Epilogue

582 10 2
                                        

17 years later...

"Grayson, si Yari nakita mo ba?"

Napakamot ng ulo ang anak ko dahil sa tanong ni Dana na nakahawak pa ng sandok mula sa kusina. "Ma, mukha bang hanapan ng nawawalang palaka si Gray?" Gulat na gulat ako nang may lumipad na sapatos sa ulunan ni Yves. "HOY UNGGOY KA! LUMAPIT KA NGA DITO! Anong pinagsasasabi mong--Hi, Gray hehe." Tahimik akong napangiti dahil sa reaksyon ni Yari nang makita niya si Grayson.

Nakaramdam ako ng kamay na humawak sa baywang ko. "Gwapo ng anak natin." Tatawa-tawa niyang sabi. Meet my husband, Tristan Fortalejo. Sumandal siya sa ulo ko habang natatawa. "What would you expect?" Hinampas ko siya sa balikat dahil sa pagyayabang niya. Tumawa naman siya nang mahina.

"Ang ingay ingay mo Yves!" Nakita ko ang pag-irap ni Heather habang nag-aayos ng kilay niya. "Ako na naman! Ako na naman!" Pagdadabog ni Yves dahil sa sinabi ni Heather. "Oo, ikaw na naman! Nagsasawa na ako na ikaw nalang lagi ang nag-iingay kaya pwede bang manahimik ka!"

Napatingin ako kay Celes at JV na nagyayakapan rin sa isang sulok habang nakatingin sa mga anak naming dalaga at mga binata na. Hindi talaga naglalaho ang kasweetan nilang dalawa. "KAINAN NAAAAAA!" Masayang sigaw ni Kier mula sa kusina at narinig ko naman ang pagkalampag ng mga kaldero at sandok sa loob kaya alam ko na kung anong nangyayari sa loob.

Tumulong kami ni Tristan sa paglalabas ng mga pagkain sa dining table. Magkakasama kami nila Celes, JV, Trix at Troy. "Asan naba si Rage? Kanina ko pa yun tinatawagan!" Nakapamaywang na sabi ni Celes habang kinakapa ang cellphone niya sa bulsa.

"Naghaharutan kaya kayo ni JV dyan wag ka nga! Ako kaya tumatawag!" Reklamo ni Trix habang tatawa-tawa. "Sorry, late kami." Napangiti ako nang marinig ko ang boses ni Rage. Kasama niya si Andrea Raniego, ang asawa niya. "Asan si Riggy?" Tanong ko kaya tumawa naman si Rage habang tinuro ang direksyon.

"Baby Yari~" Mabilis na tumakbo si Yari palayo kay Riggy at nagtago sa likod ng kakambal niyang si Yves. "Hindi ko talaga maintindihan kung bakit inlove na inlove ka sa kakambal ko." Tatawa-tawang sabi ni Yves kaya mabilis siyang sinabunutan ni Yari mula sa likuran.

"Mukhang may love triangle sa mga anak natin ah?" Sabi ni Rage habang palipat-lipat ang tingin ko kina Grayson, Yari at Riggy.

Napangiti nalang ako habang pailing-iling. Ilang taon na ang nakalipas, ano? Hindi na kami yung dati dahil may mga anak na kami. Nagkaroon ng anak na kambal sina Dana at Kier. Meet Yves and Yari Gomez-Velasco. Nakuha nilang dalawa ang pagiging makulit at pang-asar ng mga magulang nila.

I had an only son. Meet Grayson Maniego-Fortalejo. Well, uhm. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakuha niya ang pagiging moody ng ama niya.

Rage and Andrea had a son, too. Sunod sa yapak ni Rage, pinangalanan siyang Rage Raniego-Gonzales, Jr. Sobrang taliwas siya sa ugali ng ama niya. Dahil parang si Kier ang ama ng isang to dahil sa sobrang kakulitan.

Celes and JV had a daughter and a son, one year gap lang naman, the youngest Heather Mariano-Torres and the eldest Harry Mariano-Torres. Well uhm, how would I describe our gorgeous Heather? Napaka-sassy niya. Nakuha niya ang kadaldalan ni Celes at nakuha niya ang pagiging appealing ni JV. Si Harry naman, nakuha niya ang pagiging playboy ni JV. That's all, laging may babaeng umiiyak sa tapat ng gate nila ayon kay Celes.

Last but not the least, ang huling kinasal sa aming lahat. Beatrix and Troy. Anak nila ang pinakabata sa mga anak namin. They had a son, Trigger Tuazon-Espinosa. Why did they name him Trigger? Ewan ko ba dyan kay Beatrix. Amazed na amazed daw talaga siya nung panahong nakipagbarilan sina Troy dahil sa pangingidnap kay Dana.

**

Nakakalungkot lang isipin na nagkaroon sina Trix at Troy, Celes at JV and Dana at Kier ng happy ending together.

Sa amin ni Rage, siguro hindi kami para sa isa't-isa.

Siguro kami yung epitome ng mga taong "pinagtagpo lang pero hindi itinadhana".

But that's okay, wala rin naman akong pinagsisihan.

Wala man kaming happy ending ni Rage,

Masaya parin kami sa kung sino ang kasama at minamahal namin ngayon.

Napahawak ako sa kwintas na nasa leeg ko at napangiti.

Tulad nga ng sabi niya sakin, sa susunod na pagkabuhay namin.

Tutuparin namin yun.

Tutuparin namin yung pangako namin sa isa't-isa na hanggang ngayon, hindi ko maipagkakailang gusto kong tuparin sa susunod na pagkabuhay namin.

-E N D-

Author's Note:

*sabog confetti*

Sa wakas, natapos rin kahit ilang beses akong na-writer's block hahahaha lol. Thank you so much po sa mga sumuporta sa stories ko!  Walang humpay na thank you po sa inyong lahat! See you on my next stories! I love you all.

Here are lists of my completed stories on wattpad! Mind reading it? ;)
- My Annoying Fake Boyfriend
- Wanted: Tori Fuentabella
- Ambrosia's Revenge

AS OF JULY 2020...

I'm working on a new story! It's a painful love story between a pilot student and a med student. Please support meeee! Thank you so much! Dedications will be open, just comment on the story chapters. Thank you so much!

The story is entitled... ONCE UPON AN US.

-ayeinwonderland ❤️

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-ayeinwonderland ❤️

Wanted: Fake GirlfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon