang elevator sa 7th floor.

["Damn, may naglabas kay Dana dyan sa room 48!"] Ramdam ko ang kaba sa boses ni Kier. Napatigil ako sa paglalakad dahil nakita ko si Kevin Del Valle na naglalakad palapit sa akin. "Hinayaan mong mamatay si Ken." Galit niyang utal sa akin habang nakatutok ang dalawang handgun sa ulo ko. Noon pa man, kasama na sa grupo ko si Ken Del Valle, kasama siya sa mga nasawi apat na taon na ang nakakaraan.

"Hindi ko siya hinayaan. Ikaw ang naging pabaya." Seryoso kong saad sakanya. "Putangina wag mong isisisi sakin ang pagkamatay ng kapatid ko." Gigil na gigil siya sa bawat salitang binibitawan niya. Napangisi ako. "May pakialam ako sa kapatid mo. Pero pasensya na, sayo wala." Mahinang sabi ko kasabay ng pagsipa ko nang mabilis sa hawak niya at pagkabit ko ng gatilyo ng baril sa likod ng ulo niya.

Dana's POV

"D-dalian mo." Hila-hila ako ni Ace habang nakahawak ang isa niyang kamay sa tagiliran niyang sinaksak ni Steve kanina. "Bakit mo ginagawa to? Baka patayin nila tayong dalawa." Kabado kong sabi pero patuloy parin siya sa paglalakad. Nang mag-iba kami ng direksyon ay napasigaw ako nang may makasalubong kaming dalawang lalake.

Wanted: Fake GirlfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon