A/N: This is it! The Epilogue of BBTPO... May second book ito. Ang Last Wish Operation... Kwento ni Alyziana Blaze Smith
Epilogue
-Sofie-
Buwan matapos ang insidente lagi akong nandito sa ospital. Nandito kaya pamilya ko, pero hindi ko pinabayaan ang mga trabahong iniwan ni Kelvin. Mahirap pero kinakaya ko, tinutulungan naman ako nila mommy, daddy, mama at si papa. Sobra akong thankful sa mga magulang ni Kelvin kasi tinuring na nila akong parang anak na talaga nila.
Nalabas din si Kayezza sa ospital kasabay ng paglabas ko kaya sobrang nalilibang ako pero dahil kailangan ko ring maging isang asawa at ina sa isa ko pang anak kailangan kong iwan si Kayezza lagi kila wowa Jane. Ayos lang naman daw sa kanila, atleast daw may inaalagaan ulit silang makulit na bata. Kapag kailangan ko rin ng karamay, isang tawag lang kila Jaylord at nandiyan na sila. Hindi nila ako pinabayaan kaya nagkaroon ako ng lakas lumaban para kay Blaze at Kelvin.
Nandito ako ngayon sa ICU kung saan nakaratay si Blaze, ang himbing ng tulog ng prinsesa ko. Ang sabi naman ng doctor gagawin pa rin nila ang lahat para magising ang anak at asawa ko. Dahil ayokong maluha ako kaya umalis ako ng ICU at pumunta sa kwarto ni Kelvin. Sa ordinaryong kwarto na lang si Kelvin dahil mas malakas naman siya kaysa kay Blaze kaya lang puro aparato ang nakakabit sa kanya.
"Hi, Kelvin." Bati ko sa kanya kahit hindi naman siya sasagot. "Ang dull naman dito sa kwarto mo parang opisina mo lang. Pwede bang magpatugtog ako? Hindi kasi pwede sa ICU alam mo na baka kung anong mangyari."
Nagpatugtog ako ng mahina, radio lang naman siya at sobrang nakakatuwa. My only request na yung episode sa radio. Tapos may nagrequest ng kanta ko.
"Mr. Dj can I make a request? Can I request 'The Man Who Made a Broken Promise'?" sabi nung caller.
"Ayan ba yung kanta ni Princess Tyler?" tanong nung Dj.
"Opo."
"At bakit naman yan ang napili mo? Bakit, may isang lalaki na ba na hindi tinupad sa pangako niya sayo?" tanong nung Dj doon sa caller. Tsimoso si Dj! Well, baka nature niya babae kasi yung Dj.
"Opo, yung sa ex ko po." Sabi ni caller.
"O sige ipeplay natin yang song mo na 'The Man Who Made A Broken Promise' ni Princess Tyler. Isang fact lang tungkol sa song sabi sa akin ng isang malapit kay Princess Tyler ang song na raw na yan ay kinompose ni Princess Tyler para sa kanyang boyfriend na minahal siya instead na isang taong tunay na nagmamahal sa kanya noon pa. Kaya ito na ang kantang 'The Man Who Made a Broken Promise' by Princess Tyler." Sabi nung Dj at naririnig na sa background yung tunog ng song ko.
"You said before I love you. And tears fill in my face. When you right here by side. 'Cause you make me feel your love."
Oo, tama yung ginawa kong kanta. Sinabi sa akin ni Kelvin na mahal niya ako.
"You made a promise. That forever we will be. But that will not come true. Cause you're not here with me"
Tumugma ulit yung ginawa ko. Oo, nangako siya na panghabangbuhay kami pero hindi niya magagawa dahil eto siya, comatose.
"You are the man. Who made a broken promise. The man who stole my heart. Please, bring back my heart
"You are my Prince Charming. Charming it will seems. But you charm someone else. You gave your love to her."
Tama ba? Binigay mo na ba ang pagmamahal mo sa iba kaya eto ka ngayon at comatose? Iiwanan mo na ba ako?
"You are the man. Who made a broken promise. The man who stole my heart. Please, bring back my heart
"Bring back my heart. So that I could give it to someone else. Who will made their promise to come true. Not like what you do"
Please Kelvin, kung aalis ka na please paki balik na sa akin yung puso ko para naman maalagaan at mamahalin ko ng lubusan ang mga anak natin.
"You are the man. Who man a broken promise. The man who stole my heart. Please, bring back my heart"
Natapos yung kanta ko ng hindi ko namamalayan na umiiyak na ako. Nalaman ko na lang ng may nagpunas ng luha ko paglingon ko si Kelvin. Nakadilat at nakangiti sa akin.
"Sabi ko naman sayo mahal kita at hindi kita iiwanan. Forever tayo." Sabi niya.
"Kakainis ka. Kakainis kayong mag-ama. Bakit ba kasi kayo nacomatose. Pinag-aalala mo ako eh." Sabi ko habang umiiyak.
"Sorry. Niligtas ko lang kayo. Huwag kang mag-alala, hindi ka na mag-iisa na magbantay kay Blaze."
"Good, nakakapagod na bantayan ikaw, si Blaze pati si Kayezza." Sabi ko.
"Tutulungan kita pero sagutin mo muna tanong ko."
"Ano yun?" tanong ko. Ano ba yan! Tutulungan na nga ako may kailangan pang sagutin na tanong.
"Yung tanong ay will you marry me?"
![](https://img.wattpad.com/cover/9644230-288-k40628.jpg)
BINABASA MO ANG
Bring Back The Past Operation
RomanceOperation Series # 1 Cupid chooses no one when he has a target. There are only two choices and that is whether you let the arrow hit you or you will shield yourself from it. Cover...