Chapter 33

214 5 2
                                    

Chapter 33

-Sofie-

Ang sarap ng pakiramdam na nakalibot ka ulit sa mall. Kasama ko ngayon ang isang katulong at yaya ni Blaze. Bumibili lang naman kami ng ilang gamit ni Blaze at itong si Blaze mahimbing na natutulog.

"Sofie?" may tumawag sa pangalan ko sa gilid at paglingon ko si Kelvin at may kasama siyang babae.

"Kelvin." Sabi ko.

"O-M-G! Ikaw di ba si Princess?" sabi nung babae.

"Pauleen masakit sa tenga." Sabi ni Kelvin pero napansin ko yung kamay ni Kelvin na padpad sa may pwetan nung babae at biglang parang uod kung kiligin sa ginawa ni Kelvin. Impression ko, malandi.

"Nakakaistorbo yata ako. Sige alis na ko." Sabi ko at paalis na sana.

"Yan na ba yung anak mo Sofie?" tanong niya habang nakatingin kay Blaze.

"Yes."

"Ang ganda parang kamukha ni mommy. Pinaglihian mo ba si Mommy?" tanong niya at natulala ako.

"Hindi. Kasi –" Sasabihin ko na sana ng biglang nakita ko si Katsumi kasama ang buong kaibigan niya maliban kay Jaylord na abala sa kakaasikaso ng Orion University.

"Sofie!" Sigaw ni Seth.

"Pahiram." Sabi kaagad ni Katsumi at kinuha si Blaze sa akin.

"Katsumi ingat." Sabi ko.

"Wag kang mag-alala pagpractisan ko baby mo." Sabi naman ni Katsumi at nakita kong lumapit sila JC at Seth at Lester.

"Anong pinaguusapan niyo?" tanong ko.

"Ah nasabi kasi sa amin ng kambal tungkol kay Alyziana." Sabi ni Seth habang nakatingin kay Blaze na hawak-hawak pa rin ni Katsumi.

"Anong tungkol sa pamangkin ko?" Hindi mapigilang sabi ni Kelvin.

"Ah, tungkol sa –"

"Tungkol sa pagpunta nila Sofie sa OU bukas para makita nila tita at tito, di ba Sofie?" sabi ni Lester sabay tingin sa akin na parang sabihin na makisama na lang ako.

"Yeah. Sasama ba kayo sa amin?"

"Oo kasi miss na namin si tita Mimi. Alam mo naman isa kami mga ampon na ng mga Williams." Sabi ni JC.

"Sige. Una na kami. Hoy! Katsumi ibalik mo na sa nanay si Alyziana." Sigaw ni Lester.

Lester became a mad ever since he got married. Hindi na puro kalokohan ang nasa isip niya. Sa kanilang lima si JC at Seth na lang ang halos hindi pa nagmamature. Kasi naman parehong single.

Binalik ni Katsumi si Blaze pero bago siya tuluyang umalis. "Mamaya sa bahay Sof dinner."

Napatingin naman ako kay Kelvin at yung mukha niya parang may iniisip. Paalis na sana ako ng hawakan ni Kelvin ang kamay ko. At sabay inakap sa kanyang bisig hindi naman naipit si Alyziana pero nadadama ko pa rin ang kanyang yakap.

"I miss you Sofie and I still love you." Sabi niya at hindi ko na malayang tumulo na ang luha ko.

-Kelvin-

Pagkayakap ko kay Sofie at sinabing mahal ko pa rin siya, kumawala siya sa pagkakayakap ko sa kanya at umalis na. Walang kaimek-imek na iniwanan ako. Nang nakita ko ang bata ng malapitan natuwa ako at ng yakapin ko si Sofie parang nagkaroon ako ng pag-asa.

"Kelvin, the baby looks like you." Sabi ni Pauleen.

"You think so?" sabi ko at tumango siya.

"Oh my! Kelvin yung damit mo." Sabi ni Pauleen at paglingon ko sa bantang lugar ng hinawakan niya, basa ito. Napangiti naman ako dahil may epekto pa rin pala ako kay Sofie.

-Sofie-

"Yaya. Hawakan mo muna si Blaze." Sabi ko sa yaya ni Blaze at kinarga naman niya ito. Habang naglalakad kami hindi ko mapigilang hindi maiyak.

Bakit ganito yung naramdaman ko? Bakit parang mahal ko pa si Kelvin? Bakit ako naiinis doon sa kasama niya? Bakit ako nanggagalaiti sa ginawa ni Kelvin sa babaeng iyon.

Mabuti na lang at tapos na kaming mamili ng nakita ko si Kelvin at yung babaeng iyon kaya pwede na kaming umuwi. Pagkadating ko sa sasakyan ay pinakalma ko ang sarili ko. Mali itong nararamdaman ko. Maling-mali.

Si Jaylord ang dapat kong mahalin at siya ang mahal ko. Namiss ko lang si Kelvin. Yun lang yun.

"Sofie wait!" sigaw ni Kelvin papasok pa lang ako sa kotse. Walang alinlangang humarap ako sa kanya kaya nakita niyang mugto ang mata ko.

"Bakit ka umiiyak?"

"Kasi –"

"Kasi?"

"Anak mo si Blaze. Yung baby ko anak siya." Tuloy-tuloy kong iyak. Kailangan kong magdesisyon kaagad.

-Kelvin-

Pagkatapos nung nangyari sa mall dumiretso kami ni Pauleen ulit sa pad ko at may ngiti sa labi ko. Ako ang ama ng bata. Ako ang tatay ni Alyziana.

"Saan ka pupunta?" sabi ko.

"Sa kusina. Nagugutom." Hinintay ko lang matapos si Pauleen ng may narinig akong hibik ng iyak. Kaya pinuntahan ko siya.

"Bakit ka umiiyak?"

"Pwede na bang mag-back out? Hindi ko na kayang maging isang pok-pok." Iyak pa rin siya ng iyak.

"Then go. I am not forcing you to stay." Then I look at her and give her money. "Take this and change yourself. When I see again I don't want you to be the same whore I saw you before." And she nod. I handed her something else that I am planning to give to her when she wants to back out.

"Take this key, this is your condo already and do whatever you want in here." I said and started to leave. Pababa na ako ng condo ng may tumawag sa akin. "Anong nangyari sa pinapagawa ko?" sabi ko.

"Bulilyaso bossing. Pagputok ko ng baril para tamaan yung pinapatugis mo sa akin biglang humarang isang babae." Sabi ng nasa kabilang linya. Napako ako sa kinatatayuan ko.

"Sino yung kasama niya."

"Bossing hindi ko alam."

"Mag-imbistiga ka." Sabi ko saka ko binaba ang cellphone ko.

May sa pusa ka ba Yannie at iba ang tinamaan. Tangina kapag si Sofie yung parang awa niyo na huwag siyang mamatay dahil ikakamatay ko iyon.

Bring Back The Past OperationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon