Chapter 42

212 5 20
                                    

Chapter 42

After eight years...

-Sofie-

"Mimi! Alap ala amin papa." Sigaw ni Kayezza habang karga-karga ni Jaylord. Spoiled na naman sa karga itong batang ito katulad nung sa Ate.

"Oh ayan na ang Mommy mo." Sabi ni Jaylord binaba si Kayezza at si Blaze ayun nakakapit pa rin sa baywang ni Jaylord.

"Gusto mo bang kumain muna?" Tanong ko kay Jaylord.

"Hindi na. May meeting din naman ako kaya hinatid ko lang itong magkapatid." Sabi ni Jaylord.

"Papa, please stay here for a while." Sabi ni Blaze. Ito na naman po kami.

"Blaze." Sabi lang ni Jaylord at tumango na si Blaze at inalis na niya ang pagkakayakap niya kay Jaylord.

Birthday kasi ni Kayezza kahapon at hindi nakadalo si Jaylord. May emergency meeting daw sa kompanya. Siya na kasi ang bagong CEO ng kompanya ng mga Williams at si Yannie siya na rin ang CEO ng kompanya na pinamana sa kanya ng mga Venafrancia. Kasal na rin si Yannie at Katsumi, may apat na taong gulang na bata. Nauna nga ang anak kaysa sa kasal. Kakakasal lang nila six years ago. Si Jaylord naman, ayun! Married na rin at sobrang mahal si Pauleen. May anak na rin sila kaidaran ni Kayezza.

Si Pauleen, halos BFF na kami. Ayos naman siya, maayos siyang manamit at nagsorry pa nga siya noon sa akin kasi kinaiinggitan niya ako. Si Pauleen ay sikat ng interpreter sa buong mundo pero since lumalaki na ang anak nila at buntis ngayon ulit siya ay nag-focus na lang siya sa pagiging housewife.

Si Lester at Cryzel, ayun masayang nasa subdivision na pinatayo ng grupo. May apat ng anak puro twins. May lahi raw kasi sila Cryzel na puro kambal kaya ayun todo kayod si Lester para masustentuhan yung pamilya.

Si JC at si Seth, masaya rin pero sa kani-kanilang mga asawa na at trabaho, si JC naging asawa ay isang Italian-Filipino model ng Victoria Secret habang si Seth ay isang disk jock ng Philippine radio.

"Ang saya ata ng mga prinsesa ko ah!" sabi ni Kelvin habang binuhat si Kayezza at nilaro na niya. Napakaspoiled talaga nitong si magkapatid sa karga!

Masaya yung party ni Kayezza, sa Jollibee namin ginawa. Tuwang-tuwa siya kay Jollibee lalo na nung sumasayaw siya. Nandoon si Mommy, si Daddy, yung daddy ni Kelvin, si tita babes ay este si mama, mga kapatid ni Kelvin, mga kaibigan namin kasama mga anak nila, pati sila lolo at lola. May dalawang tao lang ang wala, si lala Elloise pati si lola Shekinah pero given si lola Shekinah kasi patay na. Sabi nila wowa Jane, hayaan ko daw munang tanggapin ni lala Elloise ang pangyayari pero masakit pa rin isipin. Walong taon na kaya!

Siya ang pinakaclose ko sa lahat pero ngayon parang naging close ko ay si wowa Jane na. Lagi siyang nakaagapay sa akin. Lalo na ngayong pinagmerge ni Daddy at ni Kelvin ang kompanya nila. Besides naman daw para sa amin daw naman yun. Para raw hindi na ako mahirapan, sa bahay na lang daw ako mag-alaga sa dalawa.

Hindi ko naman ginawa yun, dahil ang Tyler-Smith Group ay pinasok ang iba't-ibang klase ng maaaring pagkakitaan. Tulad na lang ng dating product ng Tyler Group na perfume at clothes na sila mommy at daddy ang naghahandle. Mga hotel naman sa Smith Group pero ngayong Tyler-Smith Group na siya nadagdagan ang ibang mga products. Binuo namin ang West Valley Academy na halos katabi lang ng Orion University. Nagkaroon din ng Eagle-Eye Productions para sa mga concerts, films at television series at aaminin ko kung noon halos Pilipinas, US at Paris lang kilala ang mga product namin ngayon buong mundo na at tinutulungan ko si Kelvin na maghandle nitong lahat. Sa West Valley Academy ako ang President para maagapay ko ang mga bata pati ang Eagle-Eye Production na tulong kami ni Kelvin para alam namin kung kikita kami sa ganitong artistic plan.

Kami ni Kelvin? Hindi pa kami kasal, twenty-seven pa lang ako at twenty-eight pa lang si Kelvin. Marami pa kaming aasikasuhin para sa kinabukasan nung magkapatid. Dapat kasi three years ago pero nasundan si Blaze at sinunod namin kay lala Elloise ang pangalan ni Kayezza, Elloise Kaye kasi ang pangalan ni lala Elloise kaya ginawa naming Kayezza Elloisa ang pangalan ni Kayezza.

Sa walong taon, walang lala Elloise ang kumausap sa akin. Noong namatay nga four year ago si lola Shekinah nakita ko si lala Elloise pero hindi niya ako pinansin. Wala naman akong magawa, pasalamat na lang din ako dahil nandiyan yung ibang mga lola ko para samahan kami. Sixty-seven years old ng namatay si lola Shekinah, atake raw sa puso ang nangyari.

"Tulala si mommy oh, baby." Sabi ni Kelvin.

"Sinong tulala?" tanong ko.

"Ikaw. Kanina ka pa nakatayo diyan o at nangingilid ang luha." Sabi niya. "Baby Blue, go upstairs with your sister, mommy and I have to talk."

"Okie dokie! Blue, blue we will be upstairs." Sabi ni Blaze habang dahan-dahan umakyat kasama ang kapatid niya. Nang nakaalis sila Blaze, lumapit sa akin si Kelvin at inakap niya ako.

"Iiyak mo na yan. Ilang taon mo ng tinatago yan." Sabi ni Kelvin at parang ito yung cue ko para lumabas yung mga luhang matagal ng gustong makawala.

Sobrang sakit na hindi tanggap ni lala Elloise ang panggyayari. Sobrang miss ko na siya, mas tatanggapin ko pa kung maririnig ko sa boses niya na galit siya pero yung hindi niya ako kausapin yun ang kinasasakit ng puso ko.

"Halika puntahan natin siya sa Cavite." Sabi ni Kelvin at nagulat ako. Alam niyang nandoon si lala? Pero paano? Parang nabasa niya yung tanong na nasa isipan ko. "Pinahanap ko siya. Gusto kong mag-explain sa kanya ng personal, humingi rin ng tawad pero pinipigilan ako nila mama. Ang sabi nila makalipas na lang daw ng limang taon saka ko siya puntahan."

Nag-empake naman ako ng ilang mga gamit para sa magkapatid at tinambakan namin ng unan yung lugar nila. Mahilig kasi sila sa maraming unan na nakapaligid sa kanila. Parang ulap daw kasi. Wala naman kaming magagawa mabait naman yung dalawa.

Nakarating kami kila lala Elloise pero nagulat ako ang nadatnan namin. Puro patak ng dugo. Sinundan namin ni Kelvin yung patak ng dugo pero biglang sigaw ni Blaze ang narinig namin. Galing sa labas kaya dali-dali kaming tumakbo sa may likod bahay kung saan nanggaling ang boses ni Blaze at nakita namin si lala Elloise na naliligo sa sarili niyang dugo.

Bring Back The Past OperationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon