Chapter 41

199 7 8
                                    

Chapter 41

-Sofie-

Ngayon yung reunion ng mga Fraser at hindi mapakali yung kabog ng dibdib ko. Naplanuhan namin na hindi na raw muna ako magpakita sa kanila. Si Kelvin na lang daw ang bahalang magpaliwanag.

Sinama ni Kelvin si Blaze at ipapakilala niya bilang anak namin. Kinakabahan ako sa maaaring mangyari pero eto na yung araw para sabihin namin.

Isang araw lang ang reunion ngayon kasi kila lola Jameelah lang naman ang reunion ngayon. Bulacan lang yun malapit-lapit sa Manila kaysa doon sa Fraser Mansion na sa Camarines Sur pa. Malapit lang din sa amin yung bahay ni lola Jameelah dahil dito lang kami sa Bulacan.

Manonood lang ako ng television ng biglang bumukas ang pinto at isang malutong na sampal ang natanggap ko.

"I am disappointed, Sofie." Biglang sabi ni lola Jane. Napaluha na lang ako dahil alam kong alam niya.

"Paano po niyo nalaman?" Nauutal kong tanong.

"Nasabi na ng pinsan mo." Sabi ni lola Jane habang si lolo Billy ay pinapakalma siya.

"Jane, stop. Hayaan mo munang mag-explain yung bata." Pag-alo ni lolo Billy.

"Bata? Hindi na bata yan, nakagawa na nga ng bata, eh." Sabi niya.

Magpapaliwanag na sana ako ng biglang may sumampal ulit sa akin at kita-kita ko kahit nakayuko ako na si lola Elloise yun.

"Ang baboy niyo!" sigaw niya at sunod-sunod na dumating sila.

"Let us explain." Biglang yakap ni Kelvin sa akin. Pinoprotektahan niya ako sa kanila. Hinanap ko kaagad ng mata ko si Blaze pero wala siya.

"Anong ipapaliwanag niyo? Ang kababuyan niyo?" Sigaw ni lola Toni. Si lola Iris yumakap sa akin at pinatahan ako.

Tumigil muna kayo sa kakaputak niyo." Sigaw niya.

"Kakampihan mo sila, Iris?" Sabi ni lola Jane.

"Kokonsintihin mo ang kababuyan nila?" Sabi naman ni lola Jameelah.

"Hindi ko sinasabi na kakampihan ko sila o ano man. Pero ganyan nab a kayo ka brutal na sarili niyong mga apo sa pamangkin ay sasaktan niyo?" Sabi niya at natahimik silang lahat.

"Kababuyan ba ang ibig sabihin ng pagmamahal na sa inyo?" Biglang sabi ni lolo Billy. "Kahit kailan ba naramdaman niyong binaboy ko si Jane?" Tumingin siya kay lola Jane. "Ikaw, Jane, naramdaman mo bang binaboy kita? Oo, marahil mali yung ginawa nila. An incent relationship but does not mean to be harsh on them."

"Billy pero kailangang tumuwid ang mga utak ng mga ito." Sabi ni lola Toni.

Hindi ko na kaya, hindi ko na kaya marinig ang mga masasakit na salitang sinasabi nila kaya bigla akong tumakbo palabas ng villa at nakita ko sa labas si Jaylord kasama ang anak ko sa loob ng sasakyan.

"Come, on." Sabi niya at saka niya ako nilayo sa gulong sobrang sakit.

-Kelvin-

Hindi na siguro nakayanan ni Sofie ang mga pinagsasabi nila lola kaya lumayo siya. Mabuti na lang at dumating si Jaylord kanina at pinabantayan ko sa kanya si Blaze at pinaghintay ko siya. Naisip ko ng palayuin si Sofie sa sakit nito.

"Let hindi kami mag-pinsan ni Sofie!" Napasigaw ako dahil sa hindi sila nakikinig nila.

"Anong hindi magpinsan? Magkapatid si Nicky at si Camy at magpinsan si Nicky at si Ken. Anong hindi kayo magpinsan?" sabi ni lola Shekinah. Siya at si lola Iris lang ata ang hindi brutal.

"Anak si Kelvin sa kapatid kong si Patrishia." Biglang singit ni lolo Billy.

"Siya si little Zacky ni Ishia?" Tanong ni lola Jane.

Bring Back The Past OperationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon