Six..

202K 4K 76
                                    

Nagising ako dahil sa ingay ng blower ni Claire. Bumalik padin ako dito after nang nangyari sa'min ni Carter kagabi, baka kasi mag taka si Claire pag nagising siyang wala ako. Ngayong naisip ko yan, hindi ko alam kung paano haharap kay Carter ngayon lalo na't nakita na niya ang lahat sakin.

Umupo ako sa pagkakahiga, sinuot ko yung salamin ko at pinagmasdan lang ang kaibigan kong walang kamalay malay sa ginawa namin ng kapatid niya. Dapat ko bang sabihin sakanya? Pero pag sinabi ko paniguradong tatalakan niya ko dahil winarningan na niya 'ko sa kapatid niya, tsaka baka maging dahilan pa yun ng lalo nilang hindi pagkakasundo.

"Napasarap tulog mo ah, puyat ka ba?" Kung alam mo lang!

"Namahay lang siguro." Bumangon ako ng kama at pagkatayo na pagkatayo ko naramdaman ko agad ang ebidensya ng pagkawala ng virginity ko. Shocks!!

"Pa shower ako ah, pupunta pa ko ng studio ko eh." I said.

"Okay." Kumuha nalang ako ng pangpalit sa closet niya, yup ganyan kami kaclose hiraman kami ng damit at wala ng saulian to.

Ngayon ang hiling ko lang sana, walang Carter akong makasalubong. Pag labas ko ng kwarto pinakiramdaman ko si Carter pero walang presensya niya akong naramdaman pero ayaw kong mag baka sakali dahil baka matulad lang to kagabi na para siyang multo na bigla nalang susulpot.

Kaya ang ginawa ko nag madali akong pumunta ng bathroom at laking luwag sa dibdib na kahit anino ni Carter di ko nakasalubong.

Natapos akong mag shower at tulad kanina pinakiramdaman ko ulit si Carter, still wala pading presensya niya akong naramdaman hanggang sa makabalik ako ng kwarto ni Claire.

Hu! Thank you, Lord!

I saw Claire on her bed, smiling like an idiot while facing her cellphone.

"Anong meron sa cellphone mo at nakangiti ka dyan?" Tanong ko habang pumupwesto sa harap ng salamin niya at pinupunasan yung basa kong buhok.

"Kahapon kasi sa Audition may super hot guy na humingi ng number ko, and now katext ko na siya."

"Naku, knowing you ang bilis mong mafall. Ingat lang baka masaktan ka na naman."

"Ang nega mo talaga, masarap mainlove nu.. kung masasaktan, part yun."

"Mmm.. sabi mo eh." Nag focus nalang ako sa pag aasikaso kong magayos. Well wala naman akong aayusin sa sarili ko dahil pag natuyo tong buhok ko itatali ko din naman agad, di rin naman ako nag mamake-up kaya pag natuyo na tong buhok ko aalis na 'ko.

Nang makapag patuyo ako ng buhok, hinatid na ko ni Claire hangang sa labas lang syempre at ngayon nagtataka na 'ko kung bakit wala pa ding presensya ni Carter akong nakikita.

"Ahh.. peaceful morning, sana lagi nalang morning." Claire said.

"Bakit?"

"Tanghali kasi laging nagigising yung kapatid ko." Ah, kaya naman pala wala pading paramdam niya. Buti nalang, nakahinga ako ng maluwag. Makakaalis ako ng hindi siya makikita, pero kung iisipin baka siya na mismo ang hindi talaga magpapakita pag katapos niyang makuha ang lahat sakin. Ganun naman ang mga Playboy diba?

Sinimulan ko na ang byahe ko, siguradong aabutin ako ng isang oras sa byahe kasama na ang traffic dun.

Nang makarating ako ng studio naabutan ko na sa labas ang Assistant kong si Macky na naghihintay sakin, Nerd din siya tulad ko. Mas madaling maka-trabaho ang katulad mo dahil magkakasundo kayo.

"Macky, ayos lang bang ibile mo ko ng breakfast? Di pa kasi ako kumakain eh."

"Okay." Pagkasabi niya nun nag simula na siyang lumabas ng Studio.

Umupo nalang muna ako sa table ko at hinarap ang computer ko. Hanggang ngayon hindi padin nawawala sa isip ko si Carter, ngayon lang ako ng isip ng sobra sa isang lalake.

Hindi ko alam pero naudyok akong mag bukas ng social media ko at inistalk ang Facebook ni Carter Lawrence. I search his name and then di ko maiwasang mabigla dahil ang nakita kong profile picture niya ay siya kasama ang isang babae na nakahalik sa pisnge niya.

Fuck! May girlfriend siya??

Hindi ako makapaniwala, paano niyang nagawang lumandi sa'kin kung may girlfriend naman pala siya. Hindi ako makapaniwalang nabibigla pa 'ko sa ugali niya. Shocks! dapat hindi ako nag padala sa kagwapuhan niya at halik niya, hindi dapat ako nag paloko sa siraulong yun. Nakakainis!

Sinandal ko ang ulo ko sa sandalan ng upuan at di maiwasang mabwiset sa sarili. Iiwasan ko na siya ng tuluyan!!

I heard my cellphone ring.. i answered it without looking at the screen.

"Hello?" Walang gana kong sabi.

"How rude, bakit hindi ka manlang nag paalam na umalis ka na?" Shit! I know that voice.. and i know he's smirking.

"Paano mo nalaman number ko?" Pagtataka ko.

"Palihim kong kinuha kay Claire."

Are you kidding me??!!

Pinatay ko na yung tawag niya at di na nag abalang magsalita pa ulit, ayoko siyang kausapin, at hinding hindi ko na siya kakausapin. Nakakaloka para naman kaming nag hiwalay na mag jowa nito kung mainis ako eh hindi naman kami.

Nerd With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon