Chapter 36
-Sofie-
"Kelvin, alisin mo na ito." Sabi ko kasi naman kanina pa ako nakapiring. Masakit na kaya.
Nitong nakaraang mga buwan para akong reyna kung ituring ni Kelvin. Dahil halos wala naman kaming dalang gamit ni Blaze nung kaya dapat laba-suot ang gagawin ko kay Blaze ng pigilan ako ni Kelvin at pinakita niya sa amin ang mga damit na pinamili niya para sa amin. Para daw yun sa mag-ina niya.
Eto kami ngayon. Pinahanda niya yung sasakyan niya dahil may pupuntahan raw kami nila Blaze at kasama ang mga yaya at katulong. Buwisit siya kasi pag-upo ko pa lang sa sasakyan piniringan na niya ako at sabi niya hayaan na daw muna ko ang baby namin sa yaya.
Bago na yaya ni Blaze. Syempre kasi bigla-bigla kaming kinuha ni Kelvin. Bago lahat maliban sa mga ngiti niya. Ngiti ni Kelvin na nagpapasaya sa akin. Nagbibigay pag-asa na malalampasan namin ang lahat ng problema.
"Nandito na tayo." Salita ni Kelvin pero hindi pa rin niya inalis ang pagkakapiring ng mata ko. Nagtataka na ko rito kung saan ba niya talaga ako dadalhin. Tahimik lang niya kong nilabas ng kotse, walang isang ingay din akong narinig. Mga huni lang ng ibon ang naririnig ko at ang hininga ni Kelvin na malapit sa mukha ko. Naramdaman kong pumunta si Kelvin sa likuran ko at inakap ako.
"Tatanggalin ko na ang piring mo ha?" sabi niya kaya tumango ako at ng tinanggal niya iyon saka siya yumakap sa akin dahil sa tagal ng pagkakapiring sa akin ay nag-adjust muna ang mata ko sa paligid at ng nakapag-adjust na nagulat ako sa aking nakita. Nasa harapan ako ng isang malaking gate at unti-unti itong bumukas. Tinulak ako ni Kelvin pa tungo sa loob habang nakayakap pa rin siya sa akin at hanggang sa nakarating kami sa isang pintuan.
"Home, sweet home." Sabi niya kaya napalingon ako.
"Sayo ito?" tanong ko at tumango siya. Pinaharap niya ako sa kanya saka siya nagsalita. "Sa akin dati pero ngayon. Sa atin na. Dito tayo magsisimula, lalaban sa pagmamahalan natin at hindi na kita bibitawan pa. Dahil mahal na mahal na mahal na mahal kita."
"Pero paano si Jaylord?"
"Binigay ka na niya sa akin diba? Binigay niya na kayo sa akin?"
*Flashback*
Napagisipan kong lumabas sa may garden ng hotel para makapagpahangin. Matagal na rin akong hindi nakakalanghanap ng sariwang hangin. Si Blaze karga-karga ko at dinala siya sa may gitna ng garden ng biglang may humawak ng braso ko paglingon ko si Jaylord. Gusto kong maiyak sa takot dahil hindi pa ako handang makita siya.
"Sofie." Sabi niya at tumulo na ang luha ko. Hindi ko alam pero nasasaktan pa rin ako. Nasasaktan na nakikita siyang nasasaktan. May kung anong galit sa mata niya, may kung anong lungkot at sakit ang nandoon at alam kong ako ang may dahilan. Pinunasan niya ang mga luhang pumapatak sa mga mata ko. "Wag ka ng umiyak. Pinaliliguan mo na si Alyziana niyan." Sabi niya at ngumiti ng pilit.
"Sorry." Sabi ko at ngumiti ulit siya ng pilit.
"Wala ka dapat ihingi ng tawad."
"Hindi naman iyong –" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng nagsalita si Jaylord. "I think I know why. Wala ka pa rin dapat ihingi ng tawad. Sinabi na sa akin ni Kelvin ang lahat ng nagawa niya para makuha ka lang at alam kong ako ang harang sa inyong dalawa. I am giving you to him. Sa kanya ka na kasi kahit kailan naman hindi ikaw naging sa akin. Pinagsiksikan ko lang yung sarili ko sa iyo pero Sofie can I ask this one time?"
"Anything."
"Be strong. Lumaban na si Kelvin para sa iyo at ikaw din dapat. Nandito kaming mga kaibigan mo. Hindi ka nag-iisa kung kailangan mo kami just call or text us or any way you could contact us."
"I can't be your friend anymore. Nasaktan na kita, ilang beses na kitang nasaktan ayoko namang palagi kang masasaktan kapag nakita mo ko."
"Sofie, I might not have you as my wife but please let me have you as your friend. Hindi ko na makakaya kung mawala yung pagkakaibigan natin." Sabi niya at napatango na lang ako. "Pwede bang kargahin si Alyziana?" tanong niya at binigay ko naman ng walang alinlangan. "Ang laki mo na. Alagaan mo mommy mo, ibigay mo yung pagmamahal ko sa kanya. Ibigay mo rin yun sa daddy mo yun pagmamahal ng mommy mo sa kanya." Napaiyak lalo ako sa mga sinabi niya pero mas lalo akong napaiyak sa huling sinabi niya. "Mahal na mahal ko kayo ng mommy mo pero kailangan ko na kayong ibalik na sa tunay na pagmamay-ari sa inyo." Hinalikan niya ang noo ni Alyziana at saka inakap ako.
"Please let me do this for the last time, we could be family." Sabi niya at ng lumayo na siya sa pagkakayakap ay binalik na niya sa akin si Alyziana at tuluyan ng umalis.
*End of Flashback*
Tuwing maaalala ko iyong sandaling iyon kumikirot ang puso ko. Masakit pa rin siya, sobrang sakit pa rin. Pilit ko ngang tawagan si Jaylord para kamustahin siya pero laging nakapatay ang cellphone niya, tinawagan ko rin si Yannie at hindi naman siya galit sa naging relasyon namin ni Jaylord. Kinamusta ko si Jaylord kay Yannie at sagot lang niya naging workaholic. Umuuwi raw sa bahay namin dati ng gabing-gabi na at papasok daw ng sobrang aga. Nagsorry ako kay Yannie dahil sa nangyari sa kakambal niya at sabi lang niya hindi ko raw kasalanan pero alam kong kasalanan ko iyon.
"Libutin na natin ang villa para naman makita mo ang bago natin tahanan."
Nilibot nga namin ang buong bahay. Villa ang tawag niya dito pero para siyang mansion sa laki. Itong si Blaze kung anu-anong salita ang sinasabi, ayos lang magwawalong buwan naman na siya. Napatakbo ako ng marinig kong umiiyak si Blaze at pagkarating ko doon iyak siya ng iyak at kung ano-ano ang sinasabi niya. Nilayo naman ni yaya si Blaze papuntang kwarto ng makita ko kung ano ang tinuturo niya.
Sa tv siya nakaturo kung saan si Jaylord iniinterview sa isang Philippine talkshow. Umiiyak siya at sinabi niya na baka hindi na raw siya makabalik sa showbiz dahil sa trabaho niya ngayon.
"Papa Biyu!" Sigaw ni Alyziana. Kinarga ko si Alyziana at pinatahan.
"Bakit umiiyak ang prisesa namin?" Biglang sabi ni Kelvin.
"Dada biyu, papa biyu!" sabi ni Alyziana habang umiiyak.
Dada Blue kasi ang tawag niya kay Kelvin at sa tingin ko Papa Blue ang tawag niya kay Jaylord. Nagkatinginan kami ni Kelvin at sa tingin namin miss na ni Alyziana si Jaylord.
BINABASA MO ANG
Bring Back The Past Operation
RomanceOperation Series # 1 Cupid chooses no one when he has a target. There are only two choices and that is whether you let the arrow hit you or you will shield yourself from it. Cover...