Chapter 43

197 5 8
                                    

Chapter 43

-Jaylord-

"Tito, tito! Palaro ng ipad!" sabi ni Yumi habang hinahatak niya ang hibla ng coat ko. Kinuha ko naman yung ipad ko at inabot sakanya. Kapag nasira yan, pangatlo na yan.

Si Yumi ay anak na lalaki ni Yanyan at ni Katsumi. Natatawa nga ako sa pangalan niyan kasi Yumi Sumi Umirdad ang pangalan. Lintek! Dinaig niya pa ang pagiging Karl Thompson Umirdad niya pero ang kulit. Na-encounter minsan nila Kelvin at Sofie ang kakulitan ng isang Yumi Sumi Umirdad at kahit sila sumuko sa kakulitan. Buti na lang daw ako hindi sumusuko. Paano ako susuko, pamangkin ko yan? At minsan lang naman yan nasa tabi ko.

"Mom!" sigaw ni Yumi pagpasok na pagpasok ni Yannie sa opisina ko.

"Nakung bata ka. Buong building na ang hinanap namin. Nandito ka lang pala sa tito Jaymi mo."

"Eh, gusto kong maglaro ng ipad ni tito." Sabi ni Yumi.

"Naku, tapos sisirain mo nanaman. Akin na yang ipad ng tito Jaymi mo at pumunta ka na sa office ni daddy." Sabi ni Yannie.

"Okay. Bye Tito!" sabi ni Yumi habang naglalakad palabas.

"Walangya kang lalaki ka! Nasa iyo lang pala yung anak ko, hindi ka pa tumawag?" biglang sabi ni Yanyan at umupo sa harapan ko.

"I'll like to see how you will be worried without him." Ngisi ko.

"Kelan ka ba naging sadista?" sabi niya. Pero instead na sagutin ko siya nagshrug na lang ako ng balikat ko.

           

Tumingin ako sa kanang bahagi ng opisina ko kung saan dating nakalagay ang litrato ni Sofie at Alyziana. Hindi ko na nagawang ibalik ang litrato nila doon dahil ang nakalagay na doon ay ang litrato ni Pauleen at ni Kenneth.

-Sofie-

Tumawag kaagad kami ng pulis at ambulansiya. Tinanong kami ng mga pulis kung anong nangyari pero hindi namin alam. Yun ang sabi namin. Mabuti na lang nilagyan ko ng gloves itong si Blaze at si Kayezza, mahilig pa naman silang maghahahawak kung saan-saan.

Sabi ng S.O.C.O mga dalawa hanggang tatlong oras na raw patay si lala Elloise marahil daw ay nagalit ang pumatay sa kanya. Wala naman kaming kilalang may galit sa kanya, ang alam ko lang siya ang may galit sa amin. Kaya nga kami nandito para magpaliwanag.

Kami na ni Kelvin ang nag-asikaso ng lamay niya. Para manlang kahit sa ganitong paraan ay makabawi kami sa mga sakit na naibigay namin sa kanya.

"Anak, pahinga ka na kaya. Makakasama sa iyo yan." Sabi ni mommy.

"Mommy, namatay si lala Elloise ng may galit sa akin." Sabi ko.

"Hindi galit sayo ang lala mo pero hindi lang niya matanggap ang nangyari sa inyong dalawa. Alam mo naman na ikaw ang pinakapaborito niyang apo at si Kelvin ang pinakaayaw niyang apo tapos naging kayo kaya hindi lang niya matanggap." Sabi ni mommy.

"And it is neither your fault nor Kelvin. It is the person who killed her." Sabi ni daddy naman.

Dumating ang mga pulis pero hindi nila pinarinig sa akin yung mga pangyayari at tanging si Kelvin lamang ang nagpaliwanag sa akin.

May suspetiya sila na baka raw si lolo Adam daw ang may kakagawan dahil hanggang ngayon ay hindi nila mawari kung nasaan ito. Ikinataka ko naman bakit naman gagawin yun ni lolo. Oo, nag-aaway sila pero hindi naman magagawa yun lolo kasi sobra niyang mahal si lala.

Pagkatapos ng tatlong araw na lamay ay nilibing na namin si lala Elloise at dumiretso na kaming umuwi papunta sa amin. Sa tabi ni lola Shekinah sa Camarines Sur namin siya nilibing. Kung saan magkatabi sila at magkasama.

Pag-uwi namin, malakas ang ulan. Kaya dahan-dahan nagmamaneho si Kelvin habang si Blaze at Kayezza ay nasa likod. Si Blaze nakikinig sa ipod niya habang natutulog si Kayezza sa binti ng Ate niya.

"Lapad ng ngiti natin ah?" sabi ni Kelvin.

"Wala lang natutuwa lang ako sa pusiyon nung magkapatid Sabi ko naman.

"Oo nga eh. Nakakatuwa." Sabi ni Kelvin.

Ang hinihiling ko na lang sana maging masaya si lala kasama si lola Shekinah. Habang nakatingin ako sa maulan na kalsada biglang may isang mabilis na sasakyan na papunta sa akin. Bago pa kami tamaan ng kotse tumayo ako upang protektahan yung dalawa ngunit hindi ko na nagawa dahil nayakap na ako ni Kelvin pero nakita kong pinrotektahan ni Blaze ang nakakabata niyang kapatid.

Bring Back The Past OperationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon