A/N: Join my Group! Aimstickmhee's Stories! :)
I am promoting one author. Nasa Dedication ko siya!
Chapter 1
-Sofie-
"It's today! It's today!!!" I shouted out of my room when I woke up.
Excited ba? Yes, I am. Because pupunta kami ngayon kila tita babes ko at makikita ko na ulit ang mga pinsan ko, sina Jace at Kelvin. Lagi naman kaming nagkikita sa school pero hindi kami laging nakakapag-usap kasi magkaiba kasi kami ng classroom at si tita babes ko talaga ang pinakamiss ko sa lahat. Nung nasa baba na ako sigaw pa rin ako ng sigaw ng it's today! Ilang buwan kaya kaming hindi nagkita ni tita.
Pagkatapos kong maligo at magbihis dumiretso agad kami ni mommy sa kotse at nagpatugtog na lang ako ng mga kanta sa play list ko sa ipod ko. I am at the shotgun seat with my seatbelt's on. Before kami makaalis ng tuluyan sumigaw si lolo Mikhail ng Ingat anak sa pagdrive! Have fun there apo!
By the way, I am Sofie Grey and I am the only daughter of Camy Grey. Yung sumigaw kanina ay ang lolo ko na si Mikhail Grey dating asawa ng lola kong si Iris Fraser pero after dawn ng limang taong pagkakahiwalay nila nakapag-asawa ulit si lola Iris kay lolo Joshua Ryans at pinanganak naman ang tita babes ko na si Nicky Ryans.
"Baby, nandito na tayo." Sabi sa akin ni mommy kaya agad kong tinanggal ang headphone ko na nakakabit sa tengga ko pati na rin ang seatbelt ko at dirediretsong lumabas ng sasakyan.
"Tita babes! I am here!" Sigaw ko at lumabas naman ang tita ko. Inakap niya ako kaagad pero hindi masyadong mahigpit kasi buntis siya ngayon.
"Baby pamangkin ko! I miss you so much!" Sabi niya habang lumiliyad siya para hindi siya mahirapan.
"Ako rin po tita babes. Tita, nasaan po sila insan?" Tanong ko sa kanya.
"Nandun sa tito Enrique mo sa kusina, sige na puntahan mo na sila doon." Sabi niya at tumakbo naman ako para puntahan sila.
Pagkarating ko doon sumigaw ako ng napakasaya. "I miss you guys!"
Lumapit naman sa akin si Jace at niyakap ako, si Kelvin naman ginulo ang buhok ko. "Ang pangit mo pa rin Sof." Sabi niya habang nakangiting nakakaasar.
"Hindi ako pangit, cute ko kaya." Sabi ko sabay belat sa kanya. Umupo naman ako sa isa sa mga stool sa kitchen nila at narinig ko naman si tito Enrique na tumatawa.
We are going to stay here for the entire day. Wala lang bonding time lang kami. Close kasi si tita babes pati ang mommy ko at close rin kaming magpipinsan pero mas close kami ni Kelvin.
"Alam mo Sofie, maganda ka." Biglang sabi ni Kelvin sa akin at ako naman nagblush. First time kayang may nagsabi sa akin ng ganoon at galing pa kay Kelvin.
"Bolero ka o narinig mo lang sa mga lola natin yan?" Pabiro kong sabi
"Nabasa ko lang sa computer... hahahaha... kailangan daw sabihan ang mga pangit ng ganun para magboost ang kanilang self-esteem." Sabi niya at ako naman nag-pout. Nang napansin niya yung itsura ko tumawa lang siya. "Joke lang Sofie. Pero seryoso, maganda ka."
"Bolero ka nga." Natatawa kong sabi. Umupo naman siya kasi nakahiga kami ngayon sa damuhan nila, tapos tumingin siya ng seryoso sa akin.
"Seryoso ako, Sofie." Pagkasabi niya nun umiwas ako ng tingin sa mga mata niya at tumingin na lang ako sa langit. Iba kasi yung nakita ko sa mga mata ni Kelvin, malungkot yung mga mata niya. Ilang beses ko na siyang tinanong yan tuwing nakikita ko yung mga malulungkot niyang mga mata pero lagi niyang sagot ay hindi naman daw siya malungkot baka raw guni-guni ko lang daw yun. Pero alam ko kung ano yung nakita ko.
BINABASA MO ANG
Bring Back The Past Operation
RomanceOperation Series # 1 Cupid chooses no one when he has a target. There are only two choices and that is whether you let the arrow hit you or you will shield yourself from it. Cover...