Pahina 24: Fuccboi

174 2 0
                                    

Beatrix's POV

"Hindi ko ramdam yung emosyon!" Nakapamaywang kong sabi at pasimplenb tumingin sa labas. "Bakit ba kasi kailangan mong mag-practice?" Pang-asar kong sabi kay Kier pero napakamot siya sa ulo niya. Late na tuloy ako sa date namin ni Troy. Char lang, sasamahan ko lang siya. "E baka ano, baka pumalpak ako e. Alam mo naman yung tomboy na yun, baka barahin lang ako." Paliwanag niya at bumuntong-hininga.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nasulyapan kong may taong naglalakad sa labas kaya pinasingkit ko ang mga mata ko para makita ko kung sino yun. Napangisi ako nang maaninag ko ang pigura ni Dana. "Ulit, take three!" Pabulong kong sabi kaya tumikhim na si Kier.

"Hindi man halata pero mahal na kita." Seryoso lang akong nakatingin kay Kier habang pinapakiramdaman ko ang paligid. Napansin ko namang may isang pares ng mata ang nakatingin sa amin. Hihihi ang cute ni Dana sumilip.

"Mahal kita na umabot na sa puntong natakot akong umamin dahil baka masira ang kung anong meron tayo ngayon. Mahal kita..." Sumulyap ako sa pwesto ni Dana at nakita kong nakatalikod na siya at mukhang aalis na.

"Waaaaaa Kier, tara!" Excited kong hiyaw at agad kong hinila si Kier palabas at tumakbo kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa mismong likuran ni Dana.

Sumenyas ako sakanya na wag mag-iingay at agad kong kinalabit si Dana. "DANAAA--Teka, umiiyak kaba?" Tanong ko nang mapansin kong pulang-pula yung mata at ilong niya. Lumagapak ako sa tawa dahil tingin ko alam ko na ang rason. Ako pa ba ang hindi makakapansin e expert na ko sa ganito.

"ANO NAMAN!?" Napatakip ako sa tenga ko nang sumigaw siya. Aysh, tinignan ko ng masama si Kier. Ako pa tuloy napapahamak! Masyado naman kasing torpe to, pero kung ako si Dana, mafi-feel kong may gusto si Kier sakin e kaso etong si Dana, manhid naman. The torpe and the manhid. PERFECT COMBINATION! ❤️

Tinaas ko ang kamay ko at tinulak si Kier papalapit kay Dana saka ako tumakbo nang mabilis para mabigyan sila ng quality time. Yieeeeeee!

Kier's POV

"May problema ba, Dana?" Panimula ko at napansin ko namang suminghot siya. Ano kayang iniiyak-iyak neto? Tinignan niya ako nang matalim at natawa ako dahil kung nakakamatay lang ang tingin, nasa kabaong na ako. "Ano nalang ang iisipin ng kaibigan mo?" Sumbat niya sa akin kaya nagtatakha akong tumingin sakanya.

"Nagmamaang-maangan ka pang unggoy ka! K-kung-- kung sabihin ko kaya to kay Troy!" Pigil na pigil siya sa pag-iyak kaya napangiti ako sa loob-loob ko. Posible kayang, ako ang iniiyakan niya? "Ano namang sasabihin mo kay Troy?" Panghahamon ko sakanya pero nakatanggap ako ng malakas na sampal. Lintek! Para saan yon?

"Kupal ka, nakakainis ka. Ang manhid manhid mong leche ka. Punyeta ka." Habang pinagmumura niya ako ay tuluy-tuloy na ang pag-iyak niya. Shit, bakit pakiramdam ko gusto niya ako? Gusto mo ba ako, Dana? Agad kong pinigilan ang panghahampas niya at niyakap ko siya nang mahigpit. Sobrang basa na yung damit ko sa harapan dahil hindi naman niya abot ang balikat ko.

"Dana, mahal kita."

Dana's POV

"Dana, mahal kita."

Kumalas ako sa pagkakayakap at sinampal siya nang pagkalakas-lakas. Nakita ko pa kung papaano namula yung pisngi niya. Nilagay ko sa likuran ko yung kamay kong ginamit ko sa pananampal sakanya. Aray, ang sakit. Ang kapal ng mukha ng unggoy na to.

"Hoy, wag mo nga akong pinaglololoko. Kanina si Trix ang pinupuntirya mo, akala mo ba hindi ko narinig yon ha? Wag mo ngang paglaruan yung nararamdaman ko! Oo na, oo na! Kung para sayo, tomboy ako. Pero para sa sarili ko, babae ako, Kier. Nasasaktan rin ako." Pahikbi-hikbi kong sigaw. Ganito ba kasakit ang pagmamahal na sinasabi nila? Ngayon ko lang naramdaman tong feeling na to.

"Fuccboi ka, fuccboi kang unggoy ka. Wag ako." Pahabol kong sabi at hinampas siya sa dibdib. Narinig ko ang mahinang halakhak niya kaya napatingin ako sakanya. Pinunasan niya ang luha ko kaya hinampas ko ulit ito. Pareho sila ni JV, pareho silang fuccboi e huhuhu. Dapat di namin sila hinayaan.

Hinawakan niya ang balikat ko at halos matumba ako sa seryosong mga tingin niya. "Lintek naman, Dana. Seryoso ako." Pakiramdam ko umapoy sa galit ang mga mata niya. Umiwas ako ng tingin. Waaaaa bakit ang awkward naman, ang lapit namin sa isa't-isa.  "S-seryoso din ako! Nakita ko kayo kanina ni Trix. Sinabi mo pa nga sakanya yung--" Napahinto ako nang putulin niya ang sinasabi ko. "Mahal kita." Napalunok ako dahil sobranb seryoso ng mukha niya.

Umiwas ako ng tingin at marahas na pinunasan ang luha ko. "O-oo! Tama, yan yung sinabi mo kay--" Hinawakan niya ang braso ko at tinignan akong muli sa mata. "Mahal kita, Dianara Gomez." Para akong pinagbagsakan ng mga bato sa langit. Hindi ko alam kung anong irereact ko. "He-he." Pinilit kong ngumiti dahil sobrang awkward, leche.

Napansin ko naman ang pagpipigil niya nang ngiti. Nabigla ako nang hilahin niya ako at matapos yun ay niyakap niya ako ng mahigpit. "Seryoso kaba?" Paniniguro ko at kumalas sa pagkakayakap niya. "Mmmm." Sabi niya at hinila ako ulit para mayakap. Binaon niya ang mukha niya sa leeg ko. Ramdam na ramdam ko ang pagngiti niya kaya napangiti rin ako.

Ramdam na ramdam ko rin ang pag-iinit ng pisngi ko. Pakiramdam ko, babaeng-babae ako. Pakiramdam ko prinsesa ako. "Yung totoo kasi." Tanong ko ulit kaya hindi na niya napigilan ang tawa niya. Sinamaan ko agad siya ng tingin kaya tumigil siya sa pagtawa. "Grabe ka, tomboy. Mukha bang hindi ako mapagkakatiwalaan?" Pagpapacute niya kaya napaisip ako. Hmmm. "Slight." Sabi ko at tumalikod. Pasimple akong ngumiti nang marinig kong nagrereklamo siya sa likuran ko.

"Tomboy naman e." Pakiramdam ko ay sobrang sigla ko ngayon. "Bakit ba kasi ayaw mong maniwala?" Pahabol niyang tanong at rinig na rinig ko ang paglakad niya palapit sa akin. "Fuccboi ka nga." Sabi ko at tumawa ng malakas.

Sunod kong naramdaman ang pagbigat ng likuran ko. "Leche umalis ka dyan!!!" Iritang-irita kong sabi at pilit siyang inaalis sa likuran ko! Aysh, ang bigat bigat ng lalakeng to! "Piggy back ride, tomboy." Bulong niya habang tatawa-tawa. "KIER ANO BA!?"

"Ayieeeeeeeee!"

Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa narinig ko. Tumingin ako sa pinanggagalingan ng mga boses at nagulat ako dahil andun yung anim.

--tbc--

Wanted: Fake GirlfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon