A/N: Dedicated kay WalangMagawa1210. Siya ang inspiration ko sa story na ito. Dahil sa I Love You Kuya kaya nakagawa ako ng plot ng Bring Back the Past Operation
Chapter 8
-Jaylord-
I went to Sofie's cabin to apologize to her but I found a clean cabin, no Sofie is to be found. I tried to call her pero naka-off na yung cellphone niya. I went to my friends para tanungin kung alam nila kung nasaan si Sofie.
"Pare ikaw ang boyfriend di ba? Bakit sa amin mo tinatanong?" sabi ni Seth.
"Cedric kaya tinatanong kasi hindi ko alam!" nakita ko naman ang pagbago ng mukha ni Seth.
"Hey don't call me that, Jaymi." Sabi niya.
"Tama na nga yan. Mag-aaway pa kayo eh panigurado naman na may nangyari nanaman kaya hinahanap niya ang girlfriend niya sa atin." Sabi ni JC and I nod. "Kitams? So what is it this time?"
I told them what me and Reeyah talked about and what happened when Sofie showed up. They are all shocked. They knew Reeyah, she is my first love but we couldn't be together because of our family are rival. Well, basically rival not in the business of Williams but in the business of Moore. Mendoza and Moore are rival since our grandparents and even the tension between the family are subside hindi pa rin kami pwede kasi buhay pa ang mga lolo namin that time at ayaw nila na maging parte kami ng kani-kanilang pamilya.
Mga bata pa naman kami noon, puppy love lang, at ngayon wala na kong nararamdaman kahit ano towards Reeyah at lahat ay na kay Sofie na pero ang masaklap, Sofie knew Reeyah kasi kay Sofie ako noon tumakbo noong nagkaproblema sa buhay ko. Siya na ang bestfriend ko that time at alam ni Sofie na si Reeyah and first love ko.
Pero pinagtatakahan ko lang bakit ako nagresponse sa halik ni Reeyah? Dahil nakita ko lang ang mukha ni Sofie at akala ko si Sofie yun pero dapat inisip kong iba yung kaharap ko.
Dahil hindi ko makita si Sofie sa buong campus kaya napagdesisyunan kong umuwi ng bahay. I am allowed to be in and out of the school without the permission of the headmaster kasi ako ang anak ng may ari.
Pagkadating ko sa bahay sinalubong agad ako ng mga katulong namin.
"Good Evening young master, Jaylord." Sabi nila sa akin.
"Where's my parents?" tanong ko.
"They are at the kitchen young master." Dumiretso ako sa kusina at nakita ko na nakaakap si daddy kay mommy habang si mommy nagluluto ng pagkain.
"Hindi kaya magka-diabetics ako niyan sa sobrang kasweetan ng mga magulang ko?" sabi ko kaya napabitaw si daddy kay mommy at sabay silang lumingon. Tumakbo naman si mommy sa akin at inakap ako. Madali akong mamiss ni mommy kasi ako lang ang nag-iisang anak na lalaki nila. Hindi na nasundan pa kasi hindi na makalusot si daddy dahil sa pareho silang nagtratrabaho.
Habang nakaakap si mommy sa akin nakatingin lang si daddy and he mouthed the word Problem? And I nod, pero hindi ko pinahalata kay mommy, at alam na ni daddy yun.
"Jaymi why are you here? Bakit napauwi ka ata? Sabi mo sa OU ka magstay kasi nandoon si Sofie." Sunod-sunod na tanong ni mommy.
"Miss ko luto niyo eh. Pero babalik din ako dun bukas." Palusot ko. Nakita ko si daddy na umiling. Tinignan ko lang siya at parang sinasabi na I know daddy mahilig akong magresearch sa palusot.com at natawa si daddy. Lumingon sa kanya si mommy "Problem Jay-jay?"
"Nothing babe." And he winked at my mom.
Nang natapos na kaming kumain nila daddy, for your information na sobra akong nagselos kasi naman nasusubuan sila ni mommy, dumiretso na sila sa kwarto nila pero bago pa makalayo si daddy nagsignal siya na hintayin ko siya sa garden kaya tumango na ko.
Pagkapunta ko doon hindi pa rin nagbago yung paligid nandoon pa rin yung swing at ang rose garden ni mommy. Umupo na lang ako sa swing at tinignan ang mga stars. Sobrang ganda nila kasing ganda nila yung mga mata ni Sofie.
"Anong problema, anak?" bulalas ni daddy at umupo na sa tabi ko. Kinuwento ko naman kung ano yung nangyari at parang dati poker face lang si daddy. "Any advice?" tanong ko. Si daddy ang magaling sa mga banat na matinik kaya nakuha niya si mommy.
"Set her free." Simpleng sagot ni daddy.
"What?!" napasigaw ako at tinakpak ni daddy yung bibig ko.
"Patapusin mo ko. Set her free hayaan mo munang maging malaya siya at alamin yung buhay kung wala ka pero wag kang lalayo. Pero bago mo siya i-let go mag-explain ka muna kung ano yung nangyari, yung buong nangyari. I know na maiintindihan ka niya. Sofie is an understanding person. After that tell her kung gusto ba niyang ituloy ang relation niyo kung ayaw na niya, sabihin mo na stay friends kayo. Pero yung pagmamahal na ipakita mo sa kanya yung kung sino ka kung sino yung Jaylord na naging bestfriend niya, yung Jaylord na minahal niya."
"Ang hirap naman nun daddy." Sabi ko pagkatapos ng ilang minuto.
"Mahirap pero kakayanin mo para kay Sofie. You hurt her already at pang ilang beses na iyan? Dalawa o tatlo? Kahit hindi mo sinasadya nasaktan mo pa rin siya. Dahil diyan sa pagiging chick magnet nating mga Williams kaya ang mga mahal natin nasasaktan." Tinignan ko si dad.
"Ilang beses niyo nang nasaktan si mommy?" tanong ko.
"Maraming beses na pero palagi akong nandiyan para suyuin siya. At ipakita sa kanya kung gaano ko siya kamahal pero sa lagay na mong iyan? Malabo, anak kasi paulit ulit yung rason kung bakit siya nasasaktan. Yung makita ka niya na may humalik at hinalikan mo. Sabihin natin Sofie don't want to kiss you hayaan mo lang. Maybe she's afraid of something na hindi natin alam. Minsan may kinatatakutan ang babae kapag hinalikan na sila ng lalaki at yun yung mahulog yung loob nila ng lubusan." Sunod-sunod na sabi ni daddy.
"Sa tingin niyo dad makakaya ko?" sabi ko.
"Kung noong wala siya nakaya mo ngayon pa kaya na alam mong pwede siyang bumalik sayo? Bata pa kayo anak. You are just nineteen and Sofie is just seventeen, marami pang panahon ang pwede niyo gugulin sa isa't isa kapag kayo talaga." Sabi ni daddy at tinapik na niya ko sa balikat. "Aakyat na ko anak. Gising pa mommy mo ng umalis ako at naliligo lang kanina. Baka makascore na ko at masundan ka na." ngiting umalis si daddy.
Ano kaya ang mga pinagdaanan nila mommy at daddy para maging ganito sila kasaya. Sana maging masaya narin ako sa piling ni Sofie.
The next day I left early so that I could look for Sofie and apologize to her but the same scene that happen last time I didn't find her.
I was about to enter the cafeteria ng masalubong ko ang barkada kasama si Sofie. Nagulat ako pero mas magulat siya pero napalitan ng galit.
"We need to talk, please?" sabi ko.
"Iwanan ka muna namin Sof." Sabi ni JC at umalis na sila pero bago tuluyang makaalis si JC tinapik niya ko sa balikat.
"Let's break up." Sabi ni Sofie kahit hindi pa ko nakakapagsimulang mag-explain.
"Let me explain." I told her.
"No need to explain. Narinig ko yung sabi ng mga cheerleaders and it is not your fault. Well, partly it is your fault because you kissed her but I think Yannie hates me so much and I don't want you to be involved."
"At least we could stay friends?" I said. That's the only hope I could get.
"No. I'm sorry." She said.
"Why?"
"I don't want to because I want us to be bestfriends." She said and she hugs me so tight.
Wala na kong magagawa, she made her decision but at least we are back being bestfriends.
After a few minutes of hugging each other, we parted our embrace and she left. I watch her leave because that's the least I could do to watch her walking away from me.
"Sof!" sabi ng isang boses sa likuran ko. Lilingon pa lang ako pero nakita ko na si Kelvin na tumatakbo at hinabol si Sofie. Kahit gusto kong magalit hindi ko magawa dahil kaibigan na lang ako niya at si Kelvin ay pinsan niya.
BINABASA MO ANG
Bring Back The Past Operation
RomanceOperation Series # 1 Cupid chooses no one when he has a target. There are only two choices and that is whether you let the arrow hit you or you will shield yourself from it. Cover...