Chapter 40

216 5 0
                                    

Chapter 40

-Sofie-

Napagplanuhan namin nila Kelvin na gawin yung binyag ni Blaze kahit wala si Jaylord, si Yannie ang naging proxy niya tapos may kinuha si Kelvin na ninang yung babaeng kinaiinisan ko pero wala siya nung araw ng binyag, wala siyang sinabi kung bakit hindi nakapunta. Yung babaeng tinutukoy ko ay yung prostitute na nakita kong kasama ni Kelvin sa mall dati na gustong magbago kaya binigyan niya daw ng pagkakataon na magbago. Wala naman akong magagawa kung hindi pumayag at saka sinigurado ni Kelvin na hindi na raw niya ito ginagalaw at hindi na raw niya ito gagalawin.

"Sofie." Tawag sa akin ni Kelvin bigla.

"Bakit?" Napalingon naman ako kung nasaan siya at namumutla siya. "Kelvin ayos ka lang?" tanong ko.

"Sofie, may reunion daw ulit ang Fraser." Sabi ni Kelvin.

May reunion, ibig sabihin may tendency na makita nila si Blaze at tatanungin nila kung sino ng anak ko. Magkakagulo ito.

"Kung hindi ka pa handa, Sofie. Ayos lang." sabi ni Kelvin. Tinignan ko si Blaze na mahimbing na natutulog. Hindi ko alam pero ayokong itago sa kanila ang relasyon namin ni Kelvin. Alam kong mali dahil kahit anong gawin ko mali ito pero sumugal kami.

"Handa man ako o hindi. Kailangan natin sabihin sakanila. Alam kong mali yung ginawa natin pero alam kong kailangan nilang malaman." Sabi ko at tumango si Kelvin.

It is time to face our greatest fear.

-Jaylord-

"Good morning, Mr. Williams. Welcome back." Sabi ng mga empleyado ng kompanya.

"Good morning as well, I hope you still treat me the same as before." Sabi ko at sabay pasok sa opisina.

"Ang sungit mo sa kanila." Sabi ng kasama ko at ngumiti ako sa kanila.

"That is how I must be to them. Mas mataas ako sa kanila pero hindi naman lagi akong ganito sa kanila."

"Tigil-tigilan mo ako Jaylord Micheal Williams."

"Wala akong ginagawa sayo Pauleen De Chavez."

"Anong wala? Meron, pinasama-sama mo ako sayo. Alam mo namang hindi pa ako ganoong ka-move on sa boyfriend ng ex mo." Sabi niya at natawa naman ako.

"Bakit may sinabi ba akong move-on na ako sa girlfriend ng ex-customer mo?" sabi ko.

Ganyan kami ni Pauleen for the past couple of weeks. Pagkamatay na pagkamatay ni Patricia, nilibing na rin namin siya sa tabi ng puntod ng pamilya niya at hinatak ko na si Pauleen kung saan-saang lupalop ako pumunta at ang rason ko lang sa kanya ay nangako ako sa kapatid niya na hindi ko iiwanan siya.

"Seryoso kasi ako Jaylord. Ano ba ang rason mo kung bakit mo ako hinahatak kung saan-saan?" Sabi niya.

"Do you want a new life? Then I'll give you a new life but you need manners. I drag you anywhere I go because I don't want you to be stupid in these places." Dire-diretso kong sabi.

"Pero bakit?"

"You promise to your ex-customer that when you saw each other again you will be different. But how could you do that if you already used the money he gave you for your sister?" Sabi ko at napaisip siya. "I'll help you change. I'll help you in your new life and I already saw your credentials that you are finish in college."

"Anong kabayaran?" sabi niya at napa-smirk na lang ako. Iba rin kasi itong si Pauleen akala niya lahat ng bagay ay may kabayaran.

"I will help you to be well-mannered woman, I will help you learn different languages, I will help you have a company. I will help you in everything but I you must give me ten million on after your success. It is means that if you succeed after twenty years that is the time I will count years for you to pay me."

"Pero di ba magkakaroon ng interest yun at sa mukha nung gagawin mo hindi lang ten million yun halaga."

"The rest is like a gift." Sabi ko at saka tumayo. "Stay there and wait for the instructor."

-Yannie-

"Gago ka ba talaga Jaymi?!" Biglang bato ko ng name plate ko sa kanya at kakainis nakaiwas siya.

"Makinig ka kasi muna!" Sabi niya at tumayo ako ng dahan-dahan. Buntis kasi ako, finally! Limang buwan pa lang tiyan ko. Nung nagkahiwalay sila ni Sofie buntis na pala ako noon.

"Apat na buwan kang nawala Jaymi! I don't know your whereabouts tapos pagbalik mo isang prostitute ang kasama mo?!"

"Hindi na nga prostitute si Pauleen. I've been with her for a month na at kahit isa hindi siya nagpakita at mahal niya si Kelvin." Sabi niya. Natahimik ako at tinignan siya ng masama. "Hey! Yanyan yang mga tingin mo! Wala akong balak na masama I only want to help Pauleen. Nakita ko kung gaano niya kamahal yung kapatid niya to the point na yung binigay ni Kelvin sa kanya para magbagong buhay ay ginastos niya para sa kapatid niya. Yanyan I want to help her, mag-isa na lang siya sa buhay."

"Do you like her?" sabi ko.

"I don't know." Biglang upo ni Jaylord sa upuang nasa harapan ko. "I don't know if I like her already or I am being locked up by the last wish of her sister." Sabi niya. Lumapit naman ako sa kanya at hinawakan ko siya sa balikat.

"Why don't you try to find out? Don't be a coward, be like dad. Diskarteng malupit ni dad." I said and he chuckled. "Sige pupuntahan ko muna ang magiging prinsesa mo." I was about to go out when he stop me.

"Don't go."

"Bakit naman?"

"I still love her." Isang pangungusap na alam ko ang ibig niyang sabihin.

"Kaya mo na bang maging bestfriend?" Tanong ko.

"I guess I am numb enough." Sabi niya. Saka tumayo na parang walang nangyari.

Sana ito na yung panahon para damayan mo si Sofie dahil nasabi sa akin ni tita Cam na they're about to face their worst fear.

Bring Back The Past OperationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon