Chapter 44

223 6 1
                                    

Chapter 4

-Jaylord-

Mag-gagabi na ng biglang may tumawag sa akin. Si Daddy, tumatawag. Gabi na at hindi ako sanay na tumatawag si dad ng ganitong oras.

"Dad, napatawag ka?" Panimula ko kaagad.

"Nasa opisina pa kayo ng kakambal mo?" tanong niya.

"Oo dad. Pati si Katsumi at si Yumi nandito pa. Bakit dad?"

"Anak, tumawag si Ken. Naaksidente raw sa may Makati sina Sofie. Nasa St. Luke's Global sila." Sabi ni dad at napatay ko kaagad yung cellphone ko. Bahala na kung magalit si dad pero kaibigan namin yung naaksidente. Halos buong buhay ko parte siya.

Napatakbo kaagad ako papunta sa opisina ni Yannie, eksakto nandoon si Katsumi at Yumi.

"Tumawag si Dad. Naaksidente raw sila Sofie." Sabi ko kaagad.

"Saang ospital pare? Puntahan natin." Sabi ni Katsumi. Sabay-sabay naman kaming umalis ng opisina. Ayos lang naman dahil halos wala naman ng mga empleyado.

Nagmadali kaming pumunta sa St. Luke's Hospital sa may Global at nakita namin na nandoon sila Dad, mom, si tita Camy at tito Ken, si tita Nicky at si tito Kevin pati na rin sila JC, Seth, Lester at Cryzel.

"Tita anong nangyari." Sabi ko at napayakap sa akin si tita Camy at umiiyak. Inalo ko ang likod niya habang sinasabi ni tito Kevin ang nangyari.

"Sabi ng nakakita banggaan daw."

"Silang dalawa po ni Kelvin?" tanong ni Yanyan.

"Kasama yung mga bata." Sabi ni tito Ken at doon sa narinig ko ay parang nabuhusan ako ng isang balding tubig.

"Jaylord." Iyak na naman ni tita Camy.

"Tita, shh. Maliligtas sila. Marami na silang pagsubok na naharap. Malakas yung magkapatid kaya makakaya nila yan." Sabi ko. Pagbibigay ko ng lakas sa kanya pero ang totoo sarili ko ang pinapalakas ko. Kunin na nilang lahat sa akin basta huwag lang ang bestfriend ko at ang inaanak ko na tinuring ko ng mga anak.

Ilang oras din ang nagdaan at wala pa ring doctor na lumalabas galing sa loob. Si Yumi tanong ng tanong kung sino ang hinihintay namin sa loob, nang sinabi ni Yanyan kung sino bigla na lang umiyak si Yumi at nagdasal ng nagdasal ng 'Angel of God' kahit ako napapadasal na rin. Kung totoo man na may anghel ang Diyos sana iligtas nila sila. Iligtas nila ang pamilyang ito. Biglang lumabas ang doctor galing sa loob at lahat kami ay nagsipuntahan.

"Kayo ba ang pamilya ng biktima?" tanong ng doctor at lahat kami napatango. Kahit naman 'di kami tunay na pamilya sila Sofie naging pamilya na rin ang turing namin sa kanila.

"Ayos naman sila. The little kid is safe like nothing happen as well as the mother but for the father may bali ang kaliwang bahagi ng kanyang braso at a few stitches sa mukha but he has a swollen his head that leads to comatose. As of the other kid, may hairline fracture ang skull niya at it might lead to comatose as well. I'm sorry." Sabi ng doctor saka umalis.

Comatose si Blaze at si Kelvin, bakit kailangan maging ganun. Bakit kailangang macomatose pa sila?

Nilipat kaagad ng kwarto sila Sofie. Nagising kaagad si Kayezza na parang walang nangyari at nakikipaglokohan na sa anak ko. Si Sofie naman ay pagising-gising pero hindi pa rin tuluyang nagising. Kinabukasan dumating sila lola Jane – lola ni Sofie at Kelvin – pati yung asawa niya at ganun pa rin ang set up. At ganun pa rin ang set up. Dalawang araw ding pagising-gising si Sofie bago siya tuluyang nagising.

"Jaylord." Sabit ni Sofie pagkatapos niyang mahagip niya ako ng tingin.

"Sofie." Sabi ko sa kanya.

"Ang mga mag-aama?" Tanong ni Sofie.

"Ayos naman si Kayezza pero si Blaze at si Kelvin –"

"Anong si Blaze at si Kelvin?"

Hindi pa sila nagigising." Sabi ni ko. Nagsimula namang tumulo ang luha niya.

"Magpakatatag ka Sofie. Ngayon ka kailangan ng anak mo at ni Kelvin, at saka nandito naman kami. Hindi ka namin pababayaan. Tandaan mo yan. Nandito kami para sa iyo." Sabi naman ni Yannie ng lumapit.

Lumapit naman si Yumi kay Sofie at hinawakan niya ang kamay nito.

"Don't worry, Ninang. Everything will be okay." Sabi ni Yumi at ngumiti naman si Sofie. Kahit sobrang kulit ni Yumi ay malambing pa rin ito na alam kong nagmana sa kanyang Ina.

"Thank you, Yumi." Sabi ni Sofie at may luha namang tumulo ulit dito.

Nandito lang kami sa tabi mo Sofie. Nandito lang kami lagi.

Bring Back The Past OperationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon