Chapter 37

211 6 2
                                    

Chapter 37

-Sofie-

Humingi ako ng pahintulot kay Kelvin na kung pwedeng wag namin ilayo si Blaze kay Jaylord kasi kahit anong gawin ko naman nagpaka-ama naman si Jaylord kay Blaze at alam kong sobrang mahal ni Jaylord si Blaze at tinuring na rin niyang parang isang anak ito. Sumangayon naman si Kelvin ang sabi niya in good terms na raw sila ni Jaylord simula nung humingi raw siya ng tawad noon. Hindi ko alam kung kelan iyon nangyari pero ayoko rin namang alamin baka kasi maawa lang ako kay Jaylord.

            Tuwing umaga masaya si Blaze na tumatawa pero pagsapit ng ganung oras nag-iiba ang timpla ng mukha niya at hindi ko alam kung bakit. Kaya kapag mga ganoong oras ako ang may hawak sa kanya kasi hindi makontrol ng yaya niya si Blaze at naaawa ako sa yaya niya. Nasasabunutan at nasasampal niya sa hindi inaasahan.

Malapit ng magwala si Blaze dahil iyong ganun oras laging nag-wawala si Blaze pero ngayon parang tahimik siya at nakatitig lang sa may tv. Kumuha kasi ako ng makakain sa kusina at iniwan ko muna siya sa kuna niya na nasa tapat ng tv.

"Mimi biyu, mimi biyu!" sigaw ni Blaze at ang ibig sabihin nun ako ang hanap niya.

"Ano yun baby?" sabi ko habang hawak ang isang corn chips.

"Papa biyu! Mimi biyu, papa biyu!" Ngiting-ngiting sabi ni Blaze at paglingon ko si Jaylord at sila Katsumi. Music video nila, latest music video nila bago magkawatak-watak ang banda nila. Sa mukha ni Jaylord nakikita mo ang saya sa mukha niya kaya bigla akong nalungkot siguro kaya sobrang saya ni Blaze dahil kasama kami noon ni Jaylord noong ginawa nila iyang music video nila. Natapos yung music video nila at tinignan ko si Blaze nakangiti na nakatingin sakin. "Mimi biyu, papa biyu." Nakangiting sabi niya.

"Miss mo na si Jaylord no? Wag kang mag-alala sasabihin ko sa daddy mo kung pwedeng maging ninong mo si Jaylord para pwede mo siyang tawaging papa." Sabi ko.

"Hindi mo naman kailangang sabihin sa akin. Pwedeng-pwede gawing ninong ni Blaze si Jaylord." Sabay karga niya kay Blaze. Hindi na siya takot kargahin ito kasi hindi na gaanong ka-fragile yung mga buto ni Blaze. "Miss mo na papa blue mo? Gusto mo puntahan natin?" sabi niya kaya napalingon ako sa kanya at nakatingin rin pala siya sa akin. "Alam kong miss mo rin siya. Gusto mong puntahan natin?"

"Baka busy yun. Sabi kasi ni Yannie lagi raw busy."

"May magagawa pa ba siya kung nandoon na tayo? Hindi niya tayo pwedeng talikuran. Trust me, he couldn't do that to us." Sabi ni Kelvin.

Nang malapit na kami sa Manila halos kinakabahan na ko dahil malapit naman na ang Manila sa Marikina pero ang opisina ni Jaylord ay nasa Manila kaya lalo akong kinabahan. Pagkarating namin doon kinarga ni Kelvin si Blaze at hindi man lang hinawakan ni Kelvin ang kamay ko at doon ako nagtaka. Dati-rati naman kahit nasa bahay kami hahawakan niya ang kamay ko.

"Is Mr. Jaylord Williams is in his office?" tanong ni Kelvin sa mukhang sekretarya ni Jaylord.

"Yes Mr. Smith he is in his office. Is there any appointment you've arranged with Mr. Jaylord? He didn't allow anyone to be in his office if there is no appointment." Sabi nung sekretarya ni Jaylord. Hinawakan ko ang braso ni Kelvin at ng lumingon siya nagsalita ako. "Sabi ko sayo busy siya. Umuwi na tayo."

"Hindi hangga't hindi niya nakikita si Blaze at hindi mo nakikita si Jaylord." Sabi niya sa akin at lumingon ulit siya doon sa sekretarya ni Jaylord. "I don't have recent appointment with him but you tell him that I am here." Sabi ni Kelvin sa sekretarya niya. Tumango naman ang sekretarya ni Jaylord at tinawagan niya panigurado si Jaylord.

"Mr. Williams, Mr. Kelvin Smith is here again but he doesn't have an appointment." Sabi nung sekretarya. "Yes sir... right away sir." Sabi nito at dali-daling binaba ang telepono. "Mr. Smith, Mr. Williams said you could come in." at nagulat ako ng papasukin kami ni Kelvin. Pagkarating namin sa loob ng opisina ni Jaylord nakita ko siyang naka-upo sa upuan pero nakaharap ito sa bintana. Nilibot ko ang paningin ko ng nakita kong sobrang puti ng opisina niya.

Bring Back The Past OperationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon