Chapter 19

250 6 4
                                    

Chapter 19

-Kelvin-

Sinunod ko ang sinabi ni Yannie. Lumayo ako at pilit kong nilalayo ang sarili ko pero tuwing nakikita ko siya gusto ko siyang yakapin at halikan at humingi ng tawad sa mga nagawa ko sa kanya. Gusto kong magpaliwanag sa mga nagawa kong kasalanan dahil alam kong sobra ko siyang nasaktan at nasasaktan. Gusto ko ring bumalik yung dati naming turingan bilang magpinsan.

Pero simula ng sabihin ni Yannie yun wala na kong lakas para gawin at sabihin yun sa kanya dahil alam kong hindi na importante sa kanya iyong mga iyon. Simula ng sabihin ni Yannie yun wala na kong tigil sa pagiinom. Tuwing umaga papasok ako sa mga klase ko pero pagdating ng hapon kukuha ako ng alak at iinom sa cabin ko. Hindi naman nila malalaman dahil magaling akong magtago. Walang makakapagpigil sakin kahit pa si Cryzel. Alak na lang ang kasama ko para maging manhid ang nararamdaman ko.

Isang buwan ko na tong pinipigilan. Isang buwan na rin ang nakalipas simula ng nakita kong move on na siya. Nakaya na niyang tumingin sakin na walang sakit na nararamdaman. Bumalik na yung dating Sofie na nakikita ko noong bata pa kami.

Hindi ko nga siya makuhang tignan tuwing nasa klase kami – yung isang klase lang na magkaklase kami – at tuwing malalaman kong siya ang kapartner ko sa klase kinabukasan liliban ako sa klase. Ganun ang pagiwas ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano niya ginawang makamove on na narito ako sa paligid na halos lagi kaming nagkikita.

Last day naman na ng class kahapon at pwede kaming magstay dito hanggang bukas para sa last minute requirements ng mga professors at wala naman akong balak magpasa ng mga requirements kaya ito ako galing sa magdamagang pagiinom.

"Sorry." Sabi sakin ng nakabunggo sakin. Pagtingin ko sa taong nakabunggo sakin nagulat ako kung sino siya.

Si Sofie lang naman, nakasports wear siyang suot habang nakapony tail ang buhok niya at nakaheadphones. Nagkatitigan kami ng matagal. Ito na yung pagkakataon ko pero bakit hindi ko magawa yung mga sinabi ko.

Naaalala ko yung sinabi ni Yannie sakin. Naaalala ko yung mga sakit na nasabi ko sakanya at alam kong huli na ang lahat.

"Bakit amoy alak ka?" tanong niya agad pagkatapos niyang humingi ng patawad.

"Pakialam mo ba?" patanong kong sabi at lumakad na ulit. Hindi pa ko nakakalayo ng bigla siyang nagsalita. "Gosh." At saka siya lumapit sakin. Hindi ko alam bakit niya yun sinabi at kahit gusto kong tanungin siya nagpatay malisya na lang ako para makaiwas na. Iyon naman ang ginagawa ko.

"Hatid na kita sa cabin mo. Gumegewang gewang ka na sa sobrang lasing oh." Sambit niya at saka niya hinawakan ang braso ko pero inalis ko yun.

"Bitiwan mo ko, Sofie. I am doing you a favor at umiiwas ako pero bakit ka lapit ng lapit? Tao ka Sofie hindi magnet. Kaya lumayo ka kasi ikaw ang human ecstasy ko baka hindi ko na kayang lumayo at sabihin ko lahat bakit ako lumayo." sambit ko. Hindi ko na matiis kasi. Ayoko na siyang masaktan tama na ang ilang buwan at araw ko siyang ginambala, pinalito ang isipan at damdamin at higit sa lahat ang sinaktan siya.

"Yeah, you are doing a favor to avoid me so that I could move on but I am also doing a favor here and taking you to your cabin as your schoolmate and as your cousin. And I don't want to hear your god damn explanation why you leave me because right now I treat you as my cousin." Sabit niya. Tinignan ko siya sa mata, wala sa mga mata niya ang galit pero pagkairita meron.

Tinignan ko lang siya. Lalong gumaganda si Sofie, nagpakulay ulit siya ng buhok niya. Hindi na ulit kulay itim. May highlights na ng brown at mas pumayat pa siya kaysa sa dati. Mas gumanda siya at habang tinititigan ko siya yung pagmamahal ko sa kanya lalong lumalalim at alam kong wala na kong takas. Nasa bangin na ko ng pagmamahal ko sa kanya.

Bring Back The Past OperationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon