Chapter 31
-Sofie-
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Cryzel at inimbitahan niya si Kelvin sa kasal niya pero sabi nila Cryzel hindi raw sila ang nagimbita sa pinsan ko kung hindi ang lolo raw ni Cryzel dahil maniwala man kayo o hindi isa na si Kelvin sa tinitingalang Bachelor sa Pilipinas dahil bumili siya ng isang naluluging kompanya at ngayon ay maunlad na ulit. Pero hindi pa rin niya malalampasan si Jaylord sa tinitingalang Bachelor sa buong mundo. Bachelor pa rin naman si Jaylord kasi hindi pa naman kami kasal.
Nakakatuwa man isipin pero ngayon ko lang nalaman na matagal na palang magkakilala sila Yannie, Jaylord at Cryzel kasi magkatabi lang ang mga bahay nila. Yannie and Cryzel used to be friends pero simula raw na nagkagusto si Kelvin kay Yannie – should I say Kelvin used Yannie to forget his feelings towards me – hindi na sila naging magkaibigan. Nabalik na lang ito nang nasaktan si Cryzel ni Kelvin.
Sobrang simple ng wedding nila, typical na church wedding. JC, Seth and Katsumi are the groomsmen. Hindi ko kilala yung mga maid-of-honor pero yung ibang ninong at ninang kilala ko. Tito Adrian, yung manager nila Jaylord, si mommy at si Umma.
Umma is my god-mother at siya ang halos mommy ko na rin kaya nga tawag ko sa asawa niya Appa at kay Yohan ay Oppa. Oppa, is adopted child kaya yun sobrang gusto rin nila magkaroon ng anak na babae kaya they treat me as their daughter.
"Ang ganda naman ng mag-ina ko." Biglang yakap sa amin ni Jaylord. Napangiti naman ako kasi simula nung nanganak ako walang hint na ayaw niya kay Blaze. Kapag minsan nga nakikita ko siya ang nagpapatulog kay Blaze.
*Flashback*
Gabi na at itong si Blaze umiiyak na naman. Pabangon na sana ako para patahanin itong si Blaze kasi puyat si Jaylord sa trabaho at ayokong maistorbo siya pero narinig kong may kumuha kay Blaze sa kanyang kuna. Kaya dali dali akong napabangon at nakita kong si Jaylord ang may buhat.
"Gising pala ang baby namin." Sabi ni Jaylord habang pinaghehele si Blaze. "Tayo muna ang magbonding pagod si mommy sa pag-aalaga sa iyo."
"No need. I could take care of her. Sige na matulog ka na at paniguradong pagod ka." Sabi ko at balak kunin sa kanya si Blaze pero inilayo niya.
"Ikaw ang matulog kasi pagod ka ako naman buong araw lang akong nakatunganga sa opisina at natulog din ako doon."
"Pero –"
"Walang pero pero matulog ka na doon babe. Kami muna ni Blaze ang magbobonding. Bonding ng mag-ama ito." Sabi niya at tinaas-baba pa niya ang kilay niya.
*End of Flashback*
Napangiti naman ako sa paghalik niya sa pisngi ko. Isang buwan na ang nakalipas matapos kong manganak at parang isang tunay na pamilya na talaga kami. Kasal na lang ang kulang.
Kitang-kita kung paano naging emosyonal ang dalawa, tingin pa lang nila sa isa't-isa. Napatingin naman ako kay Jaylord na nasa kabilang aisle kasi siya ang best man ni Lester at si Yannie naman ang ginawang bridesmaid ni Cryzel.
"When we are young we are so close to each other but when we see each other again last time, you were different. Different from the Cryzel that I know but when we have time to be with each other again, I realize that the Cryzel that I know is still inside of you but you are hiding it from other. I like you since we were kids until I saw you again but now I love you." Sabi ni Lester sa kanyang vow.
"Lester, do you know why I call you Les? Because I know from the start you will give less stress, less hassle but more on love. I though before you were my friend but I never thought you will be my husband. I will give you everything because now you are my everything." sabi naman ni Cryzel.
Akala ko si Lester na ang cheesy ngayon pero dinaig pa pala ni Cryzel iyon. Nang matapos ang kiss the bride spiel ng pari at inannounce na sila na ay sina Mr. at Mrs. Lumbres nagsipalakpakan naman kami. Hindi man ako pumalakpak kasi buhat ko si Blaze.
Dumiretso naman kami nila Jaylord sa reception. Magkakaibigan nga naman talaga itong mga ito. Napag-alaman kong yung titiran namin sa Marikina sa Pilipinas ay pagmamay-ari nilang lima. Business partners' sila at halos doble ang kikitain ng bawat kumpanya ng kanilang pamilya dahil all in one package na raw. At para raw may pakinabangan naman daw sila sa hecta-hectaryang lupa na binili nila kahit ilang hectarya daw ay gagamitin nila para sa bahay na patatayo nila.
Tuloy na rin ang paglabas ng album ko halos isang taon ang binuno ko para marecord lang ang mga iyon at kahit buntis ako nagrerecord ako ng mga kanta. Hindi rin ko maiwasan ang hindi rin sumabak sa nakagawian ko at ganun din ang iba pero syempre focus kami sa business at sa mga pamilya namin. Doon sa kantang ginawa ko doon ko nilabas tungkol sa kwento namin ni Jaylord, tungkol kay Blaze, tungkol sa pagmamahalan ni Katsumi at Yannie, tungkol sa unconditional love ni Lester para kay Cryzel at tungkol sa pangako ni Kelvin kay Cryzel.
"I'm sorry." Sabi ng taong bumungo sa akin at hinawakan ako para hindi ako mahulog. Pagkatingin ko si Kelvin. Hindi ko alam pero mas lalo siyang gumuwapo. Lalong naging matikas ang kanyang katawan pero nakita ko sa mukha niya ang longing.
Akala ko noon nabalik na natin ang dati nating statues sa buhay at iyon ang pagiging magpinsan natin pero nagkakamali ako.
"Sofie!" sigaw ni Yannie kaya napatingin ako.
"Bakit?"
"Akin na muna ang iyong baby at hinahanap ka ni Cryzel. Missing in Action ka raw sa selfie mode nila."
"Hindi na. Moment ni Cryzel na magkasama yung limang yun na makukulit." Tawa ko.
"Ay kaya bet na bet kita kay Jaymi parehas tayo ng pananaw." Tawa naman niya. Nakita kong napatingin ang mata niya kay Kelvin pero hindi niya pinansin ito.
"Pero pwedeng panakaw ng baby mo?" ngising sabi niya.
"Hindi pwedeng nakawin. Gumawa kayo ni Katsumi."
"Babe, baog ata si Katsumi hindi kasi makabuo." Biglang bulalas ni Jaylord na umakbay sakin.
"Hoy Jaymi hindi ako baog." Sabi naman ni Katsumi mula sa malayo at halatang narinig niya ang pinagusapan namin. Kinuha naman ni Jaylord si Blaze at ibinigay ko naman sa kanya ng walang alinlangan. "Ganda-ganda talaga ng baby ko. Ingit si tita Yanyan kasi hindi sila magkaanak." Habang palayo na sila.
"Hindi ako inggit. Hoy! Ako dapat nanakaw niyan." Bulalas naman ni Yannie. Parang manika lang ang anak ko sa ginagawa nila.
"Ako ang tatay at tita ka lang. Girlfriend ko ang nanay nito kaya sa akin ibibigay." Sabi niya kay Yannie at lumingon siya sa akin. "Babe, hanap ka ni Cryzel."
Medyo naging akward ang lugar namin ni Kelvin dahil hanggang ngayon nakatayo pa rin siya at hindi pinansin ng mga nasa paligid niya. Lalayo na dapat ako sa kanya pero ng hinawakan niya ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya.
"Umalis ka ng hindi man lang nagpapaalam at hindi man lang tayo nagkausap ng noong nasa fashion show ni tita." Sabi niya.
"Ay sorry. Sumakit bigla kasi tiyan ko nun kaya napilitan kaming umuwi agad at hindi na nakapagpaalam na." sabi ko. Totoo naman yun pero ang totoong dahilan ay dahil natatakot ako na magkausap tayo ng ganito. Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at lumakad ng palayo sa kanya pero bago ako makalayo ng tuluyan kumirot ang puso ko.
-Kelvin-
Iniiwasan ako ni Sofie pero hindi magtatagal dahil mapapasaakin din siya. Dumiretso na lang ako sa labas at nakita ko si JM na karga karga niya ang bata.
"Hindi niya kamukha ang bata." Bulong sa akin ni mama.
"Kamukha ni Sofie." Sabi ko.
"Oo pero may hawig mo." Sabi ni mama kaya napatingin ako. "Siguro yung bilog ng mukha sayo pero Sofie na Sofie ang mukha niya."
Tinignan ko ang bata. Oo, yung bilog niyang mukha kuha sa akin pero Sofie ang itsura niya. Kung titignan walang nakuha kay Jaylord hindi kaya anak ko ang bata at sinalo lang niya ang pagiging ama?
BINABASA MO ANG
Bring Back The Past Operation
RomanceOperation Series # 1 Cupid chooses no one when he has a target. There are only two choices and that is whether you let the arrow hit you or you will shield yourself from it. Cover...