Chapter 30
-Jaylord-
"Gusto kong makita ulit ang baby natin." Sabi ni Sofie habang nakaratay sa kama ng ospital. Nasa nursery room pa kasi ang bata at noong nasa operating room pa niya nakita yung baby. Baka bukas o mamayang gabi pa dadalhin ang bata sa amin.
Dinala ko naman siya sa sa nursery room at nakita kong ngiting ngit ang mga mukha ni Sofie. Tumingin sa akin si Sofie at ng makita niya ang mukha ko bigla siyang nalungkot.
"Bakit Jaylord? May problema ba? Hindi mo na ba kami tatanggapin ng baby ko?" tanong niya.
"Tanggap kita at tanggap ko ang baby niyo ni Kelvin."
*Flashback*
Nagmadali kaming pumunta sa ospital kasi halatang manganganak na si Sofie. Bigla kasing sumakit ang tiyan niya at eksaktong kabuwanan na niya. Wala naman sila Yannie at Katsumi kasi aasikasuhin nila ang magiging bahay namin sa Marikina pagbalik namin. Ayokong mawalay ang magiging anak namin sa mga lolo at lola niya. Ayoko rin naman na habang buhay kaming magtago kay Kelvin.
Makalipas ang ilang minuto, mga trenta minutos ata iyon narinig na namin ang sigaw ng sanggol. Babaeng sanggol. Hindi ko alam kung ano nararamdaman ko pero naeexcite na ko na tignan siya. Ako man o hindi ang tunay na ama, anak pa rin ang ituturing ko sa kanya. Tinignan ko si Sofie at yung ngiti niya sa kanyang mga mata sobrang lapad.
Kahit sobrang bata pa namin para maging isang pamilya handa naman na kami. Labing siyam na taon naman na ako at labing walong taon naman na itong si Sofie. Halos labing-isang taon pa nga lang kami halos nabubuhay na kaming mag-isa.
Tinignan ko si Sofie ulit at mukhang nakatulog siya. Nakita ko ang baby na nililinis ng nurse kaya tumingin ako sa doctor. Ayoko man gawin ito pero gusto kong malaman para hindi naman ako o kami magmukhang tangga.
"Can you get a DNA sample of the baby if it matches to me?" tanong ko sa doctor at tumango ito. "I want it as soon as possible."
Dahil sa sobrang pagod ni Sofie, ilang oras siyang tulog kaya hindi niya napansin na umalis ako sa kwartong pinaghihigaan niya.
*End of Flashback*
Tinignan ko lang si Sofie at biglang tumulo ang luha niya. Pinunasan ko naman iyon.
-Sofie-
"Tanggap kita at tanggap ko ang baby niyo ni Kelvin." Sabi ni Jaylord.
Hindi si Jaylord ang ama ng baby ko. Hindi ko namalayang umiyak na pala ako kung hindi lang pinunasan ni Jaylord ang pisngi kong puno ng luha.
"Huwag kang umiyak. Tanggap ko naman kayo. Sabi ko sayo diba, saakin o hindi ang bata tatanggapin ko. Buti na lang kamukha mo at hindi kamukha ni Kelvin." Tawa niya pero kita ko ang pagkadismaya sa mukha niya na hindi siya ang ama ng bata.
"I am sorry Jaylord."
"You don't need to say sorry. What are you going to name her?" tanong niya. Ito yung tanong na hinihintay ko kapag hindi nga si Jaylord ang ama ng bata.
"Alyziana Blaze Smith." Sabi ko. Tumingin ako sa kanya bago nagsalita ulit. "Ayokong ipagkait kay Kelvin ang bata. Kahit maging ama lang siya sa bata okay na ko. Besides that time we made her. We have love." Pinunasan ko ulit ang tumulong luha sa mata ko. "I'm sorry again."
"It is okay pero pwede bang ngayon maging selfish ako?" tanong niya at tumingin ako sa kanya. "Name her after me. Please? Pangako pagdating ng panahon sasabihin natin na hindi talaga ako ang tatay niya. Ayokong makuha kayo ni Kelvin from me. Selfish na kung selfish pero kahit ngayon lang, Sofie. Pina-DNA test ko ang bata hindi para ipamukha sayo na hindi sa akin ang bata. Pina-DNA test ko para hindi tayo magmukhang tangga sa harapan niya kapag nalaman nila na hindi ko anak ang baby mo." Sabi niya at tumulo ang luha ko. Akala ko magiging ama lang siya sa baby ko pero hindi lang pala pagiging ama ang ibibigay niya kung hindi ang pangalan niya.
Maraming sakit na ang naibigay ko kay Jaylord at ito lang ang hiling niya. Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti ng napakalapad.
"Then Alyziana Blaze Williams it is." Sabi ko at ngumit siya at inakap ako.
-Kelvin-
Mga lintek! Ngayon ko lang nalaman na lahat ng mga private investigator ko ay pinabayaran ni Jaylord para hindi nila sabihin kung nasaan sila. Pinupuri kita ngayon dahil nagawa mong itago si Sofie.
Nag-scan ako ng instagram ko at tinignan ko ang instagram ni Sofie. Namimiss ko na kasi siya. Halos mahigit six months na ang nakalipas simula ng nag-upload siya ng panibagong picture niya. Nagscan lang ako ng nagsacan ng mga picture niya ng biglang maisipang kong mag-refresh kaya nirefesh ko nagbabakasakali rin kasi ako na baka may panibagong picture na kakaupload lang niya at hidni ako nabigo dahil may bagong picture na lumabas. Ilang minuto palang itong naupload at mukhang nasa ospital siya kasi ang picture ay isang television screen lang naman na may music video niya at halatang hospital bed iyong inuupuan niya. Tinignan ko ang caption na nakalagay.
I can't wait to be back to work! J
Nagrefresh ulit ako baka kasi may panibagong picture ulit si Sofie dahil alam kong may pagka-selfie addict itong si Sofie. Hindi ako nagkamali may panibagong picture na nayuko isang lalaki sa hospital bed niya, hindi makita ang mukha niya pero nalaman ko kung sino dahil sa caption na nilagay niya.
He never leaves my side. I love you JM Williams.
Masakit iyon pero kailangan kong magpakatatag dahil alam kong makukuha ko rin siya balang araw. Tinignan ko ang mga comment ng mga nagpost at karamihan nagulat dahil sa pinost ni Sofie.
A certified true friend. Sabi nung unang nagcomment. Hindi siguro nila alam ang tungkol sa kanila. Mabuti naman.
Hey hey Princess! Congratulation! JM Post something on his IG. Sabi naman ng isang pang nagcomment. Hindi ko alam kung sino pero mukhang kakilala nila ito.
Tinignan ko naman ang instagram ni JM. Madali lang naman hanapin ang instagram niya dahil obvious naman na siya yun. Bumungad kaagad sa akin ang picture ni Sofie na may kargang bata. Nakangiti ito at mukhang masaya nanlumo ako sa caption niya.
Welcome to the world Alyziana Blaze Williams. Daddy and mommy love you.
Nanganak na si Sofie at si JM ang ama. Bakit parang natalo ako sa laban pero hindi mangyayaring matalo ako. Alam kong ako ang mahal ni Sofie at ipaglalaban ko siya. Pero bakit ng nakita ko ang bata sa litrato parang natuwa ang puso ko.
Hindi man sa akin ang bata pero sisiguraduhin kong ako na ang magiging ama ng mga magiging anak ni Sofie.
BINABASA MO ANG
Bring Back The Past Operation
RomanceOperation Series # 1 Cupid chooses no one when he has a target. There are only two choices and that is whether you let the arrow hit you or you will shield yourself from it. Cover...