Chapter 23
-Sofie-
Pagkatapos naming sumayaw ni Jaylord. Hinatid niya na ko sa gitna kung saan ako talaga na kaupo at umupo siya sa tabi nila tita Adrian at tita Miranda and Yannie.
Nang natapos ang party hinatid kami nila Kelvin – Kelvin and Cryzel – sa bahay. Dito kasi muna magstay si Kelvin simula kasi nung nalaman niya yung tungkol sa condition ko gusto daw niyang alagaan ang magiging inaanak niya. Aba nagpresintang maging ninong, okay lang din naman sakin kasi gagawin ko naman talaga siyang ninong. I stay at the garden para makita ang mga flowers na nagsisimulang mamukadkad.
"Nandito ka lang pala." Biglang sabi ni Cryzel. I still feel scared when she's near me sabi kasi ni Yannie she's been in hell when she and Kelvin are together.
"Oh hey." Sabi ko naman na medyo nangangatog.
"Are you okay?" she said na hinawakan ang mga braso ko.
"Yeah, yeah." Sabi ko sa kanya habang lumayayo.
"Zelly, wag mo na munang takutin si Sof." Sabi ni Kelvin na hinawakan niya ko sa braso.
"Eh? Gusto ko lang makipag usap sa kanya eh." Sabi niya sabay pout. Ay ang cute!
"Kita mo ngang natatakot sayo. Paniguradong nasabi na ni Yannie yung ginawa mo sa kanya."
"Oh my. Hindi na ko ganun, ever since I left OU I change myself at Sofie okay na kami ni Yannie. Kaya wag ka ng matakot. Friends na tayo diba?" sabi niya at ako nakatulala at natatakot pa rin ng kaunti sa kanya.
"Hangga't natatakot siya sayo hindi counted yan Zelly." Sabi ni Kelvin at lalong nagpout si Cryzel.
"Ang cute." Bigla kong sabi.
"Hindi yan cute. Pacu-te siya." Sabi niya at natatawa.
"Ang sama mo Vin." Sabi naman ni Cryzel.
"Kapag hindi mo tinigilan ng pagnguso mo baka ikaw ang sumunod na mabuntis." Sabi ni Kelvin at hinatid niya na ko sa loob ng bahay pero bago kami tuluyang makaalis nakita ko si Cryzel na nagblush.
Pagdating namin sa loob pinadiretso na niya ko sa kwarto and like before nung mga bata pa kami, he tucked me in bed.
"Tulog na Sofie at napagod ka panigurado." Sabi niya at aalis na sana siya ng hinawakan ko ang kamay niya.
"Thank you." Sabi ko kay Kelvin.
"Wala yun. Nasabi mo na ba kay JM?" sabi niya and I shook my head.
"Natatakot pa ko kasi." Sabi ko at magsasalita pa sana siya ng biglang may tumawag sa telepono niya.
"I'll have to take this call. Sige na tulog ka na." sabi niya at tuluyang umalis sa kwarto ko.
-Kelvin-
"Pare bakit?" sagot ko sa kabilang linya.
"Pwede ba tayong mag-usap? Hindi tayo kasi nagkausap noong oras ng party." Sabi niya at pumayag naman akong makipag kita sakanya. Sinabi niya kung saan kami pwedeng magkita. Sa malapit na bar-restaurant lang naman siya kaya pumunta agad ako doon pero bago ako pumunta nagpaalam muna ako kila tita.
"Pare." Bati niya pagdating ko doon. Halos puno yung lugar kasi nga bar-restaurant siya.
"Pare. Bakit mo ako dito pinapunta?" tanong ko ng pagupo namin sa bar counter at umorder ng maiinom.
"Gusto ko lang malaman tungkol lahat ng nangyari kay Sofie."
"Nasabi ko na sayo JM ang lahat."
"Sigurado kang akin ba yung bata?" tanong niya.
"Oo, siguro. Hindi ko rin alam, pare. Basta ang alam ko buntis siya. Ayaw din kasi niyang malaman kung ilang buwan na yung bata. Kahit anong mangyari mahal ka nun." Sabi ko saka uminom ng juice na inorder namin bago nagusap. Hindi naman namin balak maginom ng alak.
"Hindi ko kasi pa rin kasi maisip. Sobrang pag-aalala niya sayo noon at sinabi niya na sobrang mahal ka niya." Malungkot niyang tugon.
"Oo, sobra niya kong mahal kasi pinsan niya ko. Pero yung pagmamahal niya sayo sagad. Sobra pa sa sobra. Ilang linggo kaming nagkasama at nakita ko kung anong Sofie noong wala ka. Para nga siyang patay ay mali para siyang zombie. Grabe nagpapakasaya siya pero bibilang ka lang ng limang segundo at babalik na ulit siya sa pagiging malungkot. Kahit nga mga kaibigan mo hindi makuhang patawanin siya ng sobrang tagal."
"Sa tingin mo ako ang dahilan noon?" tanong niya at tinapik ko naman ang mga balikat niya. "Oo sigurado ako. Iba kaya yung ngiti niya nung nakita ka niya."
Natahimik ang lugar ng ilang minuto. Hindi naman sa tahimik yung lugar, kami lang pala at nagmukhang natahimik ang lugar dahil pareho kaming may nasa isip namin.
"Alam ba niya na alam ko na?" bigla niyang sabi at umiling ako.
"Hindi ko sinabi dahil alam kong gusto niyang siya ang magsabi sayo noon." sabi ko naman at tumango siya.
"Hihintayin ko yun at hindi ko na siya iiwanan dahil mahal ko siya. At kahit sino ang ama ng bata tatanggapin ko pa rin."
"Kahit naman noon pa mahal mo siya pero iniwanan mo pa rin siya." Sabi ko.
"Oo kasi akala ko mahal ka pa rin niya tulad ng dati."
"Oo tulad ng dati dahil pero yung dating yun ay pagiging magpinsan namin." At natawa ako sa itsura niya. Yung mukha kasi niya parang sobrang gulat pero bigla yun nawala nung natapos ko na yung sinabi ko at natawa ako.
"Grabe kang magbiro ah."
"Hindi ako nagloloko. Masyado mo lang dinidibdib yung mga nangyari. Nakaraan na yun, nangyari na ang nangyari. Kung ano man ang nangyari sa pagitan namin ni Sofie ay daan para siguro mahalin ko ngayon si Cryzel."
"Ingat mo yun. Masyado niyang pinahirapan daw kapatid ko noong kayo."
"Alam ko pero siguro napagisip-isip ni Cryzel na hindi niya ko makukuha sa pagiging salbahe niya." Napalingon ako sa kanya at nakita kong yung kamay niya nasa may ulo niya.
"May problema ba pare?" sabi ko.
"Meron."
"Ano yun?" tanong ko.
"Nalulugi na kompanya ni mommy." Sabi niya.
"Anong plano niyo?" tanong ko at ito ang isang bagay alam kong ito lang ang paraan. "Ibebenta na ang kompanya."
"Kanino naman?" sabi ko makaraan ng ilang Segundo.
"Hindi ko pa alam kung kanino."
"Sa akin na para hindi naman ako umasa kila mama at papa."
"Salamat pare."
"Wala yun. Isipin mo na lang na kabayaran yun sa lahat ng nagawa ko sa inyo at saka ayoko ngang paasa sa magulang ngayon pang magkakainaanak na ko." Sabi ko sabay taas ko ng akin kilay. Natawa na lang siya at nagpasalamat ulit.
Pagkatapos naming magusap umuwi na ako kila Sofie. Dito muna ako tumitira sa kanila simula ng nalaman kong ginawang rebound ni mama si papa. Ayos lang naman kay tita at tito na dito muna ako para rin daw may mag-aalaga kay Sofie. Si Cryzel panay ang dalaw dito dahil nagustuhan niya ito, mapagkakamalan mo ngang buntis din itong si Cryzel dahil parang gusto niyang makita lagi si Sofie at naiirita sa kapatid niya.
"Kanina ka pa hinahanap ni Sofie." Biglang sabi ni Cryzel at ako naman inakap siya.
"Hayaan mo munang hanapin ako ng pinsan ko. Ikaw muna ang aasikasuhin ko." Bulong ko sa kanya.
"Tigilan mo nga ako Vin." Sabi ni Cryzel.
"Ouch. Basted agad." Pag-kukunwari ko.
"Bakit basted?" tanong niya.
"Nanliligaw kaya ako sayo. May may mutual understanding na nga tayo." Sabi ko sa kanya pero kinagulat ko bigla siyang kumawala sa pagkaakap ko at saka nagpaalam na uuwi na.
"Hatid na kita." Sabi ko.
"Hindi na. Nasa labas naman na yung driver ko." Sabi niya saka umalis.
Ano na naman ang nagawa ko sa kanya?
BINABASA MO ANG
Bring Back The Past Operation
RomanceOperation Series # 1 Cupid chooses no one when he has a target. There are only two choices and that is whether you let the arrow hit you or you will shield yourself from it. Cover...